Chapter 33

3K 107 1
                                    

Chapter 33
Jemimah Remington
“FRANK RODRIGUEZ,” wika ni Theia habang nakaharap sa computer. “There’s nothing much about him. Wala rin siyang police records sa Pilipinas o sa States. Halos lahat ng records about him na naririto ay simula pa nang magpunta siya sa States. Nagtapos siya sa Harvard University with flying colors. Seventeen years old siya nang mag-migrate sa America.”
“He was still a minor,” wika ni Jemimah. “May record ba kung sino ang kamag-anak na kumuha sa kanya?”
Ilang sandaling nagpipindot si Theia sa keyboard bago sumagot. “Cecilia Johnsons. Mukhang hindi kamag-anak ni Frank Rodriguez. Cecilia was a pure American na ilang taon ding nanirahan dito sa Pinas noon dahil sa negosyo. And she was a rich woman na maraming ari-arian at mga businesses. She was a widow. Forty-four years old siya nang sabay silang mag-migrate ni Frank Rodriguez sa States at hindi na bumalik.”
“Was?” ulit ni Ethan.
Tumango si Theia. “Limang taon na siyang patay. Cancer.”
Napailing si Jemimah. “Wala bang nakalagay diyan kung ano'ng relasyon niya kay Frank Rodriguez?”
Umiling-iling si Theia. “Nothing. Wala rin siya sa list ng relatives ni Cecilia Johnsons.”
“P-papaano mo nga pala nakukuha ang mga records na 'yan?” tanong ni Jemimah, nagtataka.
Tumingin sa kanya ang babae bago ngumiti. “I’m hacking government agencies, maging ang ilang mga agencies sa US na puwede nating pagkuhanan ng impormasyon.”
Nanlaki ang mga mata ni Jemimah bago tumingin kay Ethan. Hinahayaan nitong gumawa ng mga ilegal na bagay si Theia para lang makakuha kaagad ng impormasyon.
Nagkibit-balikat lang naman ang binata na tila balewala lang iyon.
“Huwag kang mag-alala, Jem,” wika pa ni Theia. “As long as wala naman tayong gagalawin sa mga records na ito ay hindi nila mapapansin. I’m used to this and very good at this. Ilang beses ko nang nagawa ito noon... para sa kasamaan nga lang. Pero nagbago na ako. I’m doing this to help your team. Wala namang problema doon, hindi ba?”
Napahawak siya sa ulo. Kapag nalaman ito ng ibang mga empleyado sa SCIU, o kahit ni Director Morales, siguradong malalagot sila. Pero hindi naman makakalabas ang tungkol dito kung walang magsasalita. At may punto naman si Theia, at least nagagamit na nito sa pagtulong ang hacking skills nito. Sana lang, hindi mapansin ng kung anumang US government agency na may pumasok sa mga systems nito.
“We will never be traced, Inspector,” pagpapatuloy pa ni Theia. “Malinis akong magtrabaho.” Kumindat pa ang babae.
Napangiti naman na si Jemimah. Theia ‘Red’ Mendoza was one of the top hackers in their country, ayon na rin kay Ethan. Magiging malaking tulong ito sa gobyerno nila kung sakaling maisipang mag-trabaho doon ng babae, subalit imposible iyon. Masaya na siya na pumayag si Theia maging parte ng kanilang team kahit hindi opisyal.
“Back to Rodriguez,” singit naman ni Ethan. “Nagsinungaling siya sa atin, kung gano'n. Hindi niya kamag-anak ang nagpaaral sa kanya sa States. At sinabi mo, Theia, na ang records lang na nandiyan ay simula no'ng nasa States siya. Walang record noong parte pa siya ng pamilya Rodriguez? O mas nauna pa doon?”
“Nothing,” tugon ni Theia. “It was cleanly wiped out.” Ipinihit nito ang swivel chair paharap sa kanila. “Sinabi n'yo na expert siya sa computer programming. Kung marunong din siyang mang-hack ng systems ng iba’t ibang agencies dito, madali na lang para sa kanya ang magbura ng identity o magpalit niyon.”
“Bakit niya gagawin 'yon kung wala siyang itinatago?” tanong ni Jemimah. Frank Rodriguez was getting more and more suspicious.
