Chapter 1

10K 178 6
                                    


Chapter 1

Jemimah Remington

Special Criminal Investigation Unit Headquarters

NAPAANGAT ng tingin si Jemimah mula sa ginagawang report nang maramdamang may lumapit sa unahan ng table niya. Agad niyang nakita ang isa sa mga kasama sa trabaho – si PO1 Douglas Ilagan. Sumaludo sa kanya ang lalaki. Sa pagkakatanda niya ay baguhan pa lang ito sa ahensya.

"Inspector, pinatatawag po kayo ni Director Morales sa kanyang opisina," wika ni Ilagan.

Kahit nagtataka tumango na lamang si Jemimah bago nagtungo sa kinaroroonan ng opisina ng Director ng SCIU na si Antonio Morales. Mahigit pitong taon na mula nang magsimula siyang magtrabaho bilang isang Police Inspector sa Philippine National Police. Sa panglimang taon na pagseserbisyo sa police force, na-recruit siya para magtrabaho rito sa SCIU – isang pribadong ahensya ng gobyerno na humahawak sa mga special murder cases.

Hindi niya alam ang tungkol sa SCIU hanggang sa kausapin siya ng mga nakatataas sa PNP at ipinaliwanag sa kanya ang purpose ng ahensyang ito sa bansa. It was an honor to work in this special unit. Dahil sa pagkakaalam ni Jemimah ay tanging ang mga 'best' lamang sa field ng criminology ang nagkakaroon ng pagkakataong ma-recruit sa ahensyang ito.

Kahit tutol ang mga magulang sa kanyang pagpupulis, wala namang nagawa ang mga ito. This was what she wanted. Gusto niyang magkaroon ng parte sa gobyerno at makatulong sa kapwa hanggang sa abo't ng makakaya. Hindi ganoon kadali ang naging training niya bago makapasok sa police force. Pero dahil simula pagkabata ay sanay na sa pakikipaglaban, naging malaking tulong iyon. She was a black-belter in Taek Won Do. She had learned judo and boxing as well. Natuto lamang siya sa paghawak ng baril mula nang mag-training sa pagiging pulis pero inaaming hindi ganoon kahusay.

Inayos muna ni Jemima ang suot na police uniform bago kumatok sa pinto ng Director's Office.

"Come in," narinig niyang wika ni Director Antonio Morales mula sa loob ng silid.

Pumasok si Jemimah sa loob ng opisina, sumaludo. Nasa late forties na nito si Director Morales, simula nang magtrabaho siya rito sa SCIU ay ito na ang nakaupo sa posisyong iyon. "Pinatatawag niyo raw po ako, Sir." Sa pagkakaalam niya rin, ang pagiging Director ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa ahensyang ito. Ang Chairman ng SCIU ay hindi pa niya nakikilala ng personal. Narinig niya lang ang pangalan nito – Chairman Tony Gonzalvo. Dati itong General ng Philippine Army.

Tumango-tango si Director Morales bago tumayo mula sa kinauupuang swivel chair. "Inspector Remington, I know you're one of the best inspectors around despite being a woman. At iyon din ang dahilan kaya napili kang ma-recruit sa special unit na ito. I really admire you for that, hija."

"Maraming salamat po," puno ng sinseridad na pasasalamat niya.

"Alam mo rin na isang honor ang makapagtrabaho sa SCIU, lalo na ang maging leader ng isang team." Tumingin sa kanya si Director Morales bago ngumiti. "I'm assigning you to lead a new team for SCIU, Inspector Remington. And it will be under me."

A team? Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Sa pagkakaalam niya, binubuo ng iba't ibang teams ang Special Criminal Investigation Unit – para na rin mahati ang mga kaso at agad na maresolba. At sa loob ng mahigit dalawang taong pagtatrabaho sa ahensyang ito, tanging ang Chief lamang ang nag-uutos na bumuo ng panibagong team kung kailangan. Hindi niya alam na nakikialam din pala ang Director sa ganoong gawain.

"H-hindi po ba mas tamang ibigay 'yan sa mga Senior Inspectors dito? I-ilang taon pa lang po akong—"

"I'm choosing you, Remington," putol sa kanya ni Director Morales.

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now