Chapter-28

1.3K 23 7
                                    



Diana's POV...


Sa 7,107 na pulo sa Pilipinas at sa milyon-milyong tao na nandito.


Lord naman bakit siya pa?


"H--Hey" Nauutal kong saad.


Fck! Diana can you please act normal!


"Sobrang tense ka naman dyan" Natatawang saad ni Cesca. Nahihiyang ngumiti naman ako.


Gosh! Nakakahiya!


"Chill ako lang ito.. Have a seat" Dagdag pa nito. Umupo naman ako sa bakanteng upuan sa tapat niya.


Breath in! Breath out!


Kaya pala kakaiba ang kaba ko kanina dahil may nakakagulat rin palang mangyayari.


Sana iba nalang ang initusan ko para imeet up ito. Pero for sure papagalitan ako ni Ate dahil nalaman nitong puro ako AWOL.


"I didn't expect na ikaw rin pala ang kameeting ko today. What a coincidence" Panimula niya.


"Yeah.. Ang liit talaga ng mundo Ms. Racraquin" Sakay ko naman sa sinabi niya.


"So.. Shall we start?"  Saad nito.


"Ahh.. Yes" Sagot ko naman at mabilis na kinuha ang folder sa bag kong dala at ibinigay sa kanya ang mga dokumentong kailangan niyang pirmahan.


"Para hindi naman tayo masyadong formal, call me Cesca na lang" Saad nito habang abala sa pagbabasa ng mga binigay kong dokumento.


"Ahh.. Okay Cesca" Tugon ko napansin ko naman na ngumiti ito ng banggitin ko ang pangalan niya.


Since abala ito sa pag-aanalisa ng mga dokumento ay mas nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya ng matagal.


Kung gaano kalakas ang karisma niya sa akin kagabi mas malakas ang epekto sa akin nito ngayon.


Mas lalo kong na appreciate ang ganda nito ngayon.


"Na appreciate mo? Kasi nakuha mo? Ha! Cheater" Tudyo naman ng inner self ko.


Napasampal naman ako sa loob loob ko.


Geez! Diana hindi ka single para ganyan gumalaw at mag-isip! May pamilya kana uy!


"Okay done!" Saad nito bago inabot ang mga dokumentong kanyang napirmahan, kinuha ko naman ang mga iyon at tinignan ko kung napirmahan ba niya lahat ng kelangan niyang pirmahan.


"Thank you for trusting Carlos Builders Inc., this is the beginning of our success as partners" Bati ko at muling nakipagkamay rito.
 

"Yehey! Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa inyo" Masayang saad nito.


Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko may iba pa itong ibig sabihin.


"We should celebrate this. Dont you think?" Excited na pa saad nito.


Hindi paba kami nagcecelebrate sa lagay na to?

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now