Chapter 40

3.1K 107 4
                                    

CES1 

Chapter 40
Jemimah Remington
HINDI alam ni Jemimah kung ano ang sasabihin matapos marinig ang kuwento ni Frank Rodriguez. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong hirap sa pag-interoga sa isang kriminal. Dahil hindi niya alam kung sino ang kaaawaan – ang serial killer na ito o ang mga naging biktima.
"Ibibigay ko sa inyo ang address ng condominium place ko sa Quezon City, maging ang susi ng unit ko doon," mayamaya ay dugtong pa ni Frank. "Nandoon ang hunting knife na ginamit ko sa pagpatay sa kanila. Sa tingin ko ay sapat ng ebidensya na iyon para idiin ako."
Tiningnan ni Jemimah ang lalaki. "Bakit kailangan mo pang gawin 'to, Frank? Bakit kailangan mo pa silang patayin at higit na sirain ang buhay mo?"
"We can't undo what's done," tugon ni Frank, ngumisi. "Wala na naman akong magagawa para maibalik sila, hindi ba? It's better for them to remain dead."
"Hindi ka man lang ba magsisisi sa ginawa mo? Ganyan na ba talaga katigas ang puso mo? Don't you have any guilt left?" patuloy na pagtatanong niya. Show some remorse, at least. To lessen your sentence. Gusto niyang sabihin sa lalaki iyon pero pinigilan ang sarili.
"Guilt?" sarkastikong ulit ni Frank. "Magsisi? Bakit ako magsisisi?" Malakas itong napapukpok sa mesa, galit na galit. "Nagsisi ba sila sa kahayupang ginawa sa akin?! Hindi! Ibinaon lamang nila iyon na parang balewala! They enjoyed their life here. And I took their happiness, their life. Justice was never served because I was just a powerless child back then. That's why I made them pay with my own hands."
"Masaya ka na ba ngayon, Frank?" singit na tanong naman ni Mitchel. "Masaya ka na ba na napatay mo sila para sa paghihiganti mo?"
Ibinaling ni Frank ang tingin kay Mitchel. "I am," malamig na tugon nito. "Napakatagal na panahon kong inasam ang makapaghiganti, ang maiparamdam sa kanila ang sakit na pinagdaanan ko, ang sirain ang buhay nila katulad ng ginawa sa akin. Hindi n'yo alam kung gaano kahirap ang nangyari sa akin. They did a monstrous thing on me. And they never even begged for forgiveness. Sinubukan pa akong ipapatay. Kaya heto ako ngayon, isang halimaw na tumapos sa kanilang kaligayahan, sa kanilang buhay."
"Sa tingin mo ba magugustuhan ni Alexa kapag nalaman niya 'to?" patuloy na pagtatanong ni Mitchel. "Hindi mo siya gustong saktan, hindi ba? Pero ibibigay mo sa kanya ang isang napakasakit na katotohanan. Hindi puwedeng hindi niya malaman. Is this what you want, Frank? To hurt the woman you love?"
Kitang-kita ang pagkatigil ni Frank dahil sa tanong ni Mitchel. His strong features had melted. Behind the monstrosity in his eyes were gentleness every time Alexa's name was mentioned. Kahit pilit nitong itago, nakikita pa rin na tanging ang babae lamang ang kahinaan nito.
Iniyuko ni Frank ang ulo, tumitig lamang sa nakaposas na mga kamay. "I didn't want to be a monster," mahinang wika nito. "I was made to become one... and I will kill those people who made me like this. I will suck the fucking life out of them. Every single one of them." Ibinalik nito ang tingin kay Mitchel, bumalik na ang galit na nasa mga mata. "Hindi ko gustong saktan si Alexa pero alam kong darating din ang araw na ito na kailangan niyang malaman ang totoo. There were no happy endings... for a monster like me."
Humugot ng malalim na hininga si Jemimah para pigilan ang sariling emosyon. Hindi niya gustong magpakita ng awa para sa isang kriminal. "Pero hindi mo na matatapos ang misyong 'yon, Frank. You will remain in this place until your trial."
Tumitig sa kanya si Frank sa loob ng ilang sandali. "Inspector," anito. "Puwede ko bang makita ang mga larawang nakuha n'yo kay Maranan?"
Natigilan si Jemimah, hindi inaasahan na nanaisin pa ng lalaking makita ang mga larawang iyon ng nakaraan. Tumingin siya kina Ethan at nakita naman ang pagtango ng mga ito.
Tumayo siya para kunin sa isang tabi ang box na kinaroroonan ng mga larawan na nakuha nila sa puntod ni John Rodriguez. Ipinatong iyon ni Jemimah sa tapat ni Frank.
Ilang sandali lang ay inisa-isa na ng lalaki ang mga larawan, walang makikitang emosyon sa mukha nito. Isinara ni Frank ang box nang matapos bago muling tumingin sa kanila.
"I see," tumango-tango pa ito. "Mukhang bago niya ito ibinigay kay Maranan ay tinanggal na ang mga larawang naroroon siya."
Kumunot ang noo ni Jemimah. "Sino?"
Tumalim ang mga mata ni Frank bago ngumisi. "My last target."
"Iyon ba ang lalaking kumuha ng mga larawang 'yan? The one who was holding the camera?" tanong naman ni Ethan.
Bumuntong-hininga si Frank. "Sigurado ako na may nakuhang larawan sa kanya noon. They wanted remembrance back then. Remembrance sa kanilang kademonyohan."
"Sino ang huling target mo, Frank?" tanong naman ni Jemimah, may awtoridad sa tinig.
Hindi tumugon si Frank pero hindi naman nawawala ang ngisi sa mukha.
"Wala ka na ring magagawa dahil makukulong ka na," pagpapatuloy niya. "So why don't you tell us who your last target is and spare him? Para hindi na madagdagan ang sentensya mo."
"Spare him?" Malakas na napatawa si Frank. "I have one last target, Inspector. Just one last. Hindi mo ba ako maaaring pagbigyan na tapusin ang misyon ko bago mabulok sa bilangguan?"
Ikinuyom ni Jemimah ang mga kamay. Ano bang klaseng laro ang ginagawa ng lalaking ito?
"Babalikan ka namin para sa susunod na interogasyon," narinig niyang wika ni Ethan sa seryosong tinig. "Douglas, ikaw muna ang magbantay dito."
Nang tumayo si Ethan ay sumunod na rin sila pero napatigil nang muling magsalita si Frank.
"I want to call my lawyer," anito. "Kailangan ko rin naman 'yon para sa trial, 'di ba?"
"Do what you want," sagot ni Ethan. "Pero dito ka lang puwedeng tumawag," pagkasabi niyon ay tuluyan nang lumabas ang binata. Sumunod lang naman si Jemimah hanggang sa makarating sila sa opisina ng team.
Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko siya maintindihan," ani Jemimah. "Bakit parang... parang may iba pa siyang nais gawin? Bakit napaka-confident niya kahit na makukulong siya sa loob ng mahabang panahon?"
"He's confident, yes," wika naman ni Paul, halatang naguguluhan din. "Hindi niya itinanggi na siya ang pumatay sa mga biktimang iyon. Pero ipinagtataka ko kung bakit bigla ay kailangan niyang tawagan ang kanyang lawyer. Is it because he is confident na mananalo siya sa trial?"
Tumingin si Jemimah kay Paul. "Posible ba na manalo siya?" tanong niya.
"Kapag nagdesisyon siya na ilabas ang mga ebidensya na inabuso siya ng mga lalaking 'yon, may posibilidad na mapababa ang sentensya sa kanya," sagot ni Paul. "Pero hindi ganoon kadali 'yon. He needed a very good lawyer for that. Lalo na kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng lahat ng mga naging biktima."
Napatingin si Jemimah kay Ethan na seryoso lamang ang mukha. Muli na namang bumalik sa kanyang alaala ang sinabi ni Frank kanina – na hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ng mga ito, ang sakit na pinagdaraanan. Ganoon din ba siya kay Ethan? Niloloko niya lang ba ang sarili na nakakatulong sa lalaki kahit na paano?
"This is too easy," narinig niyang wika ni Ethan.
"Yes, it is," pagsang-ayon naman ni Mitchel. "Base sa pagkatao ni Frank Rodriguez, hindi siya ang taong susuko kaagad. At sa nakikita ko sa mga mata niya kanina, hindi pa siya tuluyang sumusuko. He's playing a game with us. It's as if he knew this is going to happen. Na para bang kasama na sa plano niya ang hayaang mahuli ng mga awtoridad, ang umamin."
"Bakit?" tanong ni Paul. "Imposibleng magawa niya pa ang misyong sinasabi niya ngayon."
"Paano kung mayroon siyang accomplice?" tanong ni Mitchel. "Na magpapatuloy ng kanyang nasimulan?"
Kumunot ang noo ni Jemimah, higit pang nagtaka nang mapatingin sa kanya ang mga ito. "I-iniisip n'yo ba na si... si Alexa ang accomplice niya? H-hindi... imposible. Hindi alam ni Alexa ang lahat ng ito."
"It's a possibility," wika naman ni Ethan.
Napatingin siya sa binata, nakaramdam ng kalungkutan pero pilit na hindi ipinapahalata iyon. Hindi niya gustong isipin na may kinalaman pa rin si Alexa sa kasong ito. Hindi niya nais makita ang isa sa mga kaibigan sa likod ng rehas.
"Pero base sa mga inaakto ni Frank tuwing mababanggit ang pangalan ni Alexa, hindi niya gustong masaktan ang babaeng 'yon," pagpapatuloy ni Ethan. "He will never let her beloved woman to rot in jail just like him."
Tumingin sa kanya si Ethan at nagsalubong ang kanilang mga mata. Pakiramdam ni Jemimah ay biglang may humaplos na malalambot na kamay sa kanyang puso. He was trying to make her feel good with those words, she could sense that. At gusto niyang magpasalamat dito.
"Pero kailangan pa rin nating pabantayan si Alexa," dugtong ni Ethan. "Para na rin masiguro ang kaligtasan niya."
Tumango naman si Jemimah. "Pupuntahan ko na rin siya mamaya para ipaliwanag ang nangyari." Alam niyang masasaktan si Alexa sa sasabihin pero kailangan nitong malaman ang buong katotohanan.
"Sasamahan na kita," sabi naman ni Ethan.
"Kami na ni Paul ang pupunta sa condominium place ni Frank Rodriguez para hanapin ang murder weapon na sinasabi niya," sabi naman ni Mitchel. "Titingnan din namin kung may makukuha kaming lead na makakapagturo kung sino ang huling target."
HINDI makatingin ni Jemimah sa kaibigang si Alexa na umiiyak sa harapan nila matapos sabihin dito ang buong katotohanan sa pag-aresto sa nobyong si Frank. Ang totoo ay wala masyadong nasabi si Jemimah, nagpapasalamat siya dahil naroroon si Ethan para tumulong sa kanya.
"N-no... no... t-this is not true," hikbi ni Alexa. "H-hindi masamang tao si Frank. H-hindi masamang tao ang papa ko. Jem... sabihin mong hindi totoo ang lahat ng 'to. Sabihin mong nagsisinungaling lang kayo."
Higit na iniyuko ni Jemimah ang ulo. "I... I'm sorry," nawika niya na lamang, bahagya pang pumiyok.
"Bakit?!" Napahagulhol na ng malakas si Alexa. "Bakit kailangan sirain n'yo ang buhay ko?! M-masaya na ako... m-masaya na kami..."
"Hindi kami ang sumira sa kasiyahang 'yan, Ms. Rodriguez," sabi naman ni Ethan. "Ginagawa lang namin ang—"
"Leave," mariing putol ni Alexa sa sinasabi ni Ethan. "Gusto kong mapag-isa. Parang-awa n'yo na, umalis na kayo."
Tiningnan ni Jemimah si Ethan at bahagyang tinanguan ito. Nang makatayo na sila ay sandali niyang pinagmasdan si Alexa, nasa mukha ng kaibigan ang matinding sakit, kalungkutan. "Take good care of yourself, Alexa," mahinang wika niya. "Tandaan mo na nandito lang ako kung... kung kailangan mo ng kausap."
