Chapter-25

1.2K 18 0
                                    


Diana's POV..


Sobrang nanlalamig ang buong katawan ko sa kaba. Ngayon kasi ang araw kung saan   mag-uusap kami ni Jan. Mabuti nalang ay pumayag ito sa akin imbitasyon nitong nakaraang araw.


"Gusto mo raw akong makausap" Saad ng isang tinig.


Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin kong to.


Pero kelangan ko.. namin malaman ang totoo para na rin sa ikakatahimik ng lahat.



"Oo.. May mga gusto lang akong malaman na alam kong ikaw lang ang makakasagot.. Pasensya na sa abala" Tugon ko.


"It's okay.. Feel free to ask me anything and everything" Preskong saad nito.


"Gusto ko lang malaman ang totoo.. Kabit kaba ng Asawa ko" Mahina kong tanong pero alam kong sapat na iyon para marinig niya ang ibig kong sabihin.


May I sound rude pero wala na akong oras para mag construct pa ng tamang tanong.


"Hmm.. What if I say yes... Anong gagawin mo?" Mapanghamon nitong tanong.


Parang may kung anong bagay ang tinurok sa puso ko sa sagot niya. Hindi eksakto na Oo o hindi ang sagot niya pero ramdam ko ang nais niyang iparating.


Mabilis pa sa alas kwatro ay sinuntok ko siya sa mukha na kinagulat niya.


Hindi ako tanga para hindi makuha ang ibig niyang sabihin.


Nilagyan lang niya ng what if yung sagot niya..


May kabit si Isabel...


May kabit ang Asawa ko...


"Ano! Yan lang ba ang kaya mo? Ahahaha!" Mapanghamon pa nitong sabi pagkatapos niyang punasan ang dumudugo niyang labi.


Sinuntok ko ulit ito pero this time naka-iwas ito at ako naman ang nabigyan ng suntok sa mukha.


Sht!


"In fairness mabilis kang mag-isip Carlos.. Para sabihin ko sayo ng malinaw.. Oo! Kabit ako ni Isabel! Mahirap bang tanggapin? Na ang Asawa mo naghanap ng lalaki! Yung bagay na hindi mo naibibigay ay sa akin niya nakukuha.. Btw. ang sarap ni Isabel"


Mas lalo na akong hindi makapagpigil sa mga sinabi niya.


Fck!


Muli ko siyang sinuntok binuhos ko na ang lahat ng lakas at galit na namumuo sa puso ko sa nalaman. May mga suntok rin ito na tumama sa akin.


"Gago ka! Binaboy mo ang Asawa ko! Binaboy mo siya!" Nangigil kong sigaw.


Walang nagtatakang unaawat sa amin ngayon dahil nasa pribadong lugar namin napagusapang magkita.


"Sumuko kana Carlos.. Ibigay mo nalang sa akin si Isabel.. I already marked her, hindi na siya sayo.. At kahit kelan hindi na siya magiging iyo" Saad nito.


Ang sakit sakit sobrang dami naming pinagdaanan isinakripisyo ni Isabel para kami parin sa huli pero sa ganito lang mauuwi at matatapos.


Binigay ko na ang lahat ng natitirang lakas ko para huling suntok na binitawan ko sa kanya at duon ay napatumba na siya at hindi na bumangon. May galos at dugo ito pero namamanage niya paring tumawa at asarin ako.


I'm not the only one (ToLine) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant