Chapter-53

1.6K 36 5
                                    


Celine's POV...

Mabilis pa sa alas kwarto na itinulak ko si John Vic palayo sa akin. Napalakas pa nga ata ang tulak ko dahil halos maoutbalance ito.

Sht! nakita kami ni Diana.

Hindi ako pwedeng magkamali siya yun.. si Diana yun! Kilala ko yung boses na niya pati na rin yung built nito.

"Celine!!" Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni John Vic mabilis ko nalang sinundan si Diana.

Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi ko naman ginusto yung nangyari?

"Diana!" Sigaw ko para patigilin ito pero parang hindi ako nito naririnig dahil patuloy lang ito sa paglalakad.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa maabutan ko siya, mabilis kong hinawakan ang kamay nito para patigilin siya.

"Ano Celine.. Bakit mo ako sinusundan bumalik kana duon!" Taboy nito sa akin, agad nahagip ng mga mata ko ang mumunting luha sa kanyang mga mata para namang sinaksak ang puso ko dahil duon.

"No, ayoko.. Gusto ko magpaliwanag sa nakita mo" Paliwanag ko naman.

Hindi ko ginusto yung nangyari nabigla lang ako.

"Magpaliwanag para saan? Eh hindi naman tayo.." Sagot nito sa akin, alam kong galit lang ito pero nasaktan pa rin ako sa sinabi niya.

Calm down Celine... Calm down..

"Iniisip ko nga baka naprepressure ka lang sa gusto ng mga kaibigan mo" Dagdag pa nito. Napailing nalang with disbelief.

"Naprepressure, Tanga kaba!? Hindi ako pinipressure ng mga kaibigan ko, ganun lang talaga sila" Sagot ko sa mga patutyada niya.

Kahit ganun yung mga kaibigan ko mang-asar hindi naman nila ako pinipressure kay Diana, mukha lang pero hindi. Itong nararamdaman ko ay kusa kong naramdaman at walang namilit.

"Okay.. I have to go, naghihintay na sa akin si Ysabelle" Aalis na sana ulit ito pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Hindi ka aalis hanggat we don't settle things first" Pagmamatigas ko.

"Ano ba Celine, pauuwiin mo na muna ako.. Gusto kong magluksa sa nakita ko. Naiintindihan mo ba yun?" Pakiusap nito.

Pero umiling nalang ako.

"Pakshit naman oh!" Paltak nito, hindi ko naman maiwasan na hindi mapatawa sa itsura nito ang cute kasi.

"Why are you laughing? Akala mo ba nagbibiro ako na nasasaktan ako sa nakita ko.. Nagseselos ako Celine alam mo ba yun?" Napipikon nitong sabi.

"Then me out..." Pakiusap kong muli.

Napabugtong hininga nalang ito mukhang napagtanto niya na hindi ko siya paalisin hanggat hindi ako nakakapagpaliwanag sa kanya.

"Fine.. Talk" Utos nito.

"Okay.. I invited John Vic para lumabas ngayon" Panimula ko.

"Fck!"

Hinampas ko naman siya sa braso na kinagulat niya. Maski ako ay nagulat rin.

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now