Chapter-43

1.5K 35 5
                                    



Celine's POV...



"Thank you sa treat" Masaya kong sabi.



Nandito na kami sa tapat ng tinitirahan ko nagpresinta na rin kasi itong ihatid ako after naming magkape at magkwentuhan. Hindi nga namin namalayan na tanghali na pala kaya napagdesisyonan na naming umuwi at  kung hindi lang dahil sa tumawag sa kanya tungkol siguro sa trabaho ay baka nanduon pa kami sa may mga food stalls at nagkwekwentuhan parin.


"You're welcome nabusog at nag-enjoy ako" Nakangiting sagot naman ni Diana.


Isa talaga sa mga features na napansin ko kay Diana ay yung ngiti niya. Na pag nakita mo siyang nakangiti ay mahahawa at mapapangiti kana rin. Another thing, mas iba ang ngiti niya ngayon compare sa unang pagkikita namin, na I think its a good sign dahil nakakausad na ito sa nangyari sa kanya sa Pilipinas.


"Ako rin.. Ingat sa daan ha, text me pag nakauwi kana" Remind ko sa kanya bago bumaba.


Nakita ko namang tumango ito, ilang sandali pa ay pinaandar na nito ang kanyang sasakyan at umalis, hinintay ko muna mawala ito sa paningin ko bago ako pumasok.


Since ako lang din naman ang tao dito ngayon sa bahay dahil pumasok sila Kyle napagdesisyonan kong naglinis muna at nag laundry ng mga damit. Mahaba pa naman ang araw kaya gagawin ko siyang productive para hindi rin tambak sa weekends.


Habang abala sa paglilinis ay nagrerecall sa utak ko yung mga pinag-usapan namin ni Diana. Nakakatuwang siyang kasama dahil sobrang dami naming napag-uusapan palagi at parang hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan pero syempre kelangan may fire starter dahil babago palang kami magkakilala may kunting hiyaan pa. Medyo off lang talaga yung una kong tanong, curious kasi talaga ako, and nasagot naman niya.


I thought 3rd sex relationship are for last kasi grabe yung struggles nila for love and acceptance.. Pero gaya rin pala sila ng straight couples na may magloloko at magloloko. Unpredictable talaga ng pag-ibig ngayon hindi mo alam kung hanggang kelan ka niyan mahal.


Bigla namang umilaw ang phone indikasyon na may nagchat. Agad ko itong kinuha kasi sa pag-aakalang si Diana na pero si John Vic pala...


From: John Vic
Hi! Celine are you free tonight? Ayain sana kita magdinner.


Ang tagal ring hindi nagparamdam nito.


To: John Vic
Hey.. I'm actually free right now pero if dinner you prefer okay lang din.


Reply ko. The earlier the better para makapagpahinga rin ako agad mamayang gabi.


From: John Vic
Early dinner nalang. Ahaha! I'll pick you up nalang 5pm sharp. Thank you!


Hindi ko na ito nireplyan dahil nagtimer na yung indryer ko. Pero ilang sandali pa umilaw ulit ang phone ko at this time si Diana naman na ang nagchat. Agad kong kinuha ang phone ko para basahin ang chat niya.


From: Diana
Hey. Kakauwi ko lang mga 10 minutes ago buti naalala kong ichat ka. Ahaha! Thank you ulit.


To: Diana
Nextime ulit sa ibang stalls naman.



Reply ko. Dumating ang alas singko ng hapon at nandito na rin si John Vic. Wala pa sila Kyle mukhang mamaya pa sila makakauwi nagbilin nalang ako sa kanila na nagluto na ako ng ulam for them.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now