Chapter-54

1.4K 43 6
                                    


Diana's POV...


"Woah! Not accurate as I predict pero tumama pa rin Ahaha!" Dinaig pa ni Marian ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa. Pero saktong tuwang lang ang ginagawa niya dahil buhat buhat nito ang kanyang bunsong anak na si Mimi na pinapaarawan niya.

Ang bilis nga ng panahon dahil noon ay pinaplano and pinagbubuntis palang siya ni Jes and very unexpected nga dahil ibang method ang ginamit nila ni Marian para magkababy ulit unlike kay Jake na malaki ang ginastos nila. But still a baby is a blessing and I am happy for them.


Pero seryoso hindi ko alam pero parang may pagka Rudy Baldwin ata itong si Marian ang lakas mag predict ng mga mangyayari.


"Kaya nga.. Hulaan mo na rin kaya ang mga winning numbers sa lotto Marian para magkapera pa tayo lalo" Natatawang biro ko naman.

"Sige, ipagdadasal ko sa mga Angels ko" Sakay nito sa biro ko. Natawa nalang kami parehas dahil duon.

"Nako tawang tawa ka dyan Marian.. Ano yang pinag-uusapan nito at tuwang tuwa ka, malamang babae nanaman yan no?" Rinig kong tanong ni Jes sa kabilang linya. Bagong dating lang ito habang may dala-dalang lampin at bote ng gatas.

Medyo lumaki nga ang built ng katawan ni Jes which is normal sa nanay at bagong panganak.


"Yes Babe--- aray ko naman!" Sagot ni Marian binatukan tuloy siya ni Jesma. Napa-iling nalang ako.


"Umayos ka Marian! kakapanganak ko lang ha.." Banta sa kanya ni Jes.


Napa-iling nalang ako habang natatawa sa loob loob ko. Ayan.. Loko-loko kasi.


"Babe totoo naman kasi sinasabi ko..." Hindi talaga nagpatinag si Marian pinanlakihan na nga siya ng mata ni Jes.


"Relax lang Mahal ko.. Pinag-uusapan lang namin yung bagong girl ni Diana" Depensa naman nitong kaibigan kong bumibingo na sa asawa nito.


Napatigil naman si Jes at napatingin sa akin na parang nagtatanong.


"Ohh.. May girlfriend ka na ulit Diana?" Tanong nito.


Napangiti naman ako..


"Ahh.. Oo, recently lang naging official" Sagot ko naman.


Actually hindi na rin kasi pinatagal ni Celine ang panliligaw ko sa kanya since mutual naman daw ang aming nararamdaman and mas makilala pa namin ang isat-isa pag kami na.
Kaya we make it official.


"See? Malakas pa rin karisma ng parekoy ko sa mga chixs!" Proud na proud pang sagot ni Marian.


Natawa nalang ako.


"Mabuti naman kung ganun.. akala ko habangbuhay ka ng magmumukmuk dyan dahil kay Isabel" Aware naman akong sarcasm lang ang sinabi nito dahil ganyan talaga nagsalita si Jes. Pero sana wag manahin ni Mimi ang ganyang ugali ng parents niya. Huhu.


"Bagay nga talaga kayo nitong si Marian parehas kayong loko loko" Kumusta ka naman Jes?" Tanong ko rito. Syempre hindi naman biro manganak kaya saludo talaga ako sa lahat ng mga Nanay.


"Eto bumabawi pa lang ng lakas.. Ayos din tong kaibigan mo eh.. Lakas humiling ng anak... Akala mo siya itong magdadala ng bata ng siyam na buwan" Reklamo niya. Alam naman naming biro lang yun.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now