Chapter-47

1.3K 43 0
                                    


Celine's POV...


"Everyone welcome to our 6th annual family day! I hope magustuhan niyo ang mga palaro and prizes na hinanda namin para sa inyo" Masayang anunsyo ni Ate Pons.


Nakakatuwa makita yung mga bata kasama ang mga magulang nito ngayon na nagsasaya. Mas engrande nga ang family day event namin ngayon dahil na rin sa tulong ng mga parents.


Pasimple naman akong kinalabit ni Carly at nginuso ang kinaroroonan Diana at Ysabelle sa itsura palang nila halatang may sumpong si Ysabelle, kaya nag paalam ako kay Carly sandali at lumapit naman ako sa kanila.


"Anong problema?" Tanong ko.


"Ahh.. May sumpong lang" Sagot naman ni Diana.


"Okay ang first game natin is kalamansi relay! Grade 1 to 3 muna ang unang maglalaro please fall in line na" Sabi ng Emcee.


"Ysabelle tara sali ka duon sa palaro oh" Aya ko sa kanya.


"Okay lang po, dito nalang ako manunuod Teacher" Sagot nito.


Bakit pakiramdam ko pati sa akin ay aloof rin ito.

"Sayang naman yung mga masasarap na prizes namin Ysabelle kung hindi ka makakakuha.. Tara na malapit na magstart" Suyo ko pa.


Pero hindi pa rin ito natinag.


"Ahh.. Ma'am Celine patulong naman ako dito sandali" Singit ni Lyca.


Napabugtong hininga nalang ako at bago  humarap kay Diana.


"Diana sandali lang ha tulungan ko lang sila duon.. Babalik din ako" Sabi ko.


"Okay lang kami dito Celine.. Baka mamaya okay na rin siya" Sagot naman nito.


Sumunod naman na ako kay Lyca at tumulong ilabas yung mga ibibigay na prizes sa faculty room.


"Anyare sa kay Ysabelle?" Tanong ni Ate Pons pagkalapit ko sa kanila.


"Ahh.. Sinumpong.. Ayaw sumama sa pa games natin" Sagot ko naman.


Mukhang matindi talaga ang sumpong niya kasi hindi tumalab ang charm ko sa kanya.


"Ehh.. Paanong hindi susumpungin yan.. Siya lang ata ang hindi kasama ang dalawang magulang tignan mo naman" Singit naman ni Carly.


Tumingin naman kami sa paligid at tama nga si Carly, pakiramdam ni Ysabelle ay naleleft out ito dahil isa lang ang dala niyang parents.. Even yung iba ay mga auntie or uncle naman ang dala.


"Ayun lang.. Mahirap talaga ang ganyang sitwasyon" Si Ate Jie.


"Samahan mo na kaya sila duon Celine" Suggest ni Heather.


"Ehh.. May ginagawa pa tayo dito" Sagot ko naman.


Hindi naman sa ayaw ko kaso may trabaho din akong dapat asikasuhin.


"We're okay naman.. Susunod na yung games with parents kaya pumunta kana duon" Si Kyle naman ang nagsalita.


"Oo nga Celine kami ng bahala dito" Segunda ni Carly.


I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon