Chapter-11

1.4K 30 0
                                    


Isabel's POV...



"Guys ready na ba kayo?" Tanong ni Jus na nasa labas ng pinto namin.

"Oo, susunod na rin kami Jus" Tugon ko naman habang busy pa akong magpatuyo ng buhok.


Habang si Diana naman ay nakahiga sa kama namin habang busy ito sa phone niya. Marahil kausap ang anak namin.

"Okay, sige bilisan niyo" Sagot nito bago kami nakarinig ng yapak papalayo.

"Mauna na akong baba" Paalam ni Diana ni hindi na nga ako nito hinihintay magsalita pa agad na siyang lumabas ng silid.


Napabugtong hininga nalang ako. Akala ko after ng pag-uusap namin kanina tungkol sa gusto niyang sundan na si Ysabelle ay magiging okay kami dahil nginitian naman niya ako after at sinabi din niyang naiintindihan niya ako. Pero pagkatapos naming bumalik dito sa tinutuluyan namin para mag-ayos ay hindi na ako nito inimikan.

"Baka sumama ang loob. Kahit ako ba naman tanggihan sasama talaga ang loob ko" Saad ng innerself ko.

"Hindi ganun kadali ang hinihingi niya. Okay? Hindi pa nga ayos ang issue ng pamilya ko kay Ysabelle tapos magdadagdag pa ako" Tugon ko.

"Ang sabihin mo ayaw mo ng dumagdag ang iisipin mo pag hiniwalayan mo si Diana" Sagot nito.

"Isabel ano na? Ikaw nalang hinihintay namin" Saad ni Jus habang nakasilip sa pinto.

Agad ko namang pinatay ang blower na ginamit ko saka muling tumingin sa salamin.

"Tara na" Saad ko.

"Grabe sobrang tagal mo naman" Reklamo ni Jus.

"Anong ang tagal ang bilis niyo lang kaya kumilos. Halatang excited ang lahat" Sagot ko wala pa atang kinse minutos noong nakabalik kami dito ay nakapag-ayos na silang lahat.


"Oo naman kahit ako excited eh.. alam mo naman ang iba sa atin hindi na maharap gumimik pa" Saad nito.


.
.
.




"Wohh! Party!!" Masayang sigaw naming nila Jus habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor.


Actually kanina pa kami dito sobrang namiss ko yung mga ganitong memories namin magkakaibigan, sila Diana naman ay nanduon sa table namin nag-iinuman lang.

Mga kj kasi yun pagdating sa sayawan.

"Wait lang guys.. Comfort room lang ako" Paalam ko sa kanila.


Hindi ko na nga sila hinintay na sumagot dahil puputok na ang pantog ko. Hindi na rin ako nag-abalang dumaan sa table namin.

Naglalakad na ako papunta ng C.R nang may biglang humila sa akin papunta sa madilim na parte nitong Bar. Hindi naman ako makasigaw dahil nakatakip ang isang kamay nito sa bibig ko.

"Shhh.. Babe easy, wag kang matakot ako to" Mahinang saad nito saka inalis ang kamay niya sa bibig ko.


Kahit hindi ko maninag ang mukha nito dahil sa sobrang dilim ng pinagdalhan niya sa akin ay nakilala ko naman kung sino ang nag mamay-ari ng tinig na yun.


"Jan!?"


Sht! Anong ginagawa niya dito!?


"Yaah.. It's me the one and only" Tugon nito saka mabilis akong hinalikan sa labi, pero mabilis ko naman siyang tinulak palayo.

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now