Chapter-40

1.5K 35 3
                                    




Celine's POV...



"Oh my Sis! Baka ito na yung matagal mo ng hinihintay kyah!" Kinikilig na saad ni Kyle habang pinaggigilan yung throw pillow, naparoll eye naman ako sa sinabi nito.



"Oo nga Celine, sobrang papi nga ni Diana bagay na bagay kayo" Segunda ni Heather.



Paano umabot sa kanila ang balita tungkol kay Diana? Simple lang naman minarites agad sa kanila ni Ate Pons ang nangyari. Yes po, agad agad nagpatawag pa nga ito ng meeting sa amin para lang ichismiss ito sa kanila. Kaya ang siste pinagpyepyestahan nila ako ngayon.



"Diba, sinabi ko rin kay Celine yan kanina ayaw maniwala.. At saka may instant family kana, may gwapang asawa at may additional pang cute na baby girl" Gatong pa ni Ate Pons.



"Tama na yan guys. Wag niyo ngang asarin si Celine" Awat naman na ni Carly.



Hay.. Buti nalang may kakampi pa ako dito.



"Ay Sus! Huwag nga kami Carly.. Alam kong gusto mo ring asarin si Celine" Sagot ni Kyle. Napailing naman si Carly.



"Oo nga pero.. Pangit naman kung ang mabubuong lovestory nila is galing sa asar diba.. Besides let our Celine do the mother thing!"



Bwisit wala talaga akong kakampi sa kanila sa ganitong usapin.



"Guys sobrang thankful ako sa inyo at sa mga concerns niyo regarding sa lovelife ko.. pero hindi ko pa nakikita yung taong mamahalin ko" Mahinahong paliwanag ko sa kanila.



"Talaga? Wala kabang naramdamang something man lang nung unang kita mo palang kay Diana?" Naiitrigang tanong ni Ate Pons.



Actually I didn't expect na magtatanong si Ate Pons ng ganun pero..



"Oo nga Celine.. Wala nga ba?" Tanong ng inner self ko.



Hindi ko naman itatanggi sa sarili ko na na star struck ako sa kanya kanina. Dahil talagang malakas ang appeal nito. Pero hanggang sa loob loob ko lang yun hindi ko aaminin dito sa mga kaibigan ko na nastar struck nga ako dahil malamang  hindi nanaman sila titigil kakaasar sa akin.



"Hmm.. Para kasing na na love at first sight ka sa kanya kanina.. Lakas pa ng pagdedaydream mo nun" Nangaasar na saad ni Ate Pons.



See...



"Atsaka mga teh biglang natahimik ang Ate Celine niyo... Diba pag wala ka namang na feel na something dapat sumagot ka agad or sasabihin hindi naman ehh?" Sagot ni Kyle



"Uy gagi ano yun, ang gulo naman ng pinagsasabi mo?"Sabat ni Carly



"Ahh. Basta yun na yun. ahahahaha guluhin natin ang isip at puso nitong si Celine.. Kainis nagpapabebe ehh" Natatawang sabi ni Ate Pons



Napa-mental face palm nalang ako sa mga pinagsasabi nila.



Napatahimik naman kaming lahat ng biglang tumunog ang cellphone ni Ate Pons.



"Ahh.. Excuse me lang guys sagutin ko lang ito" Sabi ni Ate Pons saka pinakita ang phone nito, and si Diana ang tumatawag kaya binigyan nila ako ng nakakalokong tingin nagpatay malisya nalang ako.



I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now