Chapter-5

1.7K 30 3
                                    



Diana's POV...


"Mukhang maganda ang araw natin ngayon ah. Iba ngitian mo ngayon bunso ngiting naka-score" Puna sakin ni Kuya mabilis naman sa alas kwarto pinalo siya ni Ate. Ayan kasi.


"Dion yang bibig mo." Sita ni Ate.


"Che! Palibhasa di ka pinagbibiyan kaya ka ganyan" Kantyaw ni Kuya papaluin sana ulit siya ni Ate pero mabilis itong nakatakbo papalayo.


"Nako mamaya na nga lang kami mag-uusap ni Diana mukhang may naiingit dito" Dagdag pa nito nagdirty-finger naman si Ate sa kanya napa-iling nalang ako sa kulitan nila habang naghihintay kami sa iba naming kasama dito sa conference room.

Kahit madalas kaming busy sa mga kanya-kanya namin trabaho at buhay ay nagagawa parin naming magkulitan ng ganito.


"Alam mo kung lalaki lang din si Diana hindi na ako magtataka kung naghahabulan kayo sa paramihan ng anak" Sagot naman ni Ate.

Grabe naman sila sa akin, ikakalat ko ba ng lubos ang lahi namin pag naging lalaki ako? Well pwede!

"Sus! Kung lalaki itong si Diana eh di okay din para di lang ako ang pogi sa pamilya siya rin pero gwapa naman na siya pwede na" Tugon ni Kuya saka ginulo ang buhok ko.

"Ang yabang talaga kahit kailan.. Ano kayang pinakain nito kay Hannah at baliw na baliw sa lokong-lokong ito. Umamin kana ginayuma mo siya no?" Sagot ni Ate.

Buti nalang talaga open-minded itong dalawang ito kahit nagkakapikunan sila ay hanggang duon nalang yun walang personalan.


"Baka ikaw dyan palagi ka ngang pumupunta ng Quiapo bumibili ka siguro ng gayuma. Sinasabi ko na nga ba nagayuma si Luis Ahahaha!" Saad ni Kuya.

Sasagot sana si Ate ng isa-isa ng nagsidatingan ang mga iba pa naming makakasama sa meeting.

Kaya umayos na kaming tatlo.


"Hey? Gusto mo ba ng mga bagong tips para sa inyong mag-asawa may mga bago akong nalaman" Bulong sakin ni Kuya.

"Ano ba Dion. Manahimik ka nga" Sita ni Ate. Magkakatabi kasi kami ng upuan.

"Don't worry sasabihin ko rin sayo ang sekreto para hindi ka naman kawawa dyan" Natatawang saad ni Kuya bago nito nibinelatan si Ate.

Pigil na pigil naman na ng inis si Ate lalo pa't tinitignan na kami ni Dad.

.
.
.


"Mama! Asan na po ang j.co ko?" Masaya tanong ni Ysabelle ng salubungin ako nito.

Tumawag kasi ako dito sa bahay bago umuwi tinanong ko siya kung anong gusto niyang pasalubong at itong j.co doughnuts ang pinabili niya.

"Here's your J.CO Anak. Syempre hindi makakalimutan ni Mama ang request mo. Kahit ano pa yan basta para sa baby ko.. Hmm pakiss nga si Mama" Saad ko saka ito pinugpug ng halik.

Agad naman tumakbo papunta si Ysabelle papunta ng kusina dala ang box ng j.co sinundan ko naman siya at nakasalubong ko si Manang Gina.

"Manang si Isabel po?" Tanong ko. Sabado kasi ngayon alam kong wala itong pasok ngayon wala din naman talaga akong pasok ngayon sadyang may pinuntahan lang akong bagong project namin kaya napalabas ako ngayon.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now