Chapter-37

1.5K 36 11
                                    




Diana's POV...



"Diana Anak mag-iingat kayo roon ha? Alagaan mong mabuti yang Apo ko" Bilin ni Mama.


Ngayon kasi ang nakatakdang flight namin papunta ng Canada. Naging mabilis din kasi ang pagproseso nila Dad ng papers naming mag-ina.

...

"Dad tinatanggap ko na ang offer mong position sa Canada"


"Anak sigurado ka na ba dyan?" Tanong nito.


"Yes po Dad.. Gusto ko muna magfocus sa pamilya ko kaya tinatanggap ko itong offer mo" Sagot ko.


"Oh sya sige.. Kakausapin ko ang secretary ko para ayusin ang papel niyo ni Ysabelle.. Ang asawa mo ba makakasama?" Follow up question nito.


"We already talk about this Dad.. and sad to say na she cant come dahil siya lang din ang katuwang ng Dad niya sa negosyo nila" Kwento ko naman.


"I see.. Okay lang ba sa inyo ang ganung set up?" Nag-aalala nitong tanong.


"Yes naman Dad"


"Okay.. Update na lang kita regarding sa progress ng papers niyo" Sagot nito.


"Thanks Dad!" Saad ko naman.

...



"Yes, Ma" Tugon ko naman.



"Bakit kasi hindi pwedeng sumama si Isabel mas panatag ako kung dalawa kayo ang aalis" Namomoblema saad nito.


Sinabi ko kasi sa kanila na kami lang ni Ysabel ang aalis hindi kasama ang Mommy nito dahil sa conflict schedule and work related issues.



"Ganun talaga Ma.. Siya lang ang katuwang ng Dad niya sa pagpapatakbo ng business nila. Intindihin nalang natin, besides susunod rin siya sa amin ni Ysabel pagmaluwag schedule niya" Muling paliwanag ko.



Well ganito lang siguro mag-overthink ang mga Nanay pagdating sa mga anak nila.



"Oh sya sige.. Pupuntahan ko lang muna ang Apo ko" Saad nito bago pinuntahan si Ysabel na naka upo sa may bleachers habang abala maglaro.



"Uy! Basta ako Diana ha.. Huwag mong kakalimutan size 9 akin" Singit ni Marian, pagtalikod ni Mama.



"Sige, tignan natin kung may murang tsinelas duon" Gatong ko naman. Napakamot nalang ito ng kilay sa sinagot ko.


"Mga Ate, if hanapin ako ni Isabel.. Huwag ninyong sasabihin na umalis kami ng bansa or kung saang bansa kami pumunta" Bilin mo kela Ate Nicole.



"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo" Suggest nito.



"Ayaw ko lang.. At sigurado akong hindi siya papayag na isasama ko si Ysabelle" Sagot ko naman.



Kung susumahin mas may karapatan si Isabel over me sa custody ng Anak namin. Pero hindi ko hahayaan na kawawain lang ang Anak ko sa puder ng mga Molde.



"We will try our best Diana" Pangako ni Ate Kath.


"Sigurado ka na ba dito?" Nagaalilangang tanong ni Ate Nicole.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now