Hindi naman tumugon si Alexa kaya minabuti niya nang sumunod kay Ethan palabas. Habang nasa biyahe, walang salitang namutawi sa kanyang mga labi. Nakatitig lamang si Jemimah sa bintana na nasa labas. This was a very long day for them. Nahuli nga nila ang serial killer na hinahanap pero bakit tila napakabigat pa rin ng kanyang damdamin.
Napatingin si Jemimah sa driver's side na kinaroroonan ni Ethan nang itigil nito ang sasakyan sa gilid ng daan. Madilim na ang paligid at hindi naman ganoon karami ang mga sasakyang dumaraan.
Tumingin sa kanya si Ethan. "Ayos ka lang ba, Jemimah?" tanong nito. "Kanina ka pang hindi nagsasalita."
Iniiwas niya ang tingin sa binata. "I... I don't know..." bulong ni Jemimah. "Hindi ko maintindihan kung bakit kanina pa akong ganito. S-siguro dahil kay Alexa... dahil kay Frank..."
"Mahirap tanggapin ang lahat ng ito," ani Ethan. "Maging ako, naguguluhan pa rin. Hindi ko alam kung sino ang dapat kampihan. Hindi ko alam na tama bang parusahan si Frank na naging biktima ng isang masamang nakaraan. Pero iyon ang dapat gawin. He needs to be punished."
"Alam ko 'yon," tugon niya. "I just... don't understand this world until now. There are lots of monsters with friendly outward appearance. Akala ko noong una mabuting tao si Frank... a-akala ko mapapasaya niya na ng lubusan si Alexa." Hindi na napigilan ni Jemimah ang pagtulo ng mga luha.
Wala siyang narinig na salita mula kay Ethan sa loob ng ilang sandali. Hanggang sa maramdaman na lang ni Jemimah ang isang kamay ng lalaki na pumapahid sa kanyang mga luha. Napatingin na siya dito at nasalubong ang asul na mga mata. Hindi man ito magsalita ay alam niyang pinipilit nitong magpaabot ng comfort para sa kanya.
Hinawakan ni Jemimah ang kamay ng binata na nasa pisngi, nakatitig sa mga mata nito. His blue eyes were the most mesmerizing eyes she had ever seen. Kahit sa simpleng pagtitig lamang nito ay nababawasan na ang bigat sa kanyang puso.
"I'm sorry," wika niya, iyon ang ibinubulong ng puso. "H-hindi ko alam kung gaano kasakit ang pinagdaraanan mo hanggang ngayon, Ethan. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ako." Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin si Jemimah ng sinabi ni Frank kanina patungkol sa mga katulad nitong may masakit na nakaraan.
Bumuntong-hininga si Ethan. Ibinaba nito ang kamay para pagsiklupin ang kanilang mga palad. "Hindi mo kailangang maintindihan ng husto, Jemimah. Huwag mong isipin na wala kang naitutulong." Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay. "Stay with me, that's enough."
Nangilid na naman ang mga luha ni Jemimah. "You know I will always do that, Ethan. Hindi ko maipapangako na mababawasan ko ang sakit sa puso mo pero maipapangako kong gagawin ko ang lahat para mapasaya ka." Gagawin ko ang lahat para maiwasan na mapatulad ka kay Frank. I won't let you become a monster, Ethan.
Nakita niya ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi ni Ethan. Hindi napaghandaan ni Jemimah ang ngiting iyon kaya biglaan ang pagtalon ng puso. She couldn't control her own emotions every time he smiled like that. Bahagya niyang iniiwas ang tingin upang hindi makita ng binata ang nararamdaman. Hanggang ngayon nahihiya pa rin siya tuwing makakaharap ito ng ganito. But she liked it.
Itinaas ni Ethan ang kamay niyang hawak nito para dalhin sa mga labi at dampian ng halik ang likod ng kanyang palad. Gulat na napatingin si Jemimah dito. Her heart thundered in her chest. Hindi niya maialis ang mga mata sa mga labi ng binata na nasa kamay.
She wanted to feel those lips on her lips again. Napalunok si Jemimah nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan. Ano ba itong nangyayari sa kanya? She never felt this kind of wanting to be kissed before. Masyado na ba talagang matagal na wala siyang nakarelasyon?
