Chapter 36

2.6K 89 5
                                    

Chapter 36
Frank Rodriguez
NAKATITIG lamang si Frank Rodriguez sa bahay ni Ramon Maranan. May dalawang pulis pa rin na nagbabantay doon. Mahigit isang linggo na siyang pabalik-balik sa lugar na ito para magbaka-sakaling makapasok.
Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao. Hindi niya dapat agad pinatay si Maranan. He should have tortured him like his other victims. Kung hindi dahil sa pagmamadaling tapusin ang paghihiganting ito at maging masaya kasama si Alexa ay hindi mangyayari ito.
Pakiramdam ni Frank, unti-unti nang nauubos ang oras niya. Siguradong darating na ang araw na mahuhuli siya ng mga awtoridad. Subalit bago iyon, kailangan niya munang tapusin ang nasimulan.
Tumalikod na siya para bumalik sa sariling sasakyan. Simula ng magkaroon sila ng relasyon ni Alexa – ng babaeng pinakamamahal – hindi niya na sana balak tapusin ang misyong ito. He was about to stop all of this but that Ramon Maranan ruined everything.
Hindi na dapat nagpakita pa muli ang hayup na 'yon. Nanatili na lamang dapat itong nakatago, natatakot sa kanya. Hindi na dapat nito pinaalala ang masakit niyang nakaraan. He was about to spare him. He was about to become a new being. But the monster in his head wanted vengeance. Gustong maiparamdam ni Frank sa mga sumira sa kanyang buhay ang sakit at galit na kanyang dinanas sa loob ng mahabang panahon at dinaranas pa rin hanggang ngayon.
He would definitely end this no matter what. Mahabang panahon niya itong pinlano. Mahabang panahon siyang naghintay. Malapit na siyang magtagumpay. Malapit na. And he would do anything to accomplish this mission.
Nang makarating si Frank sa bahay nila sa Bulacan, agad siyang sinalubong ng nobyang si Alexa. Nakasuot lamang ito ng night dress na humahapit sa magandang hubog ng katawan.
Muli na namang umusbong ang nagbabagang init sa kanyang pagkatao pagkakita sa dalaga. She was so hot and beautiful. Hinding-hindi siya magsasawang pagmasdan si Alexa, yakapin ito, halikan at angkinin. Pag-aari niya na ang babae.
“Frank,” malambing na ipinulupot ni Alexa ang mga kamay sa leeg niya. “Saan ka ba nanggaling? Wala ka namang trabaho ngayong araw, ah?” Lumabi ito. “Nitong nakaraang mga araw, madalas ka ng umaalis at hindi ko naman alam kung saan ka nagpupunta.”
Pinakatitigan niya ang dalaga. Gusto niyang humingi ng tawad sa babae dahil nadadamay ito sa imbestigasyon ng mga taong naghahanap sa kanya. Hindi iyon ang kanyang plano.
“May iba ka na bang babae?” nagtatampong tanong pa ni Alexa.
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng nobya. “You know I love you, Alexa,” puno ng pag-ibig na wika ni Frank. “You’re the only one I ever loved in this world. Palagi mong tatandaan 'yan.”
Kumislap ang mga mata ni Alexa, sumilay na ang isang magandang ngiti sa mga labi nito. “And I love you too, Frank,” bulong nito bago hinagkan ang kanyang mga labi.
Mainit na tinugon ni Frank ang halik na iyon. Hindi niya masasabi kay Alexa ang parte ng pagkataong pilit itinatago. Hindi niya masasabi na isa siyang halimaw, isang mamamatay-tao. Hindi niya maaamin na siya ang pumatay sa ama nito. Hindi niya masasaktan ang babaeng pinakamamahal. Hindi.
But he knew that this happiness would end one day. And that day was nearer than he thought.
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin