Chapter 27

2.8K 91 0
                                    

Chapter 27
Jemimah Remington
“JEMIMAH!”
Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig at nakita si Paul na naghihintay sa tapat ng isang movie theater. Nginitian niya ang binata, may dala na itong isang malaking box ng popcorn at mga inumin. Naroroon siya para manood ng movie kasama ang lalaki katulad ng usapan nila noon.
“Kanina ka pa bang naghihintay?” nag-aalalang tanong niya. Kagagaling niya lang kasi sa SCIU Headquarters para tingnan ang mga balita sa manhunt na isinasagawa para kay Ramon Maranan. Ilang araw na lang Bagong Taon na pero hanggang ngayon ay wala pa ring bakas ng lalaki.
“Hindi naman.” Malawak na ngumiti si Paul. “Ilang minuto lang magsisimula na ang movie, gusto mo na bang pumasok?”
Tumango si Jemimah at sumunod sa lalaki. Habang hindi pa nagsisimula ang movie, pinag-usapan muna nila ang tungkol sa ongoing murder investigation na hawak.
“Pasensiya ka na nga pala kung hindi ako nakasama no'ng magpunta kayo sa residence ni Maranan,” ani Paul.
Umiling si Jemimah. “Ayos lang 'yon, Paul. Holiday naman at kailangan n'yo ring makasama ang pamilya n'yo.”
Tumingin sa kanya ang binata. “Nabisita mo na ba ang pamilya mo?” tanong nito. “Huwag mo sabihing mag-isa ka lang nag-celebrate ng Pasko?”
“Nabisita ko na naman sila,” sagot niya. Akmang sasabihin niya pa na si Ethan ang kasama noong Pasko pero hindi na nagawa nang magsimula na ang movie. Itinuon na lamang ni Jemimah ang atensyon sa palabas.
Sa paglipas ng oras, hindi na naiintindihan ni Jemimah ang pinapanood dahil ang isipan ay napunta na naman sa lalaking sobra-sobrang nagpapagulo sa isipan nitong nakaraang mga linggo – si Ethan Maxwell. Bumalik sa kanyang alaala ang nangyari noong Christmas Eve sa kanyang apartment kasama ang binata...
Nilapitan ni Jemimah si Ethan na abala pa rin sa pagluluto ng popcorn na kakainin nila mamaya. Napangiti siya habang nakamasid lamang dito. “Hindi ko alam na marunong ka rin palang magluto ng ganyan.”
“Hindi naman ito ganoon kahirap,” tugon ni Ethan.
Ilang minuto lang naman ay luto na ang popcorn at inaya niya na ang binata sa living area ng kanyang apartment para doon manood ng movie. Iyon ang naisipan niyang gawin para sa gabing iyon. “Ano bang gusto mong movie na panoorin?” tanong ni Jemimah habang hinahalungkat ang mga CD rack na malapit sa flat screen TV.
“Kahit ano,” sagot ng binata na nakaupo lamang sa couch. “Ikaw na ang bahalang mamili.”
Napalabi si Jemimah bago kinuha ang DVD ng movie na American Sniper. “Ayos lang ba sa'yo kung patungkol sa war and combat?” tanong niya.
“Walang problema.”
Tumango na lamang siya bago isinalang ang CD sa DVD player, pagkatapos ay naupo sa tabi ni Ethan. Nasa mesitang kaharap ang popcorn at softdrinks na tanging kakainin nila para sa Christmas Eve. Hindi napigilan ni Jemimah ang mapangiti dahil doon.
Habang nanonood sila ng movie, nagtatanong din siya kay Ethan ng ilang mga bagay patungkol sa naging serbisyo nito noon sa Special Forces. Sinasagot naman iyon lahat ng binata. Hanggang sa magkuwento na ito ng ilan sa mga naging misyon noon.
At sa halip na matuon ang atensyon sa pinapanood ay sa mukha ni Ethan lamang siya nakatitig. Biglang tumalon ang puso ni Jemimah nang salubungin ng binata ang kanyang tingin. Gusto niya sanang mag-iwas pero hindi naman magawa.
“Hindi ka na nanonood,” ani Ethan. “Kung gusto mo magkuwento na lang ako.”
Naramdaman ni Jemimah ang pag-iinit ng mukha. “Ngayon ka lang kasi nagkuwento kaya gusto kong makinig,” aniya.
Ilang sandaling pinakatitigan siya ng binata bago ito umisod ng upo palapit sa kanya. “Mukhang pagod na pagod ka na. Gusto mo na bang magpahinga?”
Umiling siya. Hindi niya pa gustong matulog dahil nais pang makasama ang binata. “Ituloy mo lang ang kuwento mo,” hiling pa ni Jemimah.
Bumuntong-hininga si Ethan bago iniakbay ang isang kamay sa balikat niya at pinahilig siya sa balikat nito. Dahil doon ay mas higit na bumilis ang tibok ng kanyang puso.This man was just unpredictable. Paano pa siya makakapag-concentrate sa pakikinig kung nararamdaman na naman ang init ng katawan nito? Hanggang ngayon nga, hindi pa rin siya nakaka-recover sa halik na kanilang pinagsaluhan kanina...
Hindi na namalayan ni Jemimah ang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi. Napatingin siya sa tabi at nakitang nakatingin sa kanya si Paul.
“Mukhang enjoy na enjoy ka sa movie, ah?” wika ng lalaki, nakangiti.
Natigilan si Jemimah, iniiwas ang tingin. Hindi na siya sumagot at muling itinuon ang pansin sa big screen. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa palabas na iyon.
Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa inaakto. Bakit ba hindi niya na mapatigil ang sarili sa pag-iisip kay Ethan? Iba na ang ibig sabihin nito. Hindi na maialis ni Jemimah sa isipan ang binata, maging ang mga naganap sa pagitan nila nitong nakalipas na mga araw. At ang katotohanan ay hindi niya gustong subukan na alisin pa ito sa isipan.
She was beginning to like him... more than just a team member, more than just a friend. Alam niya na hindi dapat nararamdaman iyon subalit hindi mapatigil ang sarili. She liked Ethan Maxwell. Hindi niya alam kung ano'ng rason. Hindi niya alam kung ano'ng mayro'n sa lalaking iyon at nagawa kaagad makuha ang pinakaiingatang puso.
Lihim na napabuntong-hininga si Jemimah. Hindi niya na alam kung paano haharapin si Ethan ngayong inamin na sa sarili na gusto ito ng higit pa sa kaibigan. Marahan niyang ini-iling ang ulo. Hindi. Hindi niya iyon masasabi sa binata. She would keep this feeling to herself. That would be better. Probably.
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now