Chapter-41

1.5K 31 3
                                    



Diana's POV...



"Diana ikaw ha, nahanapan mo na agad ng bagong Mommy si Ysabelle" Komento ni Marian sa kabilang linya.


Naikwento ko kasi dito ang tungkol sa ginawang pagtulong sa akin ni Celine nitong nakaraang araw nga.



"Sira.. Teacher ni Ysabelle yun, huwag ka ngang issue dyan" Depensa ko naman.



Nakakahiya rin sa tao kung maiissue kami dahil lang sa simpleng pagpatulong niya diba? Nagmamalasakit lang siya tapos lalagyan ng malisya ng iba.


"Sus! Baka sa susunod na tawag ko sayo namomoblema kana dahil inlove ka na sa kanya" Saad nito.


"Hay.. Ewan ko sayo Marian, hindi yan ang priority ko ngayon okay?" Mahinahong paliwanag ko, pero sinagot lang ako nito ng isang nakakalokong ngiti.



Hay talaga naman o..



"Maiba tayo kamusta naman ba kayo dyan sa Pinas?" Pag-iiba ko ng usapan.


Mahirap na baka kung saan pa umabot ang usapan tungkol kay Celine.


"Eto ayos lang naman.. Ganun parin ang ikot ng Pilipinas kahit wala na kayo dito" Pilosopong sagot nito.


"Siraulo, yung maayos na sagot naman" Reklamo ko. Sakit talaga sa ulo kausap itong si Marian buti tumagal kaming magkaibigan nito.


"Ay seryoso naman yun.. Parang walang bago after niyong umalis" Depensa ni Marian.


"Ang ibig ko kasing sabihin ay yung mga balita dyan ganun." Paliwanag ko.



"Yeah yeah.. Speaking of news alam na ba ni Isabel na wala kayo dito, At grabe ang pangungulit sa amin ni Jes na sabihin kung asan kayo?" Tanong nito.


"That's what I am telling you..
Oo, alam na ni Isabel na umalis kami ng Pilipinas. Aksidenteng narinig niya ang usapan ni Ate Yna at Tita kaya ayun.. Good thing hindi na sabi ni Ate Yna kung saang bansa kami pumunta" Kwento ko naman.


Actually hindi ko talaga inexpect na malalaman niya agad na umalis kami dahil ang paalam ko is bakasyon nga lang. Pero sabagay walang sikretong habang buhay matatago gaya nalang ng panloloko niya sa akin.

...


Naalimpungatan ako sa isang phone call and ang nakita kong ID caller ay si Ate Yna.

Ano kayang kelangan nito ng ganitong oras?

"Hello Ate Yna napatawag ka?" Inaantok kong bungad sa kanya.


"Hello Diana.. Anong oras na dyan sa Canada?" Tanong nito mula sa kabilang linya.


Is this a prank? Well probably not dahil hindi naman ganung klaseng tao si Ate Yna na magpupullout ng ganitong klaseng prank.


"Ahh... 2:45 am dito, bakit?" Tugon ko naman.


"Nako! sorry sabi na ehh nasa kalagitnaan na kayo ng tulog" Hingi nito ng pasensya.


"Okay lang Ate.. Mukhang may importante ka atang sasabihin kaya napatawag ka ng alanganing oras" Sagot ko naman.


"Oo, hindi kasi ako mapakali na sabihin sayo ang masamang balita" Paliwanag nito.


I'm not the only one (ToLine) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora