Chapter-6

1.6K 27 0
                                    



Diana's POV...


"Guys! Magbonding naman tayo. Ang tagal narin simula noong last na nabuo tayo" Saad ni Jus siya nalang kasi ang nagmumukod tanging single sa amin magkakaibigan. Actually best friend siya ni Isabel.

"Nako! Jusita hindi ganun kadali yun. Porket single ka dyan. Alalahanin mo naman kaming may mga pamilya na busy kami mag trabaho para may panggatas ang mga anak namin" Biro ni Ate Pia.

Namamasyal kami sa mall nila Isabel ng aksidenteng magkita-kita kami sa department store at ito na nga nagkayayaan kami sa may Jollibee kasama ang mga bata.

"Wala kasing may sabi sa inyo na mag-anak ng marami! Sige naman na pagbigyan niyo na ako. Bago man lang sana ako ikasal ahy!" Tugon nito.

Nagulat naman kami sa sinabi nito.

What!?


"No!no!no way! Ahahaha ikakasal kana? Kanino? Sino yang nagayuma mo?" Singit ni Marian. Tinignan naman siya ng masama ni Jus.

"Oo, engage na ako! Marian" Tugon nito saka pinakita anh engagement ring nito sa kanyang daliri.

"Ayan kasi masyado na kayong busy sa mga kanya-kanya ninyong buhay, kaya hindi niyo alam na ikakasal na ako. Nakatampo pero naiintindihan ko naman. Gusto ko lang sabihin sa inyo na finally I'm engaged!" Dagdag pa nito.

Kakasabi ko lang kanina na single siya mali na pala engaged na siya.

"Sino ba kasi? Sino kasing nagkamali sayo?!" Hesterical na tanong ni Marian siniko naman siya ni Jes.

"Ang gago mo talaga kahit kelan Marian. Sure ka talaga Jes ito inasawa mo?" Tugon ni Jus. Natatawang tumango lang si Jes. Kilig na kilig naman si Marian sa tabi nito.


"Okay.. Guys his Ivan Santos isang accountant and for clarification hindi ko siya ginayuma, hindi ako ganun ka desperada sadyang may nahulog lang sa alindog ko" Dagdag pa nito

"Naks naman! Lakas nga ng karisma nito nakabingwit ng accountant si Jus!" Kantyaw ni Ate Nicole.

"Nako! dapat pala talaga magcelebrate niya ah! libre mo naman na kami" Sabat ni Ate Kath.

"Ito na nga! Here's the tea. Kaya ko kayo niyaya kasi ililibre ko kayo ng get together sa Palawan!!" Masayang ibinalita nito.

Aba! Yayamanin na ang Ate Justine niyo, ililibre kaming lahat ng Palawan.

"Aba! Dapat sinabi mo ng maaga yan tara na! Palawan na!" Saad ni Ate Pia.


Pinagtitinginan na kami dito sa loob ng Jollibee dahil sa ingay namin.

Minsan lang manlibre itong si Justine kaya grab the opportunity na kami.

"Last week of the month ang napareserve kong date 3 days and 2 nights tayo duon. Pwede din bang walang sasamang mga bagets? Hindi kid friendly yung napili kong resort" Paliwanag nito.

Buti nalang malalaki na ang mga anak namin. Kaya pwede ng iwan sa Yaya o kaya sa mga magulang namin. Kung hindi maiiwan ka talaga sayang ang libre ni Jus.

"Ninang Justine bakit po bawal kaming sasama ni Jake?" Curious na tanong ni Ysabelle.

Napa-hala ka Jus naman sila sa tanong ng anak ko.

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now