Chapter-4

1.7K 27 0
                                    



Isabel' POV...


"Mommy! Mommy! may tumatawag po sa phone mo" Nagmamadaling saad ni Ysabelle. Agad naman akong napaahon para pumunta ng cottage namin.

Sht! wag naman sana niyang nabasa kung sino ang nasa I.D caller.

"Anong kelangan mo?" Bungad ko nang masagot ko ang tawag na yun.


"Hello? Babe sorry na please" Tugon nito sa kabilang linya. Pasimple ko namang hinilot ang sintido ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag na wag kang tatawag kapag kasama ko ang pamilya ko!" Naiinis kong sabi.

Hindi ko na pinansin pagsosorry nito dahil sa inis ko, buti nalang wala pa si Diana kung nandito na siya at siya ang makakita ng pagtawag nito ay baka nabuko na ako.

"Bakit? Natatakot kang mahuli ng Asawa mo? Ahahaha! diba sinabi mo sakin noon ako na ang mahal mo, so bakit mo ako tinatago?" Tugon nito.


Napapikit naman ako habang kinakalma ko ang aking sarili.

"Wag mo nga akong dinadaan sa mga ganyan mo Jan! Akala mo ba nakalimutan ko na yang kagaguhang ginawa mo?" Sagot ko. 


Lakas ng loob niyang umakto ng ganyan sakin akala mo hindi niya rin ako ginagago.


"Kaya nga ako humihingi ng tawad sayo diba? Okay sige hahayaan na muna kitang makipagbonding dyan sa PAMILYA mo. Bukas na bukas din mag-uusap tayo, dumaan ka sa unit ko para sabay na rin tayo pumasok ng opisina" Saad nito bago ako binabaan ng tawag.

Napabugtong hininga naman ako pilit na kinakalma ang sarili ko bago bumalik sa cottage.

Nabutan ko naman na nasa cottage na sila Diana dala ang mga pinamili nila. 


"Hon san ka galing?" Bungad nito sa akin.

"Ahh. May nag consult lang sa akin" Tugon ko saka lumapit kay Ysabelle at sinaluhan ito sa pagkain.

"Mommy wag ka pong aalis ha?diba nagpromise ka sa akin magbobonding tayo" Saad ni Ysabelle.

Inayos ko naman ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya.
"Oo naman baby magbobonding tayo. Saan mo naman nakuha na aalis ako?" Tanong ko rito.

"Kasi po may tumawag sayo.. Baka tungkol sa trabaho mo yan.. Baka pinapapunta ka nanaman duon. Nextime po talaga na pupunta tayo kela Lolo sasabihin ko po sa kanya na wag na kayong palaging paalisin kasi bibihira ka nalang namin makasama ni Mama" Malungkot nitong tugon. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya.

I'm so sorry anak nadadamay kayo ng Mama mo sa kalokohang pinasok ko.

I'm secretly having an affair sa isa sa mga stock holders ng company namin. Pabor na pabor ang mga magulang ko sa kanya bukod kasi sa lalaki ito, kasama ito sa mga mayayamang pamilya at matalino din. Isa rin siya sa mga naging nanliligaw ko noong college. Pero si Diana ang sinagot ko dahil mahal ko siya at naging asawa ko at kahit may pamilya na ako hindi siya tumigil na manligaw sakin at hindi alam iyon ni Diana. Sinagot ko siya kahit mag-asawa na kami ni Diana at okay lang sa kanya iyon dahil mahal niya ako. Masyado niyang nakukuha ang oras ko kaya nawawalan na ako ng oras sa anak at asawa ko kaya tuwing nagkakaroon kami ng di pagkakaintindihan sinasamantala ko iyon para makasama si Ysabelle at Diana kelangan rin para hindi ako mahalata ni Diana.


I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon