Chapter-27

1.3K 24 0
                                    


Isabel's POV...



"Babe naman.. Please kausapin mo na ako" Pagmamakaawa ni Jan kulang na lang lumuhod ito sa harap ko.


Akala niya after may mangyari sa amin ulit nung sinundo ako ni Dad ay papatawarin ko na siya sa ginawa niya. Hell no!



"Please Jan.. Give me some space hanggang sa humuhupa ang inis ko sayo" Paliwanag ko.



Napatigil naman at nanahimik ng ilang sandali. Tinuon ko naman ang pansin ko sa pagbabasa ng bagong reseta na vitamins para sa akin.


"Fine, Just text me if you need something okay?" Bilin niyo bago umalis.


Hindi sana kami magiging ganito kung hindi siya nangialam sa hindi naman niya problema.

Masyado niyang pinangunahan ang mga gagawin kung kilos. Akala niya hindi problema yung resulta ng ginawa niya.


"Anak wag kang masyadong papastress hindi maganda para sa baby mo yan" Paalala ni Mom matapos ako nitong abutan ng tubig.


"Hindi ko iwasan Mom dami ko ng masyadong pinoroblema ngayon" Sagot ko.



"Magbakasyon ka kaya muna.. dalhin mo si Ysabelle rito magbonding tayo at tsaka namimiss ko na rin ang Apo ko" Suggest nito.


"You know I loved that Mom but ayaw kasi ni Dad na papuntahin dito si Ysabelle kasi Carlos ang dala-dala at hindi Molde" Malungkot kong tugon.



Unang apo kasi si Ysabelle tapos ganito pa ang trato sa kanya ni Dad. Aminin ko man o hindi masakit para sa akin yun bilang isang ina.



"Hindi ko na nga maintindihan yang Daddy mo, hamakin mo pati Apo niya dinadamay niya sa galit niya kay Diana" Naiinis na saad nito.



Isa rin yan sa mga rason kung bakit nahihirapan akong magdesisyon dahil hindi ko makukuha basta basta si Ysabelle kay Diana dahil kay Dad.



"Mom? Nagtext nga pala sa akin si Diana gusto raw niya akong makausap. Kinakabahan ako baka alam na niya ang totoo" Kwento ko.



Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung nabasa ko ang text niya kagabi.



Hindi ko kaya.. Hindi pa ako handa.



"Anak.. kelangan mo ng sabihin ang totoo sa kanila dahil hindi mo habang buhay maitatago sa kanila yan.. I know mahirap pero nandito na e, hindi na natin mababago ang nangyari" Saad nito.

I'm not the only one (ToLine) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora