Chapter-15

1.5K 26 1
                                    



Isabel's POV


"Arrgghh! Grabe, sobra kong na-ienjoy yung masahe!" Masayang saad ni Jes habang nag-iinat inat pa.

"Kaya nga, kahit ako sulit na sulit ko rin" Segunda ko bago kumuha ng pizza sa lamesa at kumagat dito.

Kakabalik lang namin sa rest house after namin magpamasahe. Gaya nila Jes sobra talaga naming na-enjoy yung massage therapy na yun ang dami ba naman ng problema na dumarating sa akin, kelangan ko rin naman siguro magrelax.

Bumalik na rin si Jan sa Maynila kani-kanina lang hindi naman niya sinabi ang rason kung bakit babalik na siya agad at wala din naman akong pakialam.

"Nga pala Jus may naisip ka na bang wedding date?" Tanong ni Ate Pia.


"Ahmm. Wala pa nga Ate Pia. Naghahanap palang din kami ng mura pero magaling na wedding planner. Siguro pag may nakita na kami duon palang kami mamimili ng date exact date pero may mga pinagpipilian na rin kami" Tugon ni Jus.

"Ehh.. Mukhang matatagal tagal pa pala yang kasal niyo. Tapos kanina naririnig ko na sila Marian nagplaplano na ng bachelor's party para sa groom" Sagot naman ni Ate Pia.


Sumunod kasi dito fiance ni Jus noong napagdesisyonan naming mag-extend pa ng tatlong araw dito. Kahit sila Kiann ay sumunod rin sa amin kahit kakauwi lang nila nung nakaraan galing America.


"Si Marian? Aba! Loko-loko talaga yung babaeng yun, kahit kailan! Mamaya siya sa akin!" Nangigil na saad naman ni Jesma.


Nagsitawanan naman kami, for sure bugbug sarado nanaman yung si Marian mamaya.


"Ikaw ba Isabel, hindi mo ba itatanong kung anong ginagawa ni Diana? Mamaya bigla na pala siyang mambabae sa likod mo, diba?" Tanong ni Therese.

Bigla naman silang natahimik habang hinihintay ang sagot ko.

"Ahmm.. Hindi ko na siya tatanungin tungkol sa bagay na yan. May tiwala naman ako sa kanya at alam kong hindi niya ako lolokohin" Proud kong sabi.


"Aba! Ganyan dapat may tiwala sa partner. Tularan niyo nga si Isabel!" Saad naman ni Ate Pia.

Naiiling nalang ako sa loob-loob ko.

Pagkakatiwalaan niyo pa kaya ako pag nalaman ninyo ang mga panglolokong ginagawa ko kay Diana?

"May tiwala naman ako kay Kiann, Ate Pia pero para sa akin mahirap talaga paglapitin Asawa mo" Kontra naman Therese.

"Kahit sobrang loko-loko yung si Marian lapitin rin yun, kaya nanigurado lang, bakuran mo ang iyo" Sang-ayon ni Jes.


"Sabagay tama rin naman kayo. Pero nasa sakanya parin ang desisyon kung papadala siya sa tukso o hindi diba?" Tugon ni Ate Pia.


Biglang namang tumahimik ang lahat dahil sa biglang pagtunog ng telepono.


Agad ko namang kinuha ang cellphone ko.


Dad Calling...



Ano kayang kelangan nito?


"Ahh.. Excuse lang guys si Dad tumatawag" Paalam ko saka pinakita yung screen ng phone ko.


"Hello po Dad, napatawag ka?" Bungad ko.

"Isabel, kelan kayo babalik dito sa Maynila? Bakit hindi kana sumabay kay Jan pabalik dito?" Tanong niya.


I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon