Chapter-31

1.3K 22 2
                                    




Awit's POV...




"Ahh!! Sht! Ate mga naman e!" Malakas kong tili nang hilahin ni Ate Bang ang kumot ko at winisikan ako ng tubig sa mukha ni Ate Amanda.



"Babangon ka dyan o babasain ka ulit ni Amanda?" Nakapamewang na sabi naman ni Ate Bang.



"Aish! Ito na babangon na" Napipilitan kong sabi bago bumangon sa higaan.



Kainis kakatulog ko lang halos kanina tapos gigisingin na nila ako.



"Ayan, mission success!" Natatawang saad ni Ate Amanda, napailing nalang ako nang mag apir sila ni Ate Bang. Hay.




"Huwag ka ng magmokmok dito at lumabas labas ka naman..
sya nga pala nasa baba sila Marian" Pag-iiba ng usapan ni Ate Bang.




"Eh. Bakit raw?" Tanong ko naman.




"Hindi ko na tinanong kung bakit, icheck mo phone mo baka naman sinabihan ka na hindi ka lang nagrereply" Tugon nito.




Deadbatt na siguro ang phone ko dahil wala naman akong naririnig na pag ring nun.




"Sige, maligo lang pala ako"




"Aba! Dapat lang ang baho mo na, ganyan ba talaga pag nasasaktan hindi naliligo?" Masungit na saad pa nito, bago sila lumabas ni Ate Amanda ng kwarto ko.




Pumasok naman na ako sa banyo at tinignan ang sarili ko sa salamin. Sobrang mugto pa rin ang mga mata ko, kakaiyak kagabi.




Hindi bale yun na ang huling beses na iiyakan ko ang isang Diana Carlos.



..




"Uy.. Napadalaw kayo?" Bungad ko sa kanila pagkababa ko sa Sala.



"Ahh.. Pinapupunta ako ni Diana dito" Pauna ni Marian.




"So naisip ko baka LQ kayo kaya sinama ko sila para makichismis" Dagdag pa nito.




Naningkit naman ang mata ko sa sinabi nito. Wait!



"Anong LQ? Walang LQ-LQ kasi nga matagal na kaming wala, ako lang naman itong umaasa sa kanya" Depensa ko naman.



"Shems! May pinanghuhugutan!" Sabat ni Ate Bang.



Napairap nalang ako sa sinabi ni Ate Bang.




"So ano bang nangyari sa inyo, bakit si Marian ang pinakisuyuan niya dito kung pwede ka naman niyang tawagan" Tanong ni Jes.




"Ahmm.. We kissed" Panimula ko, nagsitilian naman silang lahat at rinig na rinig sa buong sala.




"So, ano itutuloy ko paba to o matitilan nalang kayo dyan, Hindi na ako magkwekwento?" Masunget kong tanong.



"Ay ang sunget, sige continue na" Natatawang sagot naman nila.



"So after nun tinanong niya ako kung bakit ko ba raw sila inaalagaan ni Ysabelle, sinabi ko lang naman na umaasa pa rin ako na magiging kami, sagot naman niya na hindi na pwedeng ipilit pa yung amin and nagsorry siya dahil nasaktan niya ako, sinabi ko naman sa kanya na last na sugal ko na yun sa kanya. Tapos" Kwento ko pa.




I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now