Chapter 22

3.3K 108 4
                                    

Chapter 22
Jemimah Remington
LUMAKAD si Jemimah patungo sa kuwarto ni Ethan sa penthouse nito, kumatok sa nakabukas na pinto. Lumingon sa kanya ang binata na may pinagkakaabalahan sa mesang naroroon.
Lumakad siya palapit sa lalaki. “Nakaalis na sila,” tukoy niya sa ibang kasamahan sa team na nagpaalam na para umuwi. “Magpapaalam na rin sana ako.” Kumunot ang noo ni Jemimah nang makita ang ginagawa ng lalaki. “Is that a bomb?”
Tumango si Ethan. “Pero hindi naman ito sasabog kaya huwag kang mag-alala. Pinag-aaralan ko lang kung paano mag-disarm ng bomba.”
Pinagmasdan ni Jemimah ang bomba na para lamang isang box, may apat na wires doon na iba-iba ang kulay – red, blue, yellow and green. Sa gitna niyon ay timer na nasa dalawang minuto na lamang. Naputol na ng binata ang kulay pula. Nanood lamang siya dito hanggang sa magitla nang biglang pumutok ang kahon. Hindi naman ganoon kalakas pero may usok pa ring lumabas.
Naiinis niyang hinampas sa braso si Ethan. “Akala ko ba hindi sumasabog 'yan?” pagalit niya dito.
Tumingin sa kanya ang binata. Tumaas ang isang gilid ng labi nito para sa isang ngiti. “Hindi naman talaga, masyado ka lang magugulatin.”
Bahagyang natigilan si Jemimah dahil sa pagngiti ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit tila higit na gumuwapo sa kanyang paningin si Ethan ng sandaling iyon. Madalas niya itong makitang seryoso tuwing kasama nila at nakakaramdam siya ng kakaibang init sa puso sa kaisipang unti-unti nang bumababa ang binata sa fortress nito. Unti-unti na itong nagpapakita ng ibang emosyon kahit na sa kanya pa lamang.
“Gusto mo bang kumain muna ng hapunan bago ka umuwi?” mayamaya ay narinig niyang tanong ni Ethan.
“Ano'ng kakainin? Wala namang maaaring lutuin dito,” sagot niya, tumawa pa ng mahina.
“Sa labas na tayo kumain,” sabi pa nito. “Madalas naman ay ganoon ang gawain ko.”
Kakain sila sa labas ng dinner na silang dalawa lamang? Siguradong lolokohin na naman sila ni Mitchel kung sakaling malaman ito. Pero simpleng dinner lang naman iyon kaya walang magiging problema. At siyempre, gusto niya ring samahan si Ethan na kumain. Hindi niya gustong palagi na lang ito mag-isa.
Ngumiti si Jemimah at tumango. “Puwedeng ituloy na rin natin ang planong pag-grocery pagkatapos nating kumain,” sabi niya.
Nagkibit-balikat lang naman si Ethan at sabay na silang lumabas ng kuwarto. Ang sasakyan na rin ng lalaki ang ginamit nila patungo sa pinakamalapit na mall doon.
Pagkatapos nilang mag-dinner at mag-grocery, hindi inaasahan ni Jemimah na aayain pa siya ni Ethan na maglakad-lakad sa isang park na malapit lamang sa condominium place nito.
“Bukas pupuntahan natin ang kaibigan mong si Alexa para interogahin,” basag ni Ethan sa ilang sandaling katahimikan. “Sigurado ka bang ayos lang na sumama ka?”
Tiningnan ni Jemimah si Ethan at ngumiti. “Ayos lang. Gusto ko rin na malaman ang lahat. Saka hindi naman dahil iinterrogate natin siya ay siya na talaga ang kriminal na hinahanap natin.”
Bumuntong-hininga ang binata. Naupo ito sa bench na nadaanan nila at sumunod naman siya. “Hindi pa rin naman ako naniniwala na siya nga ang hinahanap natin,” anito. “But she’s suspicious, yes. Siguradong napansin mo rin 'yon.”
Tumango-tango siya. “Hindi ko rin naman alam.” Sumandal siya sa sandalan ng bench at tumingala sa kalangitan na puno ng kumikislap na mga bituin.
Mahabang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago palihim na sinulyapan ni Jemimah ang lalaki. Nakatitig lamang si Ethan sa unahan, puno ng kaseryusohan ang guwapong mukha.
Humugot muna ng malalim na hininga si Jemimah bago nagsalita. “S-saan mo nga pala balak mag-celebrate ng Christmas Eve?” Ilang araw na lang ay sasapit na ang Pasko.
“Hindi naman ako nagse-celebrate noon,” malamig na tugon ng binata.
Nakaramdam siya ng kalungkutan dahil doon. “D-dahil ba sa w-wala na ang family mo kaya hindi mo na rin gustong mag-celebrate ng kahit ano'ng okasyon?” nag-aalangang tanong pa ni Jemimah.
Ilang sandaling hindi nagsalita si Ethan. Ibinaling nito ang tingin sa kanya at mababanaag na ang kalungkutan sa asul na mga mata nito. “Christmas is a reunion of families also, right? Simula nang kunin sa akin ang lahat, nawala na ang halaga ng okasyong iyon sa buhay ko. O ng kahit ano'ng okasyon pa.”
Kinagat ni Jemimah ang pang-ibabang labi. Umisod siya ng upo palapit sa binata at nag-aalangang inabot ang isa nitong kamay. “No... h-huwag mong isipin na kinuha na sa'yo ang lahat, Ethan. Nabubuhay ka pa dahil may purpose ka pa sa mundong ito. God is still with us.”
“God?” Tumango-tango si Ethan. “Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan Niyang mangyari ang ganito sa pamilya ko. Ilang beses akong nagtanong pero wala akong makuhang sagot. Ilang beses akong humingi ng hustisya pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. My world has turned dark ever since that monster killed my family. Ang tanging dahilan ko na lang para patuloy na mabuhay ay ang kaisipang kailangan ko pang pagbayarin ang gumawa ng ganito sa kanila.” Bumahid na ang matinding galit sa mukha nito.
“Minsan hindi talaga natin agad-agad nakukuha ang sagot,” bulong ni Jemimah. “But you must keep on believing that there’s still some light in that darkness you’re in. At hindi mo alam kung gaano karaming tao ang natutulungan mo ngayon dahil nagpapatuloy ka pang mabuhay. Naniniwala ako na darating ang araw na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya mo. Kayang gawin ng Diyos ang imposible sa isang pitik lang ng Kanyang mga daliri. Magagawa Niya muling bigyan ng liwanag ang isang madilim na mundo.”
Tumitig sa kanya si Ethan. “I don’t hate God. Naniniwala pa rin ako sa Kanya sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Iyon ang itinuro sa amin ng mga magulang ko. I just... don’t understand Him.”
Hinigpitan ni Jemimah ang pagkakahawak sa isang kamay ng binata. “Open your heart. Huwag mong itago ang nararamdaman mo. Huwag mong sarilinin ang lahat. Kung hindi mo gustong magsabi sa ibang tao, ang Diyos ang kausapin mo. He’s doing something for sure, something that’s best for all of us.”
Itinaas ni Ethan ang isang kamay para haplusin ang pisngi niya. Natigilan si Jemimah pero hindi naman magawang umiwas. Hindi gustong umiwas. His warm touch felt good, felt soothing.
“Light,” Ethan murmured. Ibinaba nito ang isang kamay bago ibinalik ang tingin sa unahan. “I hate my life. Gusto kong mapag-isa dahil mas maayos na 'yon. Walang nakakaintindi sa sakit na pinagdaraanan ko... hanggang ngayon.”
“I’m here,” bulong ni Jemimah, hindi inaalis ang tingin sa binata. “Handa akong makinig at dumamay sa'yo. Just... let me.”
Mahabang sandaling nakatitig lamang si Ethan sa kawalan, walang kaemo-emosyon ang mukha. Akala niya ay hindi na ito magsasalita kaya nagulat pa nang marinig ang tinig ng binata.
“It’s their death anniversary... tomorrow,” mahinang usal ni Ethan.
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Ethan’s family died just before Christmas? Higit na nadagdagan ang pagkaawa niya para sa lalaki sa kaisipang tuwing sasapit ang Pasko ay naaalala nito ang pagkawala ng pamilya.
“G-gusto mo bang samahan kita sa pagdalaw sa kanila bukas?” tanong ni Jemimah, nag-aalangan.
Tumingin sa kanya si Ethan. “Will you?”
Tumango siya at ngumiti. “Sabihin mo lang sa akin. Kung gusto mo pagkatapos nating pumunta kina Alexa?”
Nakatitig lamang sa kanya si Ethan ng ilang sandali bago tumango.
Napatingin si Jemimah sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ng binata. Akmang tatanggalin niya na iyon nang hulihin ni Ethan. He held her hand tight and locked fingers with hers.
