Chapter 34

2.8K 100 1
                                    

Chapter 34
Jemimah Remington
MAGALANG na bumati si Jemimah sa dating senior sa Philippine National Police – si Marco Pulo. Dati itong Senior Inspector pero ilang taon ng nagretiro sa serbisyo. Nakilala niya ang lalaki noong unang taon sa police force, nakapailalim siya dito at naging mentor na rin niya.
“It’s been a long time, Inspector,” nakangiting bati ni Marco. “Kumusta ang trabaho mo sa SCIU?”
“Maayos naman po, Sir,” sagot niya. “Kayo po? Kumusta na?”
“Doing great. Huwag mo na akong tawaging ‘Sir’. Wala na ako sa police force.”
Ilang sandaling tinitigan ni Jemimah ang lalaki. “Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit kayo umalis sa serbisyo.”
Mahinang tumawa si Marco. “I’ve had enough of those crimes, Jemimah. Hindi ko na gustong nanganganib ang buhay ko at nag-aalala ang pamilya ko. Marami namang mga mahuhusay na pulis na katulad mo ang puwedeng magtuloy sa nasimulan namin.”
Tumango si Jemimah. Mukha namang masaya na ang lalaki sa buhay na wala sa serbisyo.
“Siguradong may dahilan kung bakit ka nakipagkita sa akin ngayon, Jemimah,” mayamaya ay wika ni Marco. “May problema ba?”
Sandaling nag-alinlangan si Jemimah. “D-dati kayong na-assign sa NBI, hindi po ba? May... may gusto sana akong itanong tungkol sa isang kaso na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba.”
Kumunot ang noo ni Marco. “Ano'ng kaso?”
“Ang Destroyer Serial Murder Case,” sagot niya.
Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha ni Marco sa narinig. Luminga-linga muna ito sa paligid bago nagsalita. “Huwag mo sabihing hawak mo ang kasong iyan, Jemimah?” may mahihimigang pag-aalala sa boses nito.
Ini-iling niya ang ulo. “H-hindi po. Narinig ko lang, may nabasa rin akong ibang articles tungkol doon. I’m just... curious.”
“Tigilan mo na ang curiosity na 'yan, kung gano'n,” anito. “That’s a very dangerous case, Jemimah.”
“Alam mo ang tungkol sa kasong 'yon,” wika ni Jemimah. “Sinubukan ko iyong isearch sa server ng SCIU pero may warning na NBI ang may hawak no'n.”
Humugot ng malalim na hininga si Marco. “Minsan kong hinawakan ang kasong 'yon,” mahinang sabi nito. “Pero bigla na lang kinuha ng mga mas nakatataas sa NBI. Wala na akong balita pagkatapos noon.”
Nakaramdam ng panlulumo si Jemimah. Alam niyang kapag ang mga high ranking officials ang nag-utos, hindi maaaring hindi sumunod. “Mukhang hindi pa rin nila nahuhuli ang Destroyer na 'yon,” aniya. “Hindi maaaring isara na lang ang kaso ng ganoon-ganoon na lang.”
Mahabang sandaling nakatitig lang sa kanya si Marco. “Why are you so curious about this case, Jemimah?”
Iniyuko niya ang ulo. “May kakilala ako, naging biktima ang pamilya niya ng Destroyer na ito. I just... I just want to help.”
“Help?” Napailing si Marco. “Hindi ordinaryo ang kasong ito, Remington. Delikado. Sobrang delikado.”
“Hinawakan niyo ang kasong ito, hindi po ba?” tanong ni Jemimah, nag-angat ng tingin. “Hanggang kailan? Hanggang sa naging huling biktima ng Destroyer?”
Tumango si Marco.
“Kung gano'n kilala mo si... si Ethan Maxwell?”
Bumahid na naman ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. “Maxwell? Huwag mo sabihing ang tinutukoy mong kakilala ay si Ethan Maxwell?”
“Siya nga po.”
Natigilan si Marco. “Maxwell,” anang nito. “Ilang taon na rin mula ng huli kaming magkausap.” Tumingin ito sa kanya. “May nabanggit ba siya tungkol sa... sa Destroyer?”
Umiling si Jemimah. “Alam ko lang na pinatay ng Destroyer ang pamilya niya. And it seems like he wants to meet this serial killer.”
Napaismid si Marco. “Kumusta na siya? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin niya gustong makihalubilo sa iba? Kaibigan ko ang papa niya. Kahit gusto kong mahuli ang pumatay sa kanila, wala na naman akong magagawa.”
“He’s doing fine,” sagot ni Jemimah. “Nagsisimula na uli siyang makihalubilo sa ibang tao.”
Kakikitaan ng kasiyahan ang lalaki sa narinig. “That’s good. Gusto kong maging maayos ang buhay ng batang 'yon. He had suffered a lot.” Ilang sandali itong huminto. “Hindi na rin dapat niya iniimbestigahan ang serial killer na 'yon.”
Nagulat si Jemimah sa narinig. “I-iniimbestigahan ni Ethan ang... ang kaso ng Destroyer?”
Humugot ng malalim na hininga si Marco bago tumango. “Huwag mong sabihin kahit kanino. Hindi ko gustong mapahamak si Ethan. Ang totoo, may kopya ako ng mga reports patungkol sa kaso ng Destroyer, maging ang naging investigation namin noon. Nagkaroon ako ng pagkakataong makopya 'yon bago ibigay sa nakatataas sa NBI. Ibinigay ko lahat ng iyon kay Ethan. He wants to catch this Destroyer with his own hands. He’s desperate, Jemimah. At sigurado akong wala nang makakapigil sa kanya.”
Hindi alam ni Jemimah kung bakit biglang may bumalot na takot sa kanyang puso.
“No one should know about this, Remington,” dugtong pa ni Marco. “Lahat ng nag-iimbestiga sa Destroyer ay namamatay. Ethan should be careful.”
Natutop na ni Jemimah ang sariling bibig. “H-he should stop it,” pumiyok pa siya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Marco. “Imposible,” anito. “Gustong bigyan ni Ethan ng katarungan ang pagkamatay ng pamilya niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, gano'n din ang gagawin ko.”
“Pero mapapahamak siya,” hindi na napigilan ni Jemimah ang bahagyang pagtaas ng boses.
“Alam niya ang ginagawa niya, Jemimah. Kung gusto mo siyang tulungan, suportahan mo lang siya. Patuloy mo lang ipaalala sa kanya kung ano ang tama at mali.” Inabot ng lalaki ang isa niyang kamay na nasa mesa para marahang tapikin iyon. “Ethan is a very good person. Pero kailangan niya pa rin ng taong gagabay sa kanya... para hindi siya tuluyang mabulag ng galit at sakit.”
Napahawak na sa ulo si Jemimah. Hindi niya na alam ang gagawin. Hindi niya gustong mapahamak si Ethan subalit hindi rin naman ito magagawang pagbawalan. Destroyer. Dapat pagbayaran ng walang pusong halimaw na ito ang lahat ng ginawa.
Bago magpaalaman ay may pahabol pang payo si Marco. “Avoid the Destroyer Case at all cost, Jemimah. Paalala ko ito bilang senior police at isang kaibigan na rin.”
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now