Chapter-39

1.7K 38 13
                                    



Diana's POV...



Ang maniharan sa ibang bansa ay hindi biro. Grabe ang pagkahomesick at culture shock na mararanasan mo pero sa akin hindi naman na ako na culture shock dahil ilang beses na rin ako nagpabalik balik dito sa Canada, si Ysabelle lang ang iniisip ko dahil malaking adjustment ang gagawin nito.



"Anak hurry up! malelate na tayo" Tawag ko naman kay Ysabelle mula sa kusina. Naghahanda ako ng agahan namin. Pinag-iisipan ko kung papasunurin ko ba dito si Manang Gina para mag-asikaso sa amin dahil may mga dapat rin akong asikasuhin sa trabaho kaso naisip ko baka mahirapan rin ito mag-adjust lalo sa klima dahil may edad na rin ito.



"Coming po!" Mga ilang saglit pa ay nakita ko na itong bumaba.



"Come on Anak, let's eat" Aya ko saka inayos ang kakainin nito. Pancake and hotchoco ang inprepare kong agahan namin, late na rin kasi ako nagising dahil late na ako nakatulog at naninibago pa rin ako sa oras dito.



"Saan po ba tayo pupunta Mama kela Tita Kelly po ba ulit?" Tanong nito. Ang tinutukoy niya is yung pinsan ko na nandito rin sa Canada, nagkita kasi kami nung isang araw.



"Ahh.. Hindi may work si Tita Kelly now.. sa bago mong school tayo pupunta anak" Sagot ko. Napatigil naman ako nang mapagtanto ko yung sinabi ko.


Sht! Sht! Sht!


"Ano po yun Mama, bagong school? Akala ko po ba bakasyon lang?" Nagtatakang tanong nito.


Think fast Diana!



"For sure Anak magugustuhan mo duon mga Filipino rin ang magiging classmates mo" Pag-iiba ko ng usapan. Hindi ko talaga inaasahan na madudulas akong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na to.


"What was the sense na itago pa sa kanya ito Diana, eh duon din naman kayo pupunta" Saad ng inner self ko.



"I know.. I think ako ang hindi ready na sabihin sa kanya ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay namin" Sagot ko naman.


Hindi talaga ako makaisip ng pwedeng idahilan sa kanya kung bakit biglaan ganito na ang setup namin. Kung sasabihin ko kasing dahil sa trabaho baka magtanong ito ng magtanong bakit hindi kasama ang Mommy nito o even makadalaw man lang sa amin dito.


Hindi naman na ito nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa pagkain. Hanggang sa makarating kami sa bago nitong school ay hindi na ako nito inimikan pa.


Masama ata loob niya sa akin.


"Good morning Ma'am" Nakangiting bati ko kay Ms. Pons principal nitong school.


"Good morning Ms. Carlos have a seat" Offer nito.


Naupo naman kami sa may sofa.


"What can I do for you Ms. Carlos?" Tanong nito.


"Ahh.. Gusto ko sana makausap yung magiging adviser ng Anak ko" Tugon ko naman. Bukod sa textbook na kelangan naming bilhin ito nga kelangan ko makausap bagong adviser ni Ysabelle regarding sa magiging adjustment nito dahil middle ng school year ng lumipat kami.


"Ahh.. Sandali lang Ms. Carlos pupuntahan ko lang si Ms. Domingo maybe nasa faculty or may klase na siya" Saad naman nito.


"Ahh.. We can wait naman Ms. Pons, maybe during breaktime nalang para hindi na rin abala" Pigil ko naman. Ayaw ko namang makaabala sa oras ng pag-tuturo nito.



I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now