Chapter-17

1.4K 25 1
                                    



Diana's POV...


"Ano bang meron at nagsi-tambayan kayo ngayon sa opisina ko?" Nakapamewang kong tanong kela Ate Nicole, Jesma at Maris bigla kasi silang pumunta sa opisina ko ng wala man lang pasabi sa akin.

"Dito kasi kami pinapunta ni Ate Nicole, okay?" Tugon ni Jesma bago ito sumubo ng egg pie.

"Nagugutom na kasi ako kanina at saka nagtitipid din ako. Tapos naalala ko na may cafe malapit sa opisina mo, kaya dito ko na rin sila pinapunta, para mailibre mo kami" Segunda naman ni Ate Nicole.

Napa-iling nalang ako dahil duon. Sasagot pa sana ako ng bigla namang kumatok ang secretarya ko.

"Ma'am may bisita po ulit kayo" Saad nito.

"Sino paba inimbitahan niyo?"  Tanong ko sa kanila napakibit balikat lang ang mga ito.


"Papasukin mo na baka kasama lang nila" Utos ko agad naman sinunod ng secretary ko ang utos ko.


Napailing naman ako sa loob-loob ko. Paano ako makakapagtrabaho nito kung may mga panggulo.


"Mukhang mas may nauna ka ng bisita kesa sa akin" Agad naman kaming napatingin sa may pinto si Ate Yna lang pala.


"Ate Yna, napadalaw ka" Saad ko rito saka nakipagbeso dito.


"Ahh. Gusto sana kitang makausap, Kumustahan lang kumbaga" Tugon nito.


"Pero mukhang may mga nauna na sa akin" Dagdag pa niya habang nakatingin kela Ate Nicole.


"Don't worry Doc. Yna aalis na rin kami ginawa lang talaga naming meeting place itong opisina ni Diana at cafeteria" Saad naman ni Ate Nicole.


"Okay lang.. take time makakapaghintay naman ako" Tugon ni Ate Yna.


.
.
.



"I heard the news" Panimula nito.

Hindi pa nga umiinit ang mga pwet namin dito sa cafe ay yan na agad ang sinabi niya.


"Sumusobra na talaga si Dad sa pagpapahirap sa inyo at ni-hindi man lang talaga pinigilan ni Mommy. Tsk!" Naiinis pa na sabi nito.

Sabay-sabay na kasi kami nila Ate Nicole na lumabas sa opisina ko at dahil may ibang pupuntahan ang tatlo ay humiwalay din sila sa amin sa parking lot.

"Ayoko nalang mag-salita tungkol sa mood swings ng Daddy niyo" Tugon ko saka humigop ng kape.

Kahit ganito ang trato niya sa akin at sa anak ko, hindi ko mai-aalis ang katotohanang tatay siya ng asawa ko at kelangan ko siyang irespeto.


"Bilib na din talaga ako sayo ehh. Sobra ang pag-intindi at pasensya ang binibigay mo sa mga magulang ko. Hay! si Dad daig pa si Mommy kung topakin. Di bale susubukan kong kalugin ang utak ni Isabel pag-umuwi ako. Para maisip naman niya na hindi na siya bata para sundin pa ang mga ganyang utos ni Dad. Hindi man lang talaga naisip ni Dad yung apo niyang kailangan ng kalinga ni Isabel" Sagot naman nito.


Kahit hindi ako tanggap ng buong pamilya ni Isabel laking tuwa ko parin na may isa sa kanila tanggap ako para kay Isabel at si Ate Yna yun.


I'm not the only one (ToLine) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon