Chapter 11

3.2K 117 1
                                    

Chapter 11

Jemimah Remington

PAGKAPASOK nila sa loob ng penthouse suite ni Ethan ay nakitang nasa harap pa rin ng computer si Theia at may pinagkakaabalahan. Lumingon lamang ito sa kanila para sandaling bumati.
“May mga bago kayong kasama,” wika ni Theia bago ibinalik ang tingin sa monitor.
“Sila sina Paul at Douglas,” pagpapakilala ni Jemimah. “Siya 'yong tinutukoy naming makakatulong sa atin. Si Theia Mendoza.”
Hindi naman nag-abalang muling bumati si Theia at nagsimula na sa pagsasabi ng lahat ng mga nalaman nito sa cell phone at GPS device na ibinigay nila. “Wala masyadong interesting sa phone ng biktima niyo, except this certain message thread from someone named ‘My Princess’. Tingnan niyo.”
Tiningnan nila ang message thread na tinutukoy ni Theia.
Message 1: Hindi mo 'to puwedeng gawin! Hindi ka puwedeng makipaghiwalay sa akin!
Message 2: Answer me! Damn you! Akala ko ba mas mahal mo ako kaysa sa asawa mo?!
Message 3: Kapag hindi mo ako sinagot, hindi mo magugustuhan ang sunod na mangyayari. Magmamakaawa ka sa akin.
Message 4: I’ll kill you. Hindi ako papayag na maging masaya ang pamilya mo! Sisirain ko kayo! Ipagkakalat ko sa media na may relasyon tayong dalawa. Ipapakita ko ang mga larawan natin!
Message 5: Joey. Alright. Let’s talk for the last time. Hindi na ako manggugulo. Just meet me sa hotel na madalas nating puntahan. Please. I beg you. Please come.
At pagkatapos noon ay isang reply mula kay Joey Levin na nagsasabing: Okay, Sally. Magkita tayo doon bukas ng tanghali. Tapusin na natin ang lahat ng 'to.
“Sally,” sambit ni Jemimah. “Sa tingin mo ba ay siya ang pumatay kay Levin?” tanong niya kay Ethan na nasa tabi.
Ini-iling ni Ethan ang ulo. “Hindi magiging ganito kapabaya ang killer natin.”
“I agree with Ethan,” singit naman ni Mitchel. “Itong Sally na 'to, she’s obviously a clingy woman. And a desperate one. Iyong pagbabanta niya ay halatang dulot lamang ng matinding galit. Halatang hindi niya magagawa iyon.” Ilang saglit itong huminto. “That last message. Parang iba na ang nagpadala niyan. Bigla na lang nagbago ang tono. It’s not usual lalo na kung hindi naman sumasagot si Levin.”
“Nahanap mo ba kung sino ang ‘My Princess’ na 'yan?” tanong ni Ethan kay Theia.
“Yup.” May pinindot si Theia sa keyboard at lumabas doon ang mukha ng isang babae na nasa thirties pa lang marahil nito. “Sinubukan kong i-trace ang signal pero hindi na active. Siguro ay sinira na ng kung sinomang killer ninyo. Pero nahanap ko naman kung kanino naka-register ang number na 'yon. And it’s hers, Sally Rosuelo. Nagtatrabaho siyang assistant ni Angelica Levin, ang asawa ng biktima niyo.”
“Kabit ni Joey Levin ang assistant ng asawa niya?” Hindi makapaniwalang tanong ni Paul, umiiling. “Halos lahat 'ata ng mga biktima ay may koneksiyon sa adultery.”
“Pero iba ang kay Clark Lumanglas,” wika naman ni Jemimah, naguguluhan. “Ang asawa ni Lumanglas ang may kalaguyo, so bakit si Clark ang pinatay?”
“No.” Umiling-iling si Mitchel. “Base sa ginagawa ng killer, hindi lang ito dahil sa simpleng pagtataksil kasi kung ganoon nga, napakarami niya na sigurong naging biktima. It’s well-planned. Kung sakali mang iba nga ang nagpadala ng huling mensahe na iyan kay Levin, ibig sabihin ay sinusundan ng killer ang Sally na ito para magkaroon ng pagkakataon na magamit ang phone niya. Alam pa kung saang hotel nagtatagpo ang magkalaguyong ito. Hindi pa rin malinaw para sa akin ang rason ng killer na ito. He’s a challenge, even for me.”
“Alam mo ba kung saan namin matatagpuan si Sally Rosuelo?” tanong pa ni Ethan kay Theia.
Tumango si Theia at iniabot ang isang papel sa binata na kinalalagyan ng address ni Rosuelo. “And about that GPS device. Walang importante doon dahil hindi naman nagamit kahapon. Walang records maliban sa hotel na pinuntahan ni Levin. Nakalagay na rin diyan ang address ng hotel na 'yon.”
Iniabot sa kanya ni Ethan ang hawak na papel. Sandali niya lamang iyong tiningnan. Ang hotel ay nandito lamang din sa Manila.
“But,” dagdag pa ni Theia, nagsimula na namang magpipindot ng kung ano sa keyboard. “Ginawa ko ang nakasulat sa mga utos mo, Ethan. I’ve hacked some of the CCTV’s sa posibleng dinaanan ng sasakyan ni Levin papunta sa Cavite kung saan dinump ang katawan niya kahapon. It was hard but I caught that car.” May binuksang isang video si Theia. “Sa isang tollway.”
Pinanood nila ang video at nakita ang pagtigil ng black Ford na may plate number ng sasakyan ni Levin. Bahagya lamang ibinaba ng driver niyon ang windshield para magbigay ng card. Nakasuot ng itim na gloves at jacket ang kung sinomang naroroon. Tinted ang sasakyan kaya wala rin gaanong nakita.
“At hinack ko rin ang CCTV malapit sa hotel na pagtatagpuan sana ng biktima at ng Sally na iyon,” pagpapatuloy ni Theia. May ipinakita uli itong video sa kanila. “Kitang-kita ang pagpasok ng sasakyan ni Levin sa parking lot ng hotel kaso walang CCTV ang parking lot ng hotel na iyon. After ten minutes ng pagpasok ng sasakyan ni Levin, makikita na agad ang paglabas niyon.”
Tumango-tango si Jemimah. “Ang killer na ang nagmamaneho ng sasakyan that time. Pero bakit wala man lang kahit isang CCTV ang parking lot ng hotel na iyon? That’s a five-star hotel, right?”
Nagkibit-balikat lamang si Theia.
“Douglas,” tawag ni Ethan sa lalaki. Kinuha muli nito sa kanya ang papel na may address ng hotel at iniabot kay Douglas. “Go to this hotel. Itanong mo kung may napansin silang kakaiba kahapon, ganoon din ang dahilan kung bakit wala silang CCTV sa parking lot.”
“Sige po, Sir,” mabilis na sagot ni Douglas bago umalis.
Sinundan ni Theia ng tingin ang dinaanan ni Douglas. “Is he some kind of an errand boy in your team?” natatawang tanong nito.
“Hindi naman.” Si Jemimah na ang sumagot niyon. “Bago lang kasi siya sa ganitong trabaho at kailangan ding matuto katulad ng sinabi ni Ethan.” Tiningnan niya pa ang lalaking nasa tabi.
Sinalubong lang ni Ethan ang kanyang tingin pero wala namang sinabi. Naputol lamang ang pagtitinginan nila nang muling marinig ang pagsasalita ni Theia.
“I traced the last signal kung saan huling naka-active ang number ni Sally Rosuelo na ginamit para mag-message sa biktima, at mukhang may panibagong lead tayong nakuha.” May pinindot ito sa keyboard hanggang sa lumabas doon ang isang mapa na may pulang dot sa isang parte. “It’s an old warehouse sa Port of Manila.”
“Port of Manila,” usal ni Jemimah bago sumulyap kay Ethan.
Tumango-tango naman ang lalaki. “Give us the address. Kung tama ang hinala namin ni Jemimah, posibleng ang lugar na 'yan ang tunay na crime scene.”
Ilang sandaling natigilan si Jemimah. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na binanggit ni Ethan ang kanyang pangalan. Pinilit niyang kalmahin ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso.
“Siguradong mahuhuli rin natin ang killer na 'yan,” wika ni Mitchel sa masiglang tinig. “Hindi ba sabi nga sa mga detective movies and books, ‘There is no perfect murder’. Salamat sa magandang babaeng ito.” Ginulo pa nito ang buhok ni Theia.
Naiinis na tiningnan ni Theia si Mitchel. “Huwag na huwag mo nga akong hahawakan.”
Nangingiti na lang na napailing si Jemimah. Mitchel was indeed the cheerleader of their group. Sumulyap siya kay Theia na inaayos ang magulong buhok. “Thank you, Theia. Malaking tulong 'to para sa amin.”
Nagkibit-balikat lang naman si Theia bago tumayo sa kinauupuan. “Kung wala ka nang iuutos, Ethan, aalis na ako. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka.”
Tumango naman si Ethan. “Ipapadala ko na lang sa account mo ang bayad.”
“Ihahatid na kita, sweet baby,” singit naman ni Mitchel.
“No,” mabilis at mariing tanggi ni Theia, nanlilisik ang mga mata. “Mas gugustuhin ko pa ang maglakad kaysa magpahatid sa manyak na katulad mo.”
“Ako na lang ang maghahatid sa kanya,” pag-ako na lamang ni Jemimah. Hindi niya na hinayaang tumutol si Theia at nauna nang lumakad palabas.
Pagkarating nila sa elevator ay narinig pa ang pagbuntong-hininga ng babae. “Hindi mo na ako kailangang ihatid, malapit lang naman dito ang tinutuluyan ko,” ani Theia.
“Ayos lang 'yon,” sagot niya.
Hindi na naman nagsalita pa ang babae at sumunod na lang sa kanya hanggang sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.
“Pagpasensiyahan mo na nga pala si Mitchel,” wika niya habang nagmamaneho. “Sadyang makulit at babaero lang talaga ang lalaking 'yon.”
Nagkibit-balikat si Theia. “Matagal mo na bang kakilala si Ethan?” tanong nito.
“Hindi naman,” sagot ni Jemimah. “Nakilala ko lang siya noong mabuo ang team namin na ito. Ikaw ba? Matagal mo na siyang kilala?”
“Anim na taon na mula nang una ko siyang makilala,” pagkukuwento ni Theia. “Eighteen pa lang ako noon. Kasama ako sa isang grupo na balak sirain ang gobyerno. Ginamit ko ang skills ko para ihack ang halos lahat ng agencies ng government. Pero katulad nga ng sinabi ni Ethan, muntik na akong mahuli noong i-hack ko ang Intelligence Unit ng Philippine Army. I wasn’t very careful that time. Hindi ko alam na na-locate na pala ng military ang hideout ng grupo namin.”
Humugot ng malalim na hininga si Theia habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng mahaba at pulang buhok. “Nagkaroon ng confrontation between our group and the Special Forces. Ilan sa mga kagrupo ko ay namatay, ang iba nakulong. I’m the one who’s been spared. Dahil si... si Ethan ang nakakita sa akin na nagtatago sa isang sulok.”
“Hinayaan ka niyang makatakas?” tanong pa ni Jemimah.
“Tinulungan niya akong magtago hanggang sa ma-clear ang area. Siya rin ang naglabas sa akin sa lugar na iyon.” Ilang sandaling huminto si Theia. “Sinabi niya sa akin na hahayaan niya akong makatakas kung maipapangako kong gagamitin ang skills ko sa tama. Sinunod ko naman siya. Sa loob ng ilang taon ay naghanap ako ng trabaho para may maipang-tustos sa sarili ko habang nag-aaral sa kolehiyo. Hanggang sa muli kong makita si Ethan sa isang lugar dito sa Manila. Doon na ako nagsimulang magtrabaho para sa mga kasong hawak niya. Pinapatawag niya lang ako tuwing may kailangan.”
“Mukhang gustong-gusto mo talaga siya,” naiwika pa ni Jemimah. Hindi niya napalampas ang kasiyahan sa tono ni Theia habang nagkukuwento ng patungkol kay Ethan.
“Don’t misunderstand,” natatawang wika ni Theia. “I like Ethan, yes. Pero bilang isang nakatatandang kapatid lamang. Nakikita ko kasi sa kanya ang kuya ko.”
“Nasaan na ang kuya mo?”
“Matagal na siyang wala sa mundong ito. Nagtrabaho rin sa militar ang kuya ko pero namatay siya sa isang misyon na tanging ang gobyerno lang naman ang nakinabang. They were just used as pawn in the field. At ano ang ibinigay nila sa pamilya ng mga nagsakripisyo ng buhay, isang watawat lamang? Dating nagtatrabaho para sa gobyerno si Itay, pero dahil lang sa may nalaman siya tungkol sa isang itinatagong conspiracy sa loob ng Senado kaya pinatahimik siya ng ganoon-ganoon lang. At iyon ang dahilan kung bakit... kung bakit nasa isang mental institution na ngayon ang aking ina.”
Sumulyap si Jemimah sa babae at nakitang pasimple nitong pinupunasan ang mga luha sa pisngi. Ngayon alam niya na kung bakit ganoon na lang ang galit ni Theia sa gobyerno.
“Puwede na akong bumaba diyan sa tabi,” mayamaya ay wika ni Theia. “Maglalakad na lang ako papasok.”
Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan bago tumingin sa babae. “Mag-isa ka lang ba sa tinutuluyan mo?”
Tumango si Theia. “Maliit na apartment lang naman 'yon. Hindi na kita maiimbita dahil wala rin naman akong nakahandang pagkain doon.”
Ngumiti si Jemimah. “I’m glad to meet someone like you. At salamat sa lahat ng mga naitulong mo kanina.”
“It’s nothing.” Ngumiti rin si Theia. “Masaya rin ako na makilala ang mga kaibigan ni Ethan.”
“Hindi ko alam kung kaibigan ba ang turing sa amin ni Ethan. Babago pa lang din naman kaming magkakakilala.” Napaisip siya. “Kung gusto mong sumama sa mga gawain ng team namin, walang problema. I will be glad to see you more often. Ako lang kasi ang nag-iisang babae doon.”
May dumaang kislap sa mga mata ni Theia pero agad din itong nag-iwas ng tingin. “Nagtatrabaho pa rin kayo sa government,” bulong nito.
“Puwede ka namang maging hindi opisyal na miyembro,” sabi niya pa. “Ganoon din naman si Ethan. At makakaasa kang mananatiling sekreto ang magiging involvement mo.”
Ibinalik ni Theia ang tingin sa kanya. Malawak itong ngumiti. “Titingnan ko,” anito. “Tawagan niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo. I hope mahuli niyo na ang kriminal na ito.”
Tumango na lamang si Jemimah bago sinundan ng tingin ang babae hanggang sa makalabas ito ng sasakyan. Nararamdaman niya na nais din ni Theia maging parte ng team nila at wala naman iyong problema sa kanya. Pinagkakatiwalaan ito ni Ethan. At nagtitiwala siya sa binata sa hindi pa rin malamang dahilan.

--
I will be updating this story every Saturday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

AUTHOR'S NOTE:
Para makita ang updates sa mga published novels ko at mga sinusulat pa, you can add me on facebook or like my page:
https://www.facebook.com/venice.jacobs.9
https://www.facebook.com/venicejacobs1/
You can buy my published novels in all Precious Pages Bookstores or National Book Stores nationwide. Or you can buy it online:
https://www.preciousshop.com.ph/home/
https://preciouspagesebookstore.com.ph/

Thank you for the support.

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now