Chapter 13

2.8K 108 6
                                    

Killer

NAKAMASID lamang siya sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan mula sa malayo ang mga taong nag-iimbestiga sa series of murder na siya ang gumawa. Kasalukuyang isinasara na ng mga ito ang warehouse. The killer sighed. Hindi niya inaasahan na matutunton kaagad ng mga ito ang lugar na pinagdadalhan sa mga biktimang pinapatay. Naglinis dapat siya kung alam na may mga bisitang darating.
Just two more to go. Hindi pa siya nagawang bigyan ng pagkakataon na tapusin ang plano sa lugar na iyon. Kailangan niyang maghanap ng panibagong lugar pero ang totoo, wala na namang halaga ang lugar. Madali na para sa kanya ang tapusin ang lahat.
The killer looked at the time on the car’s dashboard. Pasado alas-kuwatro na pala ng hapon. May kailangan pa siyang daanan.
Inayos niya ang sariling buhok bago ngumiti. Kailangan ay maayos siyang humarap sa dadalawin. Ini-start ng killer ang sasakyan bago nilisan ang lugar na iyon. Medyo mahaba-haba rin ang naging biyahe niya bago narating ang isang sementeryo kung saan doon nakalibing ang dadalawin.
Lumabas ang killer sa sasakyan bago lumakad patungo sa isa sa mga puntod na naroroon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabisita siya sa lugar na ito.
The killer smiled wickedly while staring at the grave. “I’m here, at last,” wika niya sa tinig na puno ng pait. “Pasensiya na kung ngayon lang ako nakadalaw sa puntod mong ito. Medyo naging abala kasi ako nitong nakaraang mga araw.”
Ilang sandaling pinakatitigan niya lamang ang puntod na nasa harap. The eyes of the killer had turned monstrous. “I wish you could see me now. I wish you could see the monster you made me.” Ikinuyom niya ang mga kamao. “Pero hindi mo na magagawa 'yon dahil patay ka na. Pinatay na kita, hindi ba?” Tumawa siya ng nakaloloko. “And I will never regret killing you... killing them. No... never.”
Dinuraan niya ang puntod na nasa harapan. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ko natatapos ang misyon ko. You started this, you fucking monster. But I will finish it.” Ngumisi siya. “I’ll see you in hell.”

A/N: I will be updating this story every Tuesday, Thursday and Saturday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Onde histórias criam vida. Descubra agora