Chapter-13

1.3K 30 0
                                    



Isabel's POV...


"Jan mali toh. Mali nangyari sa atin!" Nagpapanic kong sabi habang pinupulot ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig.


Damn! Ang tanga-tanga mo talaga Isabel!

Bakit nagawang mong makinaig sa iba?! 


"I know mali ang nangyari sa atin Isabel. Pero anong magagawa ko? Kung mahal pa rin kita hanggang ngayon at hinding-hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa atin" Pagtatapat ni Jan.



Noong college ko pa siya masugid na manliligaw pero si Diana ang minahal pinakasalan ko at ito ako ngayon nakipag-one night stand sa kanya ng di sinasadya.


"Pero Jan.. Alam mo naman may Asawa't anak na ako" Mapagpasensya kong tugon sa kanya.


Hinawakan naman nito ang dalawa kong kamay at taimtim na tumingin sa mga mata ko.
"Alam ko Isabel at okay lang sa akin na maging kabit mo ako. Tatanggapin ko yun mahalin mo lang ako. Magkaroon lang ako ng pwesto sa puso mo" Sagot nito.


"Jan.." Yan nalang ang tanging nasabi ko.


"I love you Isabel. Okay? Hindi nagbago yun please just give me this chance" Saad nito bago ako ulit masuyong hinalikan.


Hindi ko alam kung anong humihila sa akin at tumugon muli sa mga halik niya.



.
.
.




Parang akong hinahabol ng kabayo sa sobrang lakas ng tibok nang puso ko kanina.


Hindi ko manlang napansin na nahanap at nakita na niya kami kanina. Nakakainis kasi itong Jan masyado niya akong ginigipit ngayon.


Ano bang gusto niyang palabisin?


"Sure ka bang hindi ka nagugutom?" Tanong ni Diana.


Bumalik kasi kami sa Tinutuluyan namin at hindi na sa cottage kung nasaan ang mga iba naming mga kasama.

"Oo, busog pa ako. Gusto ko lang magpahinga ngayon sumasakit pa mga sunburns ko. If nagugutom ka pumunta ka na muna duon sa may cottage" Pagod kong sabi.


Hindi naman ako talaga ganun ka pagod pero kelangan ng utak ko ng katahimikan para makapag-isip ng maayos.


"Ahh.. Ganun ba, Sige dadalhan kita ng pagkain nalang dito then gamot para dyan sa sunburns mo saglit lang ha. Hintayin mo ako" Saad nito saka nagmamadaling lumabas ng kwarto namin.


Pagkalabas na pagkalabas ni Diana agad kung kinuha ang phone ko at saka in-dial ang number ni Jan.


Nakadalawang ring lang iyon noong sinagot niya ang tawag ko.



"Hello Babe?"


"Fck you! Nakita mo ba yung ginawa mo!? Muntikan na tayong mahuli sa kagagawan mo! At talagang gusto mo pa siyang yayain kumain ha! nanadya kaba!?" Singhal ko.


Idea palang na mahuli palang ako ni Diana na niloloko siya at ialalayo niya ang anak namin sa akin nababaliw na ako.


Paano pa kaya kung totoong nangyari na?


"At the very first place wala ka sa sitwasyon na yan kung pinutol mo na ang koneskyon niyo ni Jan noon palang" Saad ng innerself ko. Napahinga nalang ako ng malalim.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now