Chapter-14

1.5K 29 0
                                    



Diana's POV...


"Eh! Baka magalit naman sa akin si Isabel dyan sa iniisip niyo" Reklamo ko.

Paano ba kasi gusto raw nila magbachelor's party kami kasama si Ian, yung mapapangasawa ni Jus. Actually sumunod ito dito sa amin sa kahapon Palawan at napagdesisyonan kasi naming mag-extend pa ng tatlong araw dahil bibihira nalang din itong gathering na ganito. 

"Ano kaba naman Diana.. Masyado ka namang faithful kay Isabel. Syempre walang magagalit na Asawa kung hindi mo.. natin ipapaalam" Sulsul ni naman ni Marian.


"Gago! Isusumbong talaga kita kay Jes akala mo ha! Ikaw pa ang pasimuno pa atang ng lahat ng ito" Banta ko sa kanya.


"Grabe ka naman. Ngayon lang naman to at saka pa-welcome na natin sa bagong member ng grupo natin" Depensa nito.


Napailing nalang ako. Ano pa bang magagawa ko mukhang nakaset-up na sila. Ganyan talaga pag si Marian ang magplano gagatungan pa ni Ate Nicole siguradong sigurado tuloy na tuloy.


"Pag-iisipan ko muna" Sagot ko nalang. Mahirap na nagkakalabuan na nga kami ni Isabel baka mas lumala pa kung sasama ako sa ganitong pakulo nila.


"Ayun! Pumayag na si Diana! Aasahan ko yan ha?" Sabi ni Kiann saka nakipag-fistbump kay Ian. Sumunod din si Kiann dito sa amin kasama ang Asawa niyang si Therese.


Napailing nalang ako. Pag sila talaga ang nagsama-sama puro na kalokohan ang mangyayari.


Pagka tapos nila akong kukitin ay agad na silang nagtungo sa grocery para bilhin ang mga kakailanganin. Ako naman napagdesisyonan ko munang maglakad-lakad sa may dalampasigan si Isabel kasi at ang iba naming kaibigan nagpapamasahe ayoko naman istorbohin quality time niya yun sa sarili niya.


"Diana?" Agad akong napatingin sa tumawag sakin. At nagulat ako ng makilala kung sino ito.


"Awit?" Tawag ko rito napangiti naman siya dahil duon. Dala-dala parin niya ang mga ngiting kinakaadikan ko noon.


"Mabuti naman nakilala mo pa ako. Kumusta ka na?" Masayang saad nito saka ako niyakap.


She's Awit Joaquin my first love. Siya muna ang naging mundo ko bago si Isabel. High school days noong maging kami masaya ang naging relasyon namin pero sinubok ang katatagan namin noong nag-migrate sila sa Canada.



..



"May gusto pala akong sabihin sayo" Mahina nitong sabi habang kumakain kami dito sa may treehouse ko sa likod ng bahay namin. Actually it's our 7 monthsarry as a couple.


"Ano naman yun? Ang seryoso mo naman masyado" Tugon ko bago muling sumubo ng fries.


"Aalis na kami Diana" Mahina nitong saad. "Mamimigrate na kami na Canada" Dagdag pa nito.



Para naman akong nabilaukan dahil duon.



"Ba--bakit? Kelan? Hindi na ba kayo babalik?" Nauutal kong tanong. Habang nagbabaya na ang mga luha ko sa pagbagsak.



Canada? Sobrang layo nun hindi pwedeng papahatid lang ako sa driver namin para makapunta duon kelangan ko pang sumakay ng eroplano.



"Nagkaroon kasi ng project  duon si Dad at maganda ang offer kaya naisipan ng mga magulang ko na duon na kami manirahan for good at kung kelan? Maybe next month na" Tugon nito at gaya ko ay naiiyak na ito.



"Paano na tayo?" Tanong ko nalang.