“The past,” narinig nilang singit ng isang boses mula sa front door ng apartment ni Theia.
Sabay-sabay silang napatingin doon at nakita ang pagpasok ni Mitchel, may bitbit pa itong dalawang boxes ng pizza at isang bote ng wine.
Ngumiti si Mitchel. “Sorry to interrupt. Hindi ko alam na nandito pala kayong dalawa. Naisipan ko lang bisitahin si Theia.” Kumindat pa ang lalaki kay Theia.
Ipinaikot ni Theia ang mga mata. “Sinabi ko na sa text na busy ako,” anito.
“Alam kong nagsisinungaling ka,” tugon ni Mitchel. Ipinatong nito sa mesita ang mga dala bago lumapit sa kanila.
Inirapan lang naman ito ni Theia bago muling humarap sa computer.
“May hinala ka na kay Frank Rodriguez, tama ba, Mitchel?” wika ni Ethan. “Kaya sinuggest mo na kausapin namin siya.”
Napatingin si Jemimah sa dalawang lalaki.
“I’m not really sure,” tugon ni Mitchel. “Pero may nakita kasi akong kakaiba sa kanya noong nasa bahay ng mga Rodriguez tayo sa Bulacan. Noong malaman niya na nagkaroon ng relasyon si Alexa sa isang babae. There was anger in his eyes for a few moments, but then he smiled like it was nothing.” Tumingin sa kanya ang lalaki. “Some monsters are used to wearing a mask. Noon ko nakita na may itinatago siya sa atin, may pilit siyang itinatago... isang sugat na hindi niya gustong ilabas. At gusto kong malaman kung ano 'yon.”
“Malalaman mo ba kung ilang beses bumalik dito sa Pilipinas si Frank Rodriguez simula ng mag-migrate siya?” tanong ni Ethan kay Theia.
Mabilis namang tumango ang babae. Hindi naman nagtagal ay nahanap na nito ang hinahanap. “Pangalawang beses niya na 'to,” sagot ni Theia. “Anim na taon na mula nang una siyang bumalik dito sa Pilipinas. Business ang nakalagay na dahilan.”
Lumapit si Jemimah sa kinauupuan ni Theia para tingnan ang eksaktong araw ng unang pagbalik ni Frank Rodriguez sa bansa. Pagkatapos ay kinuha niya ang isa sa mga folders na nasa mesa para tingnan naman ang araw ng pagkamatay ni John Rodriguez.
Napabuntong-hininga siya. “It was a month before John Rodriguez was murdered,” she mumbled. Anim na taon na mula nang unang bumalik sa Pilipinas si Frank matapos nitong mag-migrate sa America. Anim na taon na rin mula nang mapatay ang ama ni Alexa na si John Rodriguez. It was too much of a coincidence.
Tumingin si Jemimah kay Ethan at nakita ang kaseryusohan sa mukha nito. Lumapit ang lalaki kay Theia. “Kumusta ang mapang ibinigay ko sa'yo? Have you decoded what those numbers mean?”
Kumunot ang noo ni Jemimah. Alam niya ang tungkol sa mapang nakita ng mga ito sa bahay ni Ramon Maranan noon, hindi niya lang alam na kay Theia pala ibinigay ni Ethan ang ebidensyang iyon. “Hindi mo 'yon pinadala sa headquarters?” tanong pa niya.
Tumingin sa kanya si Ethan. “Wala akong tiwala sa headquarters,” sagot nito. “Paano kung may koneksyon ang serial killer sa lugar na 'yon?”
Nakaramdam ng pagkainis si Jemimah. “Kailangan pa ring ideretso sa laboratory ng headquarters ang mga ebidensya, Ethan. SCIU ang may hawak sa kasong ito.”
“Pero hindi ako parte ng SCIU,” hirit pa ng lalaki. “Kinuha lang ako sa team na ito para tumulong kaya puwede akong magdesisyon kung ano'ng gagawin ko sa mga ebidensya.”
“You should have been the leader, then,” hindi na napigilan ni Jemimah ang pagiging sarkastiko ng tinig. Naiinis pa rin siya dahil hindi man lang ipinaalam ng binata na ganoon ang plano nito sa ebidensyang iyon. She was the team leader, for earth’s sake. And she thought they were getting along as a team.
“Tama na nga 'yan,” narinig nilang awat sa kanila ni Theia. “Sa susunod kasi, ipaalam mo muna sa Team Leader n'yo, Ethan. Tama naman siya na SCIU pa rin ang may hawak sa kasong ito. Pero huwag na muna nating pagtalunan ang bagay na 'yan.”
Inilabas ni Theia sa isang drawer ang mapa na nakuha sa bahay ni Maranan noon. Itinuro ng babae ang mga numerong nakasulat sa itaas na parte. “Kilometers ang ibig sabihin ng mga numerong ito,” pagpapaliwanag ng dalaga. “Nakuha n'yo ang mapa sa residence ni Ramon Maranan kaya posibleng iyon ang starting point. May apat na lugar akong nahanap na tumutugma sa kilometers na nakasulat dito, from north, south, west and east. At sa apat na 'yon, may nakakuha ng atensyon ko.”
Lahat sila ay nakatingin lamang kay Theia, hinihintay itong magpatuloy.
Inilabas ni Theia ang isang papel kung saan may nakasulat doong address. “It’s a cemetery in Bulacan. At nalaman kong sa sementeryong 'yan nakaburol si John Rodriguez. Which means, this map is a map of that cemetery.”
Inabot ni Jemimah ang mapa, ginuhit lamang iyon gamit ang marker. May nakalagay na ‘entrance’ at mga direksyon hanggang sa makarating sa isang ‘x’ mark. It was like a treasure map made by pirates. Ano kaya ang makikita nila sa lugar na ito? Ano kaya ang nais sabihin sa kanila ni Ramon Maranan? Kailangan nilang mapuntahan ang lugar na iyon bago pa maunahan ng killer.
MALAPIT na sa kinapaparadahan ng sasakyan si Jemimah nang maramdaman ang pagpigil sa kanyang braso. Plano niya na sanang umuwi ng gabing iyon matapos nilang makakuha ng mga impormasyon kay Theia. Lumingon siya sa likod at nakita si Ethan. Muli na namang nagrambulan ang tibok ng kanyang puso. She was very aware of the heat from his touch.
“Let’s talk,” maikling wika ni Ethan sa seryosong tinig. Hindi na siya nito hinintay na sumagot at inilipat ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Hinila siya nito palayo.
Hindi na naman tumutol si Jemimah at sumabay lamang sa paglalakad ng binata. Sa buong paglakad ay walang namagitang usapan sa kanila hanggang sa namalayan niya na lamang na nakarating na sila sa isang parke. Iginala niya ang paningin sa paligid, wala na ganoong tao doon.
Her heart kept its fast pace. Humarap sa kanya si Ethan at mabilis na iniiwas ni Jemimah ang tingin. Gusto niyang pagalitan ang sarili. Kailan pa siya kinabahan ng ganito sa harap ng isang lalaki? Her training and experience on the police force had made her learn to control emotions. Pero bakit hindi niya magawa kapag kaharap ang binatang ito?
“Bakit mo ba ako iniiwasan, Jemimah?” narinig niyang tanong ni Ethan.
Napatingin siya sa binata, gusto sanang tumanggi subalit hindi naman maibuka ang sariling bibig. Ano'ng sasabihin niya?
“Dahil ba sa nangyari noong Pasko?” muling tanong ni Ethan, may mahihimigang kalungkutan sa boses.
Hindi gustong makita ni Jemimah na nalulungkot ang binata. “I... I just don’t... I don’t know how to act,” pag-amin niya. “Hindi ko alam, Ethan. H-hindi ko talaga alam.” Ang totoo ay alam niya subalit hindi naman magawang sabihin sa binata. Hindi niya maamin ang nararamdaman para dito.
Humakbang palapit sa kanya si Ethan, pinakatitigan siya sa mga mata. Gustuhin mang umatras, ayaw naman sumunod ng katawan ni Jemimah. “Hindi mo ba gusto ang nangyari ng gabing iyon?” tanong ng lalaki, magaspang ang tinig.
Ramdam na ramdam ni Jemimah ang pag-iinit ng mukha. Halik lamang naman ang pinagsaluhan nila noon, bakit kung magtanong ang lalaking ito ay parang may mas higit pang nangyari? “I... I...” Napabuntong-hininga siya. “A-ano ba namang mga tanong 'yan, Ethan?”
“Galit ka ba sa akin?” muling tanong ng binata. “Dahil hindi ko nasabi sa'yo na ibinigay ko kay Theia ang isang ebidensya?”
“H-hindi naman ako galit, Ethan,” tugon niya. “Huwag mong isipin na—” Napatigil si Jemimah nang bigla na lang siyang hapitin ng lalaki palapit para yakapin ng mahigpit. At dahil doon ay mas higit na nagwala ang kanyang puso sa loob ng dibdib.
“I hate it,” narinig niyang bulong ni Ethan. “I hate fighting with the one person I want to know more... the one person I want to be close to after a long time. Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ang mga salitang ito.”
Nagulat si Jemimah sa sinabi ng lalaki pero hindi naman napigilan ang pag-usbong ng kakaibang kasiyahan sa puso dahil sa narinig. He wanted to know her more. He wanted to be close to her.
Nangilid na ang kanyang mga luha. Marahang itinaas ni Jemimah ang mga kamay para gantihan ang yakap ni Ethan, sinusunod ang inuutos ng kanyang puso. “H-hindi ko rin naman gustong... m-makipag-away sa'yo, Ethan,” ganting bulong niya. “I’m sorry... k-kung iniwasan kita nitong nakaraang mga araw. N-naguguluhan kasi ako. Hindi ko alam ang dapat gawin. Hindi ko alam kung... kung gusto mo pa ba akong makausap.”
Bahagya siyang inilayo ni Ethan. “Bakit naman hindi kita gugustuhing makausap?” tanong nito. “Naguguluhan din ako sa sarili ko nitong nakaraang mga araw,” pag-amin ng lalaki. “It’s been a long time since I wanted to have someone on my side.”
Nakatitig lamang sa kanya si Ethan sa loob ng mahabang sandali. Nakakaramdam si Jemimah ng pagkailang subalit gustong-gusto naman ng kanyang puso ang pagtitig na nagmumula sa binata. “E-Ethan...” Gusto niyang sabihin dito na nais ring manatili sa tabi nito hanggang sa iyon ang nais ng lalaki.
Humugot ng malalim na hininga ang lalaki bago marahang hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon. I tried so hard to live alone, away from others. Hanggang sa pumasok ka sa mundo ko para guluhin 'yon.” Ngumiti si Ethan nang makita ang pagkunot ng noo niya. “Because of you, I’ve seen light... again. Naisip ko na baka puwede pa nga... puwede pa nga akong makihalubilo sa iba. Hindi man ako magbago kaagad... pero gusto ng puso ko na makakita uli ng liwanag. Kahit patuloy kong itanggi, umaasam pa rin ako na magkaroon uli ng liwanag ang madilim kong mundo. Hindi ko 'yon maamin sa iba dahil... dahil ayoko ng kaawaan. I’ve had enough of that in the past. I was a soldier. Iniisip ng iba na kakayanin ko lahat, pero may hangganan din ang mga katulad ko.”
Nangilid na ang mga luha sa mga mata ni Jemimah. Inabot niya ang kamay ni Ethan na nakahawak sa kanyang pisngi, higit na ninanamnam ang init na nagmumula doon. Hindi niya na rin pinigilan ang sarili at ginantihan ang pagtitig ng binata. “I don’t want you to remain in the dark, Ethan,” masuyong bulong niya sa nilalaman ng puso. “I don’t want you to remain hurt. At hindi kita huhusgahan kahit magpakita ka pa ng kahinaan. Lahat naman tayo ay mayro'n noon. You shouldn’t be ashame of that.”
“Mananatili pa rin sa puso ko ang sakit ng nakaraan,” anito, may hapdi na sa tinig. “Hindi ko alam kung mawawala pa ba 'yon. I should have remained alone, I should stay away from you. Iyan ang mga inuutos ng isipan ko. Hindi kita gustong masaktan. Hindi ko gustong madamay ka sa sakit na 'to.”
Ini-iling ni Jemimah ang ulo, tumulo na ang mga luha sa mga mata. “D-don’t,” garalgal na wika niya. “H-hindi ko rin alam kung magagawa kong alisin ang sakit diyan sa puso mo. But I can share your pain. Let me try... to heal you.”
