Chapter 17

2.8K 112 1
                                    

Chapter 17
Ethan Maxwell
NAPATINGIN si Ethan sa kinalalagyan ng telepono nang tumunog iyon. Kaaalis lamang ni Jemimah para magpunta sa warehouse na nasa Port of Manila. Abala na naman ang ibang mga kasamahan dito sa pag-uusap-usap. Hindi niya lang maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito dahil ang isipan ay na kay Jemimah. Gusto niyang pagalitan ang babae dahil hindi man lang nito tinanggap na samahan patungo sa crime scene. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam ng ganoon.
Lumapit siya sa kinaroroonan ng telepono at sinagot iyon. “Hello?”
“Good afternoon, Mr. Maxwell, sa front desk po ito ng lobby,” bati sa kanya ng attendant.
“Bakit?”
“May package pong dumating para sa inyo, Sir. Ipapaakyat ko na po ba sa penthouse niyo?”
Kumunot ang noo ni Ethan. Package? Sino naman ang magpapadala sa kanya ng package? “Sige, ipadala mo na lang dito,” tugon niya.
“Sige po, Sir,” iyon lang at tinapos na nito ang tawag.
Bumalik sa kinauupuan si Ethan, hindi pa rin nawawala ang pagtataka.
“Sino'ng tumawag, pare?” narinig niyang tanong ni Mitchel.
“Front desk,” sagot niya. “May package daw na dumating para sa'kin.”
Tumango-tango naman ang lalaki. Ilang minuto lang ang nagdaan bago nila narinig ang tunog ng doorbell. Pinindot ni Ethan ang remote para mabuksan ang front door bago lumakad patungo doon.
Iniabot sa kanya ng isa sa mga staffs ng condominium place ang isang maliit na kahon. Pagkasara ng pinto ay agad nang binuksan ni Ethan ang naturang package. Kinuha niya mula sa loob ng isang kahon ang isang papel at binasa ang nakasulat doon na gawa sa mga ginupit na letra ng diyaryo.
I know you’ve been looking for me.
Nagtagis ang mga bagang ni Ethan. “Galing sa hinahanap nating killer ang package na ito.”
Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang mga naroroon. Inilapag ni Ethan sa mesita ang hawak na papel. Sa ilalim ng nakasulat doon ay may mga drawing na hindi niya malaman kung ano ang ibig sabihin. “Can you make something out of this?” tanong niya kay Mitchel.
Pinakatitigan ni Mitchel ang mga drawings na naroroon. “Obviously, drawing ito ng isang bata. At malamang na inutos lamang ng killer.” Kumunot ang noo nito. “He wants to tell something from these drawings.”
“Bakit kailangang ipadrawing niya pa ang mga 'yan?” tanong ni Paul.
“Dahil gusto niyang makipaglaro,” sagot ni Mitchel. “He’s testing how smart we are.”
Ang nakaguhit sa papel na iyon ay isang stick na tao na may hawak na kutsilyo, sa paanan niyon ay pula lamang na kulay. Kasunod niyon ay limang stick na tao – apat ang lalaki, isang babae. Sumunod ang isang STOP traffic sign. At ang kahuli-hulihan ay isang sasakyan na may pulang kulay na naman sa ilalim.
“It’s simple,” mayamaya ay wika ni Mitchel, seryoso na ang tinig. Itinuro nito ang kauna-unahang drawing – ang stick na tao na may hawak na kutsilyo. “Ito siya, ang killer, at ang pulang kulay na ito ay dugo. Itong limang taong ito ay tayo.” Bumuntong-hininga ito. “Hindi ko alam kung paano niya nalaman na ang team natin ang nag-iimbestiga sa kaso niya.”
“Malamang na sinusubaybayan niya tayo,” wika ni Paul.
“Itong STOP traffic sign na ito ay sumisimbolo sa imbestigasyon natin. It means that we are stopping him from fulfilling his mission or something like that.” Kumuyom na ang mga kamao ni Mitchel. “At ang huling drawing, ang sasakyan ito na may kulay pula sa ilalam. This is a threat. Na hindi siya mangingiming ipahamak ang sinoman sa atin.”
“Pero bakit po sasakyan?” tanong naman ni Douglas.
“He’s going to use a car to threaten us,” sagot ni Mitchel. “Iyon lang ang maaaring eksplenasyon doon.”
Napatingin si Ethan sa hawak-hawak pa rin na kahon nang makarinig ng pagtunog mula doon. Kinuha niya mula loob ang isang lumang cell phone na kasama sa ipinadala ng killer.
“Untraceable ang klase ng phone na 'to,” wika niya bago binuksan ang isang mensahe na siguradong mula sa isang computer.
Siguro naman ay alam na ng profiler niyo ang ibig sabihin ng ipinadala ko.
Sumulyap siya kay Mitchel bago binasa sa mga ito ang laman ng mensahe. And then, another message.
Let’s play, Maxwell. Kulang kayo ngayon, hindi ba?
Kumunot ang noo ni Ethan. Pero hindi na nakapag-isip nang muling tumunog ang cell phone.
Nakita kong umalis ang team leader niyo sakay ng kanyang dark blue Fortuner.
Nag-igting ang mga bagang ni Ethan. Sobrang higpit na rin ng pagkakahawak niya sa aparato. Ilang sandali lang ay dumating na ang kahuli-hulihang mensahe.
One hint: BREAK.
“Jemimah,” wala sa sariling usal niya. Mabilis na tumakbo si Ethan palabas ng penthouse, hindi na pinansin ang pagtawag ng mga kasama.
Ilang beses niyang pinindot ang button ng elevator na para bang mapapabilis niyon ang pag-akyat. Napatingin siya sa mga kasamahan nang makahabol ang mga ito.
“What’s happening, Ethan?!” narinig niyang sigaw ni Paul. “Ano'ng nakalagay sa message?”
“Wala nang oras para magpaliwanag,” marahas na wika niya bago tiningnan ang numero sa taas ng elevator. Nasa third floor pa lamang iyon. “Damn it. Kapag nakababa kayo, mag-commute kayo papunta sa warehouse at hanapin si Jemimah. Don’t use any of your cars.” Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang tumakbo patungo sa fire exit. Hindi niya na mahihintay ang elevator at gumamit na ng hagdan.
Wala nang pakialam si Ethan kung gaano kataas ang kanyang binaba. Pagkarating sa underground parking ay agad na nilapitan ang isa sa mga sasakyang naroroon – isang black BMW. Ilang buwan na mula nang huli niyang magamit ang sasakyan na iyon kaya imposibleng malaman ng killer na pag-aari niya ito.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan patungo sa Port of Manila. Sigurado siya na may ginawa ang killer sa sasakyan ng kung sinoman sa miyembro ng team nila. Base na rin iyon sa ipinadalang sulat at mensahe kanina. Hinihiling niya lang na hindi ang kay Jemimah iyon.

A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora