STAR🌟28

2.3K 79 33
                                    

"Naialara, na sa baba na si Sequi," inaalog ako ni daddy habang paulit ulit na sinasabi 'yon.

"Dad, ang aga pa!" inis kong sabi at nagtalukbong.

"Kanina pa siya na sa baba. Ayaw ka lang pasukin at tulog ka nga,"

"Wala naman kaming napag-usapan, Dy. At baka may iutos saakin si Mommy. Malapit na po ang party—"

"Anak naman—"

I cut it with a loud groan because of the annoyance building inside me.

"Opo, opo! Susunod na ako sa baba mamaya!" umirap ako sa ilalim ng comforter.


Nang hindi ko na naramdaman ang presensya ni Daddy ay mabilis akong naupo at sumandal sa headboard, problemado.

Grabe, hindi ako nakatulog kagabi. Ang daming pumapasok sa isip ko dahil sa kagagawan niya. Ang hirap hirap magpigil. Siya naman itong pilit na pumuputol sa pasensya ko.

Kahit ayaw ko muna sana siyang makita ngayong araw ay wala naman akong magawa. Sequi is Sequi. He will never leave the house without bringing me with him.

Bumaba ako na busangot ang mukha habang nagtatawanan sila sa sala ni daddy. Naka stripes siya na pink and white at pink din ang shorts niya. Anong nakain nito? Bakit pink?

Nagtagpo ang mga mata namin at niyayabang na naman niya ang dimples niya. Tinaasan ko siya ng kilay kahit medyo akward parin saakin ang ginawa niya kahapon.


"Ano na naman? Inaantok pa ako,"

Natawa siya at tumayo na. He's so fresh today while I look like a trash. Nice.

"Pero naghanda ka pa rin," he smirked cockily.

"No choice, eh. Saan ba pupunta?" kunot ang noo ko at humikab pa.

Antok na antok ako. Nanghihina pa ako dahil kulang na kulanb talaga sa tulog.

"Gusto mo sabihin ko na rito—"

"Ay, dad, mauna na kami—" mabilis kong putol sa sasabihin niya nang mahimigan ko kung ano 'yon.

Hinila ko na siya pero hinila niya ako pabalik para marinig ang sinasabi ni daddy. Natatawa siya dahil sa reaksyon ko.

"Sequi, breakfast..." pagpapa-alala niya.


Sequi made a salute gesture before pulling me out of the house again. Nang makapasok sa Rezvani ay agad niyang pinaandar 'yon.


"The sixth?" hula ko sa balak niyang sabihin.

Natawa siya. "You know me so well, Naialara, huh?"

"Haha," I faked a smile and rested my back comfortably on my chair. "Sino na naman 'yan?"

"Batchmate natin noong highschool. And he's quite popular..."

Hindi ako interisado dahil hindi na ako nagtitiwala sa mga pinipili niya.

"Sino?"

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now