"Habang nandito pa ako susulitin natin ang bawat oras nalumilipas. Ayaw kitang iwan Diana pero hindi ko rin pwedeng iwan ang pamilya ko masyado pa tayong bata" Saad niya.



"Wag kang mag-alala ipaglalaban din kita. Mahal na mahal kita" Tugon ko saka inalis ang mga hibla na nakaharang sa kanyang magandang mukha at masuyo siyang hinalikan.




..




At gaya ng ibang lovestory sinubukan naming kumapit sa mga pangako namin sa isat-isa pero sa huli hindi naging maganda ang pagtatapos ng aming storya. Marami kaming narealize sa paghihiwalay namin na iyon.



"Ayos lang naman ako. Ikaw ba? Grabe.. Everytime na nakikita kita paganda ka ng paganda ahh" Puri ko rito. Napangiti naman ito napansin ko rin ang pamumula ng pisngi nito.


Hindi parin talaga siya nagbabago.


"Ano kaba maliit na bagay. Mabuti naman at maganda parin ako sa paningin mo Ahahahaha. Ayos lang din naman ako. Kayo ba ni Isabel kumusta na? Kayo parin ba?" Tanong nito. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya.


"Hey? May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito saka marahang piniga ang braso ko. Napansin ata nito na nag-iba ang aura ko.



"Ahahahah.. Problema? Wala no, bigla lang kitang namiss. Btw. Okay lang namin kami ni Isabel stay strong alam mo na. Wala na akong balita sayo may Boyfriend ka naba? O Asawa?" Pag-iiba ko ng usapan.



"Sa totoo lang walang pumapasa sa mga nanliligaw sa akin. Madalas alam ko naman ang habol nila" Sagot nito. Napatigil naman kami sa paglalakad at umupo sa may buhanginan saka pinagmasdan ang paglubog ng haring araw.
"Sa totoo lang ang tagal ko ng sinusubukang umibig ulit Diana pero wala parin. Wala paring papalit sayo, ikaw parin ang sinisigaw nitong puso ko" Dagdag pa nito.



Napatigil naman ako sa sinabi niya.



"Ang nakakatawa pa dyan ako naman ang nang-iwan sayo noon. Ako ang unang sumuko pero ako itong hindi maka-usad, ako itong napag-iwanan na ng panahon" Naiiyak niyang sabi.



"Awit...



Agad naman niyang pinutol ang sasabihin ko sana.
"Wala kang kasalanan Diana. Sa oras na nagkanda loko-loko na ang lahat tumingin ka lang sa likod mo nanduon ako naghihintay sa pagbabalik mo. May isa lang ang munting hiling sayo ngayon"



"Ano naman iyon?" Tanong ko.



"Pwede ba Diana kahit isang araw lang mahalin mo ako ulit? Pwede bang iparamdam mo ulit sa akin ang init ng pagmamahal mo? Pwede bang ako nalang kahit isang araw lang" Mahina nitong sabi. At sa pangalawang pagkakataon ay hindi nanaman ako nakaimik.



"Alam kung para na akong tanga dito kaka-asa na maging tayo pa. Pero hanggat ikaw ang mahal nitong puso ko hindi ako mapapagod Diana" Dagdag pa niya



Hinawakan ko naman ang mga kamay niya at marahan itong pinisil. "Awit makinig ka sa akin kasal na ako at may anak na kami. Sorry pero hindi ko mapagbibigyan yang request mo ayaw kong masira ang pamilya ko para lang sa isang araw na yan. Alam ko kakakahanap ka rin ng taong mamahalin ka higit pa sa pagmamahal mo sa akin" Tugon ko. Hindi naman na niya napigilan ang pag-agos luha niya.



Tumayo naman na ako. Hindi ko kayang manuod nalang dito habang nasasaktan siya lalo na ako ang dahilan. "I'm so sorry Awit. Kausapin mo ako kung handa ka ng makipag kaibigan ulit sa akin" Mahina kong saad bago tuluyang umalis.


_______________________ ...

Thank you for reading...

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now