Chapter 51

8.8K 174 24
                                    

Chapter 51
Jemimah Remington
“COLD EYES,” wika ni Jemimah kina Paul, Mitchel at Douglas na nakaupo kasama niya sa loob ng opisina ng SCIU Headquarters. “Iyon ang naisip kong ipangalan sa team natin. We have cold eyes that will bring killers behind bars.” Ang totoo, matagal niya nang naisip iyon para ipangalan sa kanilang team. The cold eyes of Ethan when they first met would never leave her mind. Doon nagsimula ang lahat.
“Cold Eyes?” ulit ni Mitchel. “Bakit hindi na lang ‘Handsome and Hot Team’?” suhestiyon pa nito.
Tiningnan niya ng masama ang lalaki. “Hindi tayo gumagawa ng isang group sa Facebook, Mitchel.”
Umismid si Mitchel. “I am not cold. I am hot,” pagmamayabang pa nito.
“Mitchel.” Pinanlakihan ni Jemimah ng mga mata ang binata. Sa loob ng ilang buwan nilang magkakasama, mas lalo 'atang sumosobra ang kayabangan ng lalaking ito.
“Alright. Alright,” pagsuko ni Mitchel. “Alam ko na si Ethan ang dahilan kaya iyan ang gusto mong ipangalan sa team. Si Ethan lang ang may malamig na mga mata noong unang magkakilala tayo. He's the only one who has blue eyes in our team, you know? Huwag ka nga masyadong obvious.”
Pinamulahan ng mukha si Jemimah. Sinulyapan niya ang iba pang kasama. Si Douglas ay nakangiti lamang habang nakikinig, si Paul naman ay seryoso ang mukha.
“You have a favoritism, Team Leader,” naiiling pang dugtong ni Mitchel. “Hindi naman dahil boyfriend mo si Ethan ay paborito mo na siya.”
Higit na tumingkad ang pamumula ng kanyang mukha. “H-how... I—” Naiinis na napabuntong-hininga si Jemimah, hindi alam kung ano ang sasabihin.
Ngumisi si Mitchel. “Nabanggit sa akin ni Theia na nakita niya kayong magka-date,” anito. “Hindi niya alam na hindi niyo pa rin sinasabi sa amin. But honestly, you two are very obvious. Halos hindi na kayo maghiwalay tuwing magkakasama tayo.”
Iniyuko ni Jemimah ang ulo. “P-plano naman naming... s-sabihin sa inyo.”
“Kailan pa po kayo magkarelasyon ni Sir Ethan, Inspector?” tanong naman ni Douglas, may hindi maitatagong pagkasabik sa tono.
Humugot muna ng malalim na hininga si Jemimah. “W-we started dating more than... more than five months now.”
“Masaya po ako para sa inyo, Inspector,” ani pa ni Douglas. “Bagay na bagay kayong dalawa.”
Tiningnan niya ang lalaki. “Ilang beses ko bang sasabihin na tanggalin mo na ang formality kapag nakikipag-usap sa amin, Douglas. We are a team, be comfortable.”
Nahihiyang ngumiti si Douglas. “S-susubukan ko po.”
Naiiling na lang na napatawa si Jemimah. Inilipat niya ang tingin kay Paul at bahagya pang nagtaka dahil nakatitig lamang ito sa kawalan, medyo madilim ang mukha. Akmang tatanungin niya kung may problema ba ito nang muling magsalita si Mitchel.
“Masaya rin ako para sa inyo, Jemimah,” anito. “Nakita kong may nagbago kay Ethan nitong nakaraang mga buwan. He seems eager to socialize now, as long as you’re there. Kung may makakapagpabago man sa kanya, sigurado akong ikaw 'yon.”
Nginitian lamang ni Jemimah ang lalaki. Hindi niya gustong pilitin na magbago si Ethan. Gusto niya ang lalaki sa kung anumang karakter mayro'n ito ngayon. She just wanted him to be happy, to enjoy this life and keep on living.
Sabay-sabay silang napatingin kay Paul nang bigla itong tumayo sa kinauupuan. “May importante pa pala akong client na kakausapin,” anito. “Maiwan ko na muna kayo.”
Tatayo pa sana si Jemimah para habulin si Paul nang lumakad ito paalis pero napigilan na ni Mitchel ang kanyang braso.
“Let him,” ani Mitchel. “Naalala mo naman ang sinabi ko, 'di ba?”
Tiningnan ni Jemimah ang lalaki. Naalala niya nang sabihin ni Mitchel na may gusto si Paul sa kanya. Totoo ba iyon? Iniiling niya ang ulo. No, imposible. Magkaibigan lamang ang turingan nila ni Paul.
Pero paano kung sakaling tama ang hinala ni Mitchel? Ano nang gagawin niya? Paano niya ito haharapin? Baka mas higit na hindi magkasundo sina Paul at Ethan.
Napatigil siya sa pag-iisip nang makarinig ng pagkatok mula sa pinto. Lahat sila ay napatayo nang makita ang pagpasok ni Director Morales, may kasama itong isang babae, ganoon din ang Chief ng SCIU na si Ricardo de Chavez.
“Nakita ko si Paul na lumabas, may problema ba dito?” tanong ni Director Morales.
“W-wala naman po,” sagot ni