“Umuwi na tayo,” wika ni Ethan bago siya hinila patayo.
Sumunod lang naman si Jemimah sa binata hanggang sa makarating sila sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Her heart was beating hard in her chest she couldn’t control it.
Pagkarating nila sa penthouse ni Ethan, walang salitaang namagitan kaagad sa kanila. Inuutusan ng isipan si Jemimah na magpaalam na para umuwi pero nais naman ng kanyang puso na makasama pa kahit sandali ang lalaki. Animo hindi pa sapat ang halos buong araw na kasama ito. She must have gone crazy.
Napapitlag siya nang marinig ang pagtikhim ni Ethan. “Gusto mo ba silang makita?” tanong nito.
Kumunot ang noo ni Jemimah.
“My family.”
Natigilan siya pero mabilis ding tumango. She could feel the ice breaking between them. And she liked it. She liked spending time with him like this. She liked knowing him more.
Sumunod lamang si Jemimah patungo sa silid ni Ethan. Inilabas ng lalaki mula sa drawer ng cabinet na naroroon ang isang libro.
Naupo si Ethan sa kama at pinatabi siya doon. Binuksan nito ang libro para kunin ang nakasipit na isang lumang larawan.
“Ito lang ang nag-iisang larawan na itinatago ko,” ani Ethan. “Lahat ay naiwan sa dati naming bahay sa Laguna.”
Pinagmasdan ni Jemimah ang larawan. Ethan’s family looked very happy in the picture. Sa tingin niya ay nasa isang amusement park ang mga ito.
Natuon ang paningin niya kay Ethan na malawak ang pagkakangiti. He must be in his early twenties at that time and he looked incredibly handsome. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nito sa larawang iyon. At nais ni Jemimah na makita muli ang ganoong liwanag sa mukha ng binata.
“A-ano'ng nangyari sa kanila?” Hind niya napigilang tanong. Tumingin siya sa lalaki nang hindi marinig ang pagtugon nito. “P-pasensiya ka na... A-ayos lang naman kung... kung hindi mo sagutin.”
Tumingin sa kanya si Ethan. There was sadness and coldness in his eyes. Ilang sandali lang ay ibinalik na nito ang tingin sa larawan. “They were killed, that’s it,” maikling sagot nito. “Hindi ko na sana gustong alalahanin ang tungkol doon.”
Tumango-tango si Jemimah. Though a part of her heart was disappointed, she understood him. Masakit mawalan ng pamilya, lalo na sa hindi katanggap-tanggap na paraan.
“Hindi sa hindi kita pinagkakatiwalaan, Jemimah,” dugtong ni Ethan makalipas ang ilang sandali. “It’s just hard for me to remember the darkest part of my life.”
“Naiintindihan kita,” bulong niya, tinapik-tapik ang isang kamay nito. “Hindi ko rin naman gustong ipaalala pa ang mga bagay na makakasakit sa'yo. Seryoso ako noong sabihin kong gusto kong maging kaibigan mo. Hinihiling ko na mabigyan mo ako... kami ng pagkakataon.”
Hindi naman tumugon si Ethan, nakatitig lang sa kanya.
Nakaramdam na naman ng pagkailang si Jemimah kaya inilipat ang tingin sa wristwatch na suot. Pasado alas-diyes na pala ng gabi. “I... I think I need to go,” aniya. “Gabing-gabi na.”
Pero nang mapatingin sa labas ng glass na dingding ng kuwarto ni Ethan, saka lang napansin na malakas na pala ang ulan sa labas.
“You can stay here for tonight,” narinig niyang wika ni Ethan, tumayo na rin. “Mahihirapan kang magmaneho ng ganyan kalakas ang ulan, pagod ka na rin. Wala namang problema sa akin kung dito ka na magpalipas ng gabi.”
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Pagod na nga siya at hindi sigurado kung makakapagmaneho pa ng maayos.
“S-sige,” mahinang pagpayag niya. “Salamat.”
Tumango naman si Ethan. Lumapit ito sa pahabang mesa na nasa silid para ayusin ang mga nakakalat na parte ng sniper rifle na naroroon.
Sumunod si Jemimah, pinagmasdan lang ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang maaaring pag-usapan.
“I always have nightmares,” narinig niyang basag ni Ethan sa katahimikan. “Lalo na kapag ganitong malapit na naman ang death anniversary nila. Kaya madalas ay inaabala ko na lang ang sarili ko sa paga-assemble ng mga baril, bomba o kung anu-ano pa.”