Higit na bumilis ang tibok ng puso ni Jemimah nang salubungin ni Ethan ang kanyang tingin. His eyes smoldered as he stared at her. Gusto niya sanang iiwas ang tingin pero huli na. Nabasa na ng binata ang nais ng kanyang puso.
"I won't kiss you again until you ask for it, Jemimah," bulong ni Ethan sa medyo magaspang na tinig.
Nanlaki ang mga mata ni Jemimah. Gusto niyang paganahin ang isipan subalit mas malakas ang pagnanais ng puso na muling matikman ang mga labi ng binata. Wala namang masama kung pakikinggan niya ang puso. They were already dating and kissing him was not wrong.
"I..." pagsisimula ni Jemimah sa nanginginig na tinig. "I... w-want you to... kiss me, Ethan." Gusto niyang maglahong parang bula nang banggitin ang mga salitang iyon.
Kitang-kita ang pagkislap ng mga mata ni Ethan. Ilang sandali nitong pinagmasdan ang kanyang mukha bago itinuon ang paningin sa kanyang mga labi.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ni Jemimah nang dahan-dahang bumaba ang mukha ni Ethan palapit sa kanya. Her eyes automatically closed as his lips touched hers once more. Sabay pa silang napaungol. His lips were warm, bringing a different kind of joy in her heart.
Ethan kissed her gently, making her heart flutter in her chest. Ilang saglit lang ay unti-unti nang tumutugon si Jemimah ng halik. Hanggang sa maramdaman niya ang dalawang kamay ng binata sa magkabilang mukha para palalimin ang halik na kanilang pinagsasaluhan.
He moaned inside her mouth. Jemimah voluntarily opened her mouth to let his warm tongue slip inside, dance with hers. She shivered at the sensation of it. Ang kanyang mga kamay ay kusang gumalaw para lumapat sa katawan ni Ethan, patungo sa mga balikat nito para kumapit.
She sighed at the feel of his hardness under her palms. Unfamiliar heat was slowly conquering her whole being, and it felt good. Mahabang sandaling nagpatuloy lamang sila sa mainit na paghahalikan ni Ethan.
He sipped on her lower lip and gently bit it. Jemimah whimpered as she felt slight pain but she didn't mind. Napaungol siya ng protesta nang bahagyang inilayo ni Ethan ang mga labi. Pareho na silang naghahabol ng hininga.
Iminulat niya ang mga mata at nasalubong ang nagbabagang tingin ni Ethan. Kahit air-conditioned ang buong sasakyan, tila tinutupok sila ng lumalagablab na apoy.
Ethan lightly traced her lower lip with his thumb. Bahagyang napangiwi si Jemimah nang makaramdam ng mumunting hapdi. "I should stop," bulong ng binata sa magaspang na tinig. "Dapat kong kontrolin ang sarili ko para hindi ka masaktan."
Tumango na lamang si Jemimah kahit ang nais ng puso ay patuloy lamang mahagkan ang lalaki. Sinubukan niyang lumayo kay Ethan pero hindi nagawa nang hapitin siya nito palapit para yakapin.
Muli, isinuko na naman ni Jemimah ang sarili sa init ng katawan ng binata. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito, ipinikit ang mga mata. His scent was enough to comfort her. Wala na siyang pakialam kahit na marinig pa nito ang malakas na tibok ng kanyang puso.
"Gusto mo bang manood ng movie minsan?" mayamaya ay narinig niyang tanong ni Ethan. "Sa sinehan?"
Tumingala siya sa lalaki at hindi napigilan ang mapangiti. "Are you asking me out on a date, a formal date now?" pagbibiro niya pa, pilit itinatago sa pamamagitan niyon ang sayang nararamdaman.
Tumango si Ethan, nakatitig lamang sa kanyang mukha. "Though, hindi ko alam kung ano'ng klase ng movie ang gusto mong panoorin."
Mahinang napatawa si Jemimah bago ibinalik ang pagkakasubsob ng mukha sa leeg ng binata. "Kahit ano," tugon niya. Wala na namang halaga iyon basta't kasama niya si Ethan.
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)  

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now