Kitang-kita ang dumaang kislap sa mga mata ni Ethan. Ilang sandali itong nakatitig lamang sa kanya bago muling nagsalita. “I’ll be selfish for the first time. Puwede kang manatili sa tabi ko hanggang sa gusto mo, Jemimah. Maiintindihan ko kung aayaw ka.” Biglang napalitan ng uncertainty ang mga mata nito.
Humakbang si Jemimah palapit sa binata at niyakap ito ng mahigpit. “You confuse me, do you know that?” natatawang wika niya. “You kept on confusing me. H-hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig mong sabihin. Pero wala na akong pakialam.” Tiningnan niya ang mukha ng binata, tinitigan ang asul na mga mata nito. “I will stay with you, Ethan. As long as you want me to. Matagal ko na namang sinabi 'yon, hindi ba?”
Nakatitig lamang sa kanya si Ethan, hindi ito nagsalita sa loob ng mahabang sandali. Hindi maipaliwanag ni Jemimah kung bakit tuwing napapatingin siya sa mga mata ng binata, animo nasa ibang mundo siya – sa mundong sila lamang ang naroroon. She liked Ethan, yes. At natatakot siya na baka dumating ang araw na mas tumindi pa ang kanyang nararamdaman para sa lalaki.
Iniagwat ni Jemimah ang sarili kay Ethan nang hindi na marinig ang pagsasalita nito. “Kailangan na nating umuwi,” pagbasag niya sa katahimikan. “Bukas pupunta pa tayo sa isang sementeryo sa Bulacan.”
Akmang tatalikod na siya para lumakad palayo nang marinig ang muling pagsasalita ni Ethan. “Let’s date, Jemimah,” puno ng kaseryusohang wika ng binata.
Muling napatingin si Jemimah sa lalaki, hindi maitatago ang pagkagulat sa mukha. Tama ba ang narinig niya? Gusto ni Ethan na mag-date silang dalawa?
Humakbang palapit sa kanya si Ethan at muli na namang nagrambulan ang tibok ng kanyang puso. Inabot ng binata ang isa niyang kamay para hawakan iyon ng mahigpit. “Wala namang masama doon, hindi ba?” tanong pa nito.
Iniyuko ni Jemimah ang ulo, namumula ang mukha. Her heart wanted to say ‘yes’ but her mind was still contradicting. Magkasama sila sa isang team, paano kung malaman ng mga kamiyembro nila? At kapag nagsimula silang mag-date ni Ethan, hindi niya na alam kung makokontrol pa ba ang sarili na huwag sobrang ma-attach ang puso dito. Hindi rin niya ito lubos na kilala. But that was not a problem, really. Nakahanda siyang tanggapin si Ethan.
“Nasa tamang edad na naman tayo, 'di ba?” muling tanong ni Ethan. “I want to know you more, Jemimah. Gusto kong alamin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Gusto kitang protektahan. And I promise, I won’t let you get hurt. Ako na mismo ang lalayo kung sakaling mangyari 'yon.”
Ibinalik ni Jemimah ang tingin sa binata. Oo, natatakot siyang masaktan lalo na kung puso ang usapan. Natatakot siyang pumasok sa relasyon dahil baka hindi mapanindigan iyon o baka maiwan lamang siyang luhaan. But being with Ethan was one of the best part of her life. Hindi niya na alam kung makakayanan ba kapag nalayo sa kanya ang binata. Gusto niya rin itong protektahan hanggang sa abot ng makakaya – protektahan mula sa mga sakit na pinagdaraanan nito.
She entwined her fingers to his and smiled tenderly. “I don’t want you to leave my side, Ethan,” pag-amin niya sa nilalaman ng puso. “No matter what happens, don’t you ever do that.”
Ginantihan ni Ethan ang ngiti niya, na naging dahilan ng pagtalon ng kanyang puso sa loob ng dibdib. She just loved it every time he smiles suddenly. “After this case, let’s date properly,” anito, may mahihimigan ng kasiyahan sa boses. “Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo, gagawin ko ang lahat para masunod iyon.”
Napatawa na si Jemimah. Her heart was at stake in this decision but she didn’t care anymore. Siguradong darating ang oras na posible siyang masaktan, subalit hindi niyon mapapantayan ang kasiyahang kanyang nararamdaman tuwing kasama ang lalaki.
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now