Chapter-46

1.4K 41 2
                                    



Isabel's POV...



"Mom?" Nanghihinang tawag ko sa aking ina na nasa tabi ko lang, tahimik na nakatuon sa cellphone nito.


Hindi ko na alam kung ilang oras naba akong tulog after kong maglabor. Pero pakiramdam ko ay kulang na kulang pa ang naitulog ko dahil nanghihina pa ako ng sobra. Ang importante ay successful kong nailabas ang baby ko.


"Anak mabuti naman gising kana kamusta pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito bago ako inabutan ng maiinom.


"Mabuti buti na po Mom.. sobrang nanghihina lang talaga ako ngayon.. Kamusta naman si Seyah? " Tanong ko naman.

Sobrang laki ng pasalamat ko kay Jus sa mga staff at kay Cesca para sa kabaitan nila para maidala agad ako sa Ospital.


..


"Dalhin mo muna ako sa ospital manganganak na ako ahh.." Pakiusap ko habang namimilipit sa sakit.


Naramdaman ko na rin ang mainit na likido na dumadaloy sa binti ko.


Oh no, pumutok na ang panubigan ko!


"What!?" Naguguluhang tanong nito.


"Please! Tumawag ka ng ambulansya at dalhin niyo na ako sa ospital" Pag-uulit ko pa.


Pakiramdam ko nakatawag atensyon na ako sa ibang tao dito sa resto dahil yung iba ay nakatingin na sa amin.


"Are you pranking me? Para makaligtas lang sa hinihingi ko sayo?" Mataray na tanong nito.


Putcha naman tong babaeng to.. Manganganak na ako tapos iniisip niya na prank lang? Kakaibang prank naman ang naisip ko kung ganun.


"Gago ka ba! Manganganak na nga ako---


"Ma'am ano po nangyayari sa inyo?" Tanong ng isang crew.


"Ahh.. Please tumawag ka ng ambulansya manganganak na ako.. Ahhh!" Sagot ko naman.


"Ma'am kumalma po muna kayo.. Tatawag na kami ng ambulansya Sir! Emergency!!"


"I already called an ambulance papunta na raw sila.." Singit naman ni Cesca.


Sakto din naman dumating si Jus..


"Sabi na eh may nangyayari na dito sa loob.. Kapit ka lang Isabel malapit ng dadating yung ambulansya. Tawagan ko lang si Manang Gina para dalhin yung gamit niyo" Saad nito.


Mga ilang sandali pa ay dumating na yung ambulansya at agad naman nila akong sinakay sa stretcher.


Si Jus na ang sumama sa akin papunta dito sa ospital at nagpaiwan ni Cesca para ayusin ang bills namin sa resto. Hindi naging malinaw ang naging usapan namin sa huli pero hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang gagawin niya ang lahat makuha lang si Diana once na lumabas na ito. Duon pala ay isa na yung sign na huwag ko siyang susubukan.


After an hour ay successful kong naisilang ang isang healthy baby boy..


Na pinangalanan kong Seyah Luis M. Jaboneta. Pangalan na wala sa mga pinagpipilian ni Jan pero hindi ko naman ikakait sa kanya na magamit ng anak namin ang apelyedo niya despite ng ginawa niyang kagaguhan sa akin at sa pamilya ko.


I'm not the only one (ToLine) Onde histórias criam vida. Descubra agora