Chapter-9

1.4K 27 3
                                    



Diana's POV...


"Guys tara na, kain na!" Aya ni Jus saka nagsimulang sumandok ng pagkain sa plato nito.

Ang daming masasarap na pagkain ang nakahain pero hindi ko maeenjoy ang mga iyon dahil wala akong ganang kumain.

Naiinis parin ako sa ugaling pinakita ni Isabel. Para siyang panahon pa-iba-iba madalas tag-ulan minsan naman tag-araw.

"Oh? Diana diet ka ata ngayon? Ang unti ng pagkain mo" Puna ni Ate Pia ng mapansin nito na kunti lang ang kinuha ko.

"Ahh. Hindi naman po Ate Pia wala lang ako sa mood kumain ngayon" Tugon ko at saka tumabi kay Ate Nicole.


Lumingon muna ako kay Isabel parang wala lang sa kanya na hindi ako tumabi sa kanya sa pagkain.


"Baka naman kasi iba ang gustong kainin tapos hindi napagbigyan kaya" Kantyaw ni Ate Kath.

Nagsitawanan naman sila dahil duon pero hindi nalang ako umimik nagpatuloy nalang ako sa pagkain.


Tumingin naman ako ulit sa gawi ni Isabel nakikitawa ito sa biruan nila na para bang wala nasasaktan na tao. Hay.

"Wag ka rin kasing papaapekto ahh. Kita mo yung mga ngiti niya? Dapat ganyan ka rin. Halatang talo ka eh" Bulong ni Ate Nicole.

Napabugtong hininga nalang ako dahil duon.

"Hindi ko kaya Ate Nicole. Hindi ko kayang magkunwari ng sobra. Talagang hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagawa niya" Tugon ko. Ngumiti lang ito ng nakakaunawa saka ako tinapik sa balikat.

"Mamaya nalang natin pag-usapan yan. Magheart to heart talk ulit tayo tapos hindi mo rin naman susundin ang payo namin" Saad niya.

Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi nito. "Ang mahalaga at initindihin mo sa ngayon ay kung paano mo ieenjoy ang pagbabakasyon natin dito" Dagdag pa nito.


Tama siya. Kelangan ko munang iwaglit sa isip ko ang mga istress at ienjoy ko ang oras ko dito sa Palawan.



.
.
.



Pagkatapos naming kumain at magpahinga sandali ay agad na silang dumiretso sa dagat dahil excited na mga itong magtampisaw sa dagat. Ako naman ay nagpaiwan pa dito sa cottage dahil gusto kong kamustahin si Ysabelle.

"Mama miss na miss ko na po kayo" Saad nito medyo naluluha-luha pa nga siya.

"Kami rin baby miss ka na rin namin ng Mommy mo" Tugon ko naman.

"Mama bakit hindi mo po kasama si Mommy? Asan po siya?" Tanong nito.

"Nasa beach na siya naliligo sobrang excited na kasi silang maligo kasama ng mga Ninang Justine mo, pero wag kang mag-alala sa susunod na tatawag ako nandito na siya okay?" Sagot ko naman.

"Okay po. Don't forget my pasalabong Mama I love you" Saad nito saka nilapit ang labi nito sa screen.

Napangiti naman ako dahil kahit may problema kaming pinagdadaanan ni Isabel ay nandyan naman ang anak namin para pasayahin at mahalin ako ng sobra-sobra.

Pagkatapos naming mag-usap ni Ysabelle ay pumunta na ako sa may dalampasigan nakita ko naman ang iba sa amin ay naliligo na pero si Isabel at abala parin sa paglagay ng sunblock lalo na sa likod niya na hindi nito maabot. Kaya agad akong lumapit dito.


I'm not the only one (ToLine) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt