Chapter-55

1.3K 35 1
                                    



A months later...



Diana's POV...



After a month simula ng maging official kami ni Celine ay everything went smoothly sa relationship namin. Pero hindi naman mawawala yung hindi pagkakaintindihan at tampuhan pero naayos rin namin agad ang mga yun.


Hindi rin kami nakakaligtas sa tanong ng mga taong malapit sa amin. Kung kelan namin balak ikasal.


Minsan nga naiiling nalang ako kapag tinatanong kami sa bagay na yun dahil kung hindi lang talaga ako nakatali ng kasal sa iba ay papakasal ko talaga right away si Celine.


And I'm super grateful sa kanya dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko.


"Ugh!!! 3 more reports to go!!" Pagmomotivate ko sa sarili ko habang nag-uunat ng katawan.


Lumapit muna ako dito sa binatang salamin habang tinatanaw ang mga tao at sasakyan sa labas.


Sobrang busy ang mga tao at sobrang bilis nalang din ng mga araw na nagdadaan kaya marami sa atin ang pagod at napapagod na.


Bigla namang naputol ang pagmumuni ko dahil sa biglang pagtunog ng aking cellphone.


Agad ko itong nilapitan at napakunot noo ako dahil unknown number ito.


Hindi ko maintindihan pero may kung anong enerhiya ang nag-uudyok sa akin para sagutin ang tawag na iyon.


Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago ko sinagot ang tawag.


"Hello?" Bungad ko.


Hindi agad sumagot ang taong nasa kabilang linya.


"Diana?" Sagot sa kabilang linya.


Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa ulo nang rumehistro sa utak ko kung sino ang taong nasa kabilang linya.


"Ces--ca?" Halos walang boses ang lumabas sa aking bibig.


"Gosh!! I finally found you!! Where have you been? Nasan ka ngayon? I already checked your place and sabi nila umalis daw kayo" Sunod sunod na tanong ni Cesca.


Pero ni-isa sa mga ito ang pumasok sa utak ko dahil binalot ako ng takot at pangamba.


How can I tell her na.. Hindi na kami tulad ng dati na naglalaro ng bahay bahayan?

Na meron ng bagong nagmamay-ari ng puso ko?



"I already miss you Diana.. Come on tell me where you are..para mapuntahan kita"


"I'm sorry Cesca.. " Yun nalang ang lumabas sa bibig ko bago ko pinatay ang tawag na yun.


Agad ko ring pinatay ang cellphone ko dahil alam kong tatawag ulit ito sa akin.


Sht! What now Diana.. What now!?


Wala sa sariling hinablot ulit yung cellphone ko bago ito hinagis sa pader saka ako napahilamos ng mukha.


Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong nagkaroon si Cesca ng contact sa akin, anytime pwede nitong ipatract ang location ko at sooner makikita niya rin kung nasaan ako nagtatago.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now