Chapter-8

1.5K 28 0
                                    



Diana's POV...


"Woah! Shet! Pakiramdam ko teenager ako ulit ho!!" Masayang sigaw ni Marian.

Natawa naman kami sa sinabi nito kahit yung bangkero ay natawa rin.

We are on our way sa isla dito sa Palawan na napili ni Jus, and alam kong sobrang magiging masaya ito dahil kumpleto kami.

Ay hindi pala wala si Kiann at Therese nasa America.


Agad siyang kinurot ni Jesma.
"Ano kaba Marian ang ingay mo. Ang ingay na nga nung makina ng bangka eh" Saway nito.

Hay. buti pala sila sweet samantalang ako katabi ko na asawa ko pero para kaming di magkakilala ngayon tahimik lang itong nakatingin sa malayo.

Ano kayang iniisip niya?

"Don't mind it just do the first move!" Utos ng innerself ko.

Mas lumapit pa ako sa kanya lalo at dahan-dahan ko siyang  inakbayan. Tumingin naman siya sa akin ngumiti nalang ako pero siya walang reaksyon saka bumalik nalang ang tingin sa malayo.


Ouch! Hindi naman masakit.

"Aray ko naman po! Ang sakit ng puso ko!" Hiyaw ni Marian.

Napatingin naman kami kay Marian pero tawa lang ito ng tawa kahit tanungin siya ni Jesma kung anong problema. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napansin siguro niya yung ginawa ni Isabel.


Ang gago talaga mamaya may makapansin sa kanya. Mahirap maghanap ng palusot lalo ngayon.

Hay.. Wala talaga akong ideya kung anong nagawa ko sa kanya at ganyan nanaman pinapakita niyang ugali sa akin.


"Baka naman yung pinipilit mo siyang ihatid noong nakaraan" Sagot ng innerself ko.

Dapat ako ata ang magtampo sa kanya dahil duon diba? Kasi noon gusto niya palagi ko siyang hinahatid papasok sa work pero ngayon ayaw niya nasigawan pa niya ako na bibihira lang niyang gawin sa akin" Tugon ko. 


Sumulyap ako ulit sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti.


Hindi na ikaw ang Isabel na minahal ko noon.

.

"Touchdown guys!" Sabi ni Jus ng makarating kami sa pangpang.


Napahanga naman kami sa ganda ng mga resort na nakahilera dito pero kahit gaano pa kaganda ang mga iyon hindi maitatago ang unting-unting pag kasira ng natural na ganda nitong isla dahil sa mga artificial na structures.


"Parang ikaw ba? Kahit anong tago mo sa kalat ni Isabel naamoy parin siya ng mga kaibigan mo?" Saad ng innerself ko.


Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng innerself ko at tinuon ang pansin ko sa pagbaba namin.


"Love ako ng magbuhat mga gamit natin" Presinta ko saka binuhat ang travel bag niya.

Hindi naman ito umimik basta sumunod nalang kay Ayel sa pagbaba.


Hay..


"Pst? Mag-kaaway kayo?" Tanong ni Marian sa may likuran ko dala din nito ang gamit nila ni Jesma.


"Oo, Gago ka eh" Sagot ko.


Nakita ko naman napangisi ito. Buti nalang at kami ang nahuhuli sa paglalakad at nauna na sila Isabel kung hindi baka naririnig nila pinag-uusapan namin ngayon.

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now