Chapter 16

2.9K 105 1
                                    

Chapter 16
Jemimah Remington
“BASE po sa nalaman ko, magkakilala sina David Escartin at Joey Levin,” report sa kanila ni Douglas habang hawak-hawak ang isang folder. Naroroon sila sa penthouse ni Ethan nang araw na iyon. “Ang sabi ng asawa ni Levin na si Miss Angelica ay minsang nakita niya si Escartin na nagpunta sa bahay nila sa Cavite. Hindi lang daw niya alam kung ano'ng pinag-usapan ng dalawa dahil closed-door meeting daw iyon.”
“So there’s a link between those two,” wika ni Paul. “Si Clark Lumanglas? Hindi ba nakita ng asawa ni Levin?”
“Hindi raw po,” sagot ni Douglas. “Sa ngayon, ang may link pa lamang ay sina Escartin at Levin.”
“Bakit makikipagkita ang isang espesiyalista sa isang mayor?” tanong naman ni Mitchel. “Ilang beses ba raw nakita ni Mrs. Levin si Escartin sa bahay nila?”
“Isang beses lang daw po,” ani Douglas. “At iyon ay bago namatay si Escartin. Base rin po sa pakikipag-usap ko kay Mrs. Levin, simula raw po nang mamatay si Escartin, naging balisa na raw ang asawa niya.”
“Ibig sabihin may kinatatakutan sila,” wika ni Paul. “At malamang na kilala nila kung sino iyon. Ano sa tingin mo, Jemimah?”
Napatingin si Jemimah sa lalaki. Kanina pa siyang nakikinig lamang dahil iniiwasan ang magsalita. Iniiwasan niya ring mapatingin sa kinauupuan ni Ethan. Simula pa kanina nang dumating siya rito ay hindi pinag-ukulan ng pansin ang lalaki.
“May problema ka ba?” tanong ni Paul sa nag-aalalang tinig. “Kanina ka pang hindi nagsasalita.”
“W-wala naman,” pagsisinungaling niya. Tiningnan niya si Douglas. “Posibleng may koneksiyon din sina Escartin at Levin sa isa pa nating biktima na si Lumanglas.”
“Susubukan ko pong makahanap ng link sa kanila,” sabi pa ni Douglas.
Ngumiti si Jemimah. “Salamat, Douglas.” Napatingin siya sa cell phone niya nang marinig ang pagtunog niyon. Inabot niya ang aparato bago nag-excuse sa mga kasamahan para sagutin ang tawag.
Tawag iyon mula sa isa sa mga pulis na pinagbabantay nila sa warehouse na crime scene. “Jake, may problema ba?” tanong ni Jemimah.
“Inspector, mayroon po kasing isang sasakyan na kanina pang nakaparada hindi kalayuan sa warehouse na 'to. Tinted po ang salamin kaya hindi namin alam kung may tao sa loob.”
“Hindi ba nakaparada lang 'yan?”
“Hindi po namin nakita na may lumabas kanina,” ani Jake.
“Okay, hintayin niyo lang ako. Kapag umalis ang sasakyan na 'yan, sundan niyo,” utos pa ni Jemimah.
Pagkatapos ng tawag, muli na siyang bumalik sa kinaroroonan ng mga kasamahan para sabihin ang balitang natanggap. “Pupunta ako doon ngayon para makasigurado,” aniya.
“Sasamahan na kita,” alok pa ni Paul.
“Hindi na,” mabilis na tanggi ni Jemimah. “Kaya ko namang mag-isa at may mga pulis din naman doon.”
Wala na namang nagawa ang lalaki nang lumakad na siya palabas ng penthouse. Gusto niya ring makalanghap ng sariwang hangin kahit sandali. She felt suffocated being in the same room with Ethan. She felt awkward. Gusto man niya itong lapitan at kausapin pero paulit-ulit pa rin sa kanyang isipan ang sinabi ng binata na hindi nito hiniling na ituring nila itong kaibigan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, nakakaramdam siya ng kalungkutan dahil doon subalit pilit na lamang na binabalewala.

A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now