Chapter-18

1.3K 26 0
                                    


Isabel's POV...



"Anak mabuti naman at napaisipan mong dumalaw dito" Masayang saad ni Mom sa biglang pagdating ni Ate sa aming tahanan.


"Bigla ko kasing namiss luto mo Mom.. and besides balita ko dito na ulit nakatira ngayon si Isabel" Tugon nito nago tumingin sa gawi ko.


"Gusto ko lang siyang makabonding at makausap na rin" Dagdag pa niya.


Hindi ko alam kung nahalata na ni Mom iyon pero alam ko may ibig sabihin ang mga katagang binitawan nito.


"Nako! Sigurado akong sobrang matutuwa ang Daddy niyo pag nalamang niyang umuwi ka Anak at kompleto tayo ngayon.. At dahil namiss at requested mo iluluto namin ni Manang ang mga paborito niyo para sa hapunan mamaya. Sandali lang duon na muna ako sa kusina para kausapin si Manang" Excited na saad ni Mom bago ito pumunta sa loob ng bahay.


"Kumusta kana? Dito kana pala nakatira ngayon?" Walang paligoy-ligoy nq tanong ni Ate Yna nang dalawa nalang kaming naiwan dito sa may garden.


"Ahh. Oo, mag-isang linggo narin. Wala na rin akong nagawa nang tawagan ako ni Dad noong nasa Palawan kami nila Diana at pinakuha na niya ang mga gamit ko sa bahay" Tugon ko saka ininom ang lumalamig ko ng tyaah.


"I see.. Hindi na rin naman na ako nag-expect na kokontrahin mo kapa sa kagustuhan ni Dad" Sagot nito.


Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.


"Btw. Nakausap ko nga pala si Diana nitong nakaraan at nabanggit nga niya sa akin na  plano niya na personally kausapin si Dad para tigilan na itong kalokohang ito at ang panggulo sa inyo. Isabel kitang-kita naman kung gaano ka kamahal ni Diana at kung paano siya lumalaban at gumagawa ng paraan para sa pamilya niyo. Hindi sa kinakampihan ko siya or what pero sana ipaglaban mo siya at ang anak niyo gaya noon kung paano mo pinatunayan kay Mom at Daddy ang pagmamahalan niyo" Mahabang dagdag pa nito.


Huminga lang ako ng malalim bago nagsalita.


"May mga hindi ka pa alam sa mga nangyayari Ate. Gusto ko lang sabihin sayo na ayaw kilalaning apo ni Dad si Ysabelle dahil sa paningin ni Dad at sa papel isa siyang Carlos at hindi isang Molde.. Ginagawa ko ito para tanggapin ni Dad ang anak ko" Sagot ko.


Kita ko naman sa mga mata nito ang gulat sa rebelasyon ko, sinarili ko lang noon ang bagay yun kahit si Mommy ay walang alam sa bagay na to. Sasagot pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa agad kong kinuha ito ng makita kong si Jan ang nasa ID Caller.

"Excuse me.. Sasagutin ko lang to" Saad ko at nagmamadaling lumayo sa kanya.



"Hello?"



"Hey? Babe, gusto ko lang sabihin sayo na pauwi na kami kasama ko si Tito dyan na daw ako magdinner sabi niya" Saad nito.


"What!? Asan na kayo banda!?" Nagpapanic kong tanong.


Hindi siya pwedeng pumunta dito na nandito rin si Ate Yna siguradong mabubuko na ako nito.


"Ahhmm. Otw, palang kami sa parking lot.. Why?" Tugon nito.


"Wag, Wag kang pupunta dito" Mabilis kong saad.


"Andito ang Ate ko at pag pumunta ka dito paniguradong magtataka yun kung sino ka" Paliwanag ko pa.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now