Tiningnan niya ang binata at nakita ang kalungkutang nasa mga mata nito. “Hindi mo dapat piniling mag-isa,” bulong ni Jemimah. “Kahit gaano kasakit pa ang pinagdaraanan ng isang tao, mas maganda pa rin ang may nakakasama.”
Ilang sandaling nakatitig lamang si Ethan sa mesa. “Mapapahamak lang ang mga taong malapit sa akin,” anito sa malungkot na boses. “At hindi ko gustong mawalan na naman.”
Hindi na naman napigilan ni Jemimah ang makaramdam ng awa, lungkot. Hindi niya niya gustong makitang nalulungkot ang binata. Humakbang siya palapit kay Ethan, bahagyang ipinihit ito paharap at sinunod ang inuutos ng puso. She hugged him with tenderness, trying to convey comfort.
Naramdaman niya ang pagkatigil ni Ethan. He was still as stone for a short while. Hanggang sa unti-unti ay nag-relax ang katawan nito.
Ilang sandali lang, naramdaman na ni Jemimah ang pagpulupot ng isang braso ng binata sa kanyang baywang, ang isa ay nakahawak sa likod ng kanyang ulo.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. She leaned the side of her head on his chest. Ipinikit ni Jemimah ang mga mata at pinakinggan ang pagtibok ng puso ng lalaki. Those beats were like music in her ears.
Isinubsob ni Ethan ang mukha sa buhok niya na mas nakapagpatindi sa lakas ng pintig ng kanyang puso. She felt so warm all of a sudden. Gusto niyang manatili na lang na ganito habang-buhay.
“It’s been a while since I’ve felt... comforted,” pagbasag ni Ethan sa katahimikan, medyo magaspang ang tinig.
Tumingala siya sa binata. Jemimah stared at Ethan’s blue eyes, and saw it smoldered. He had the most mesmerizing eyes she ever seen.
Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung bakit sobrang lakas ng atraksyon na nararamdaman para sa binata. Kahit na hindi niya pa naman ito lubos na kilala, hindi pa alam ang mga pinagdaanan nito. Sa maikling panahon na nakasama ang lalaki, kung anu-anong damdamin na ang kanyang nararamdaman. Pero wala siyang balak guluhin ang isipan ngayon. She just wanted to treasure this moment... with him.
Nginitian ni Jemimah ang lalaki. “You can lean on me, Ethan. At huwag kang matakot na makipaglapit uli sa mga tao. Hindi natin maiiwasan ang masaktan, mawalan. All we can do is to use the time given for us to give and accept love.”
Mahabang sandaling nakatitig lamang sa kanya si Ethan. Muli, nakaramdam na naman ng pagkailang si Jemimah. Why was he staring at her too much now? Kung alam lang nito ang nangyayari sa kanyang puso dahil sa pagtitig na iyon.
“Thank you,” bulong ni Ethan mayamaya. “Matagal na mula nang may makausap ako ng ganito, may makasama. Pasensiya na rin sa lahat ng nasabi ko noon.”
Pakiramdam ni Jemimah ay may pumisil sa kanyang puso ng mga sandaling iyon. “I’m here,” she murmured. “Nakahanda akong sumama sa'yo. Nakahanda akong tumulong para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.”
Nakatitig lamang sa kanya si Ethan bago ito muling nagsalita. “Bakit napakabait mo sa akin?”
Ginantihan ni Jemimah ang pagtitig ng binata. “Hindi ko alam,” natatawang tugon niya. Humugot siya ng malalim na hininga. “I just... I... I want to know you more... simula pa nang una kitang makilala,” pag-amin niya. At hindi ko talaga alam kung bakit.
“Para sa team?”
Napalabi si Jemimah. “Ang dami mo nang nasasabi ngayon, ah?” biro niya.
Tumaas ang isang gilid ng mga labi ni Ethan. “Hindi ba gusto mong... makipag-kaibigan?”
Ngumiti siya at tumango. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa binata bago isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Friendship. Yes, iyon ang gusto niya. Pero bakit tila may ibang nais ang kanyang puso?
Ipinikit na lamang ni Jemimah ang mga mata at inalis sa isipan ang mga makakapagpagulo lamang doon.
Bumuntong-hininga siya nang maramdaman ang pagyakap ni Ethan sa kanyang baywang. She was starting to like this – being close to him, feeling his warmth, taking in his wonderful manly scent. Nababaliw na nga siguro siya subalit walang maramdamang pagtutol sa sariling puso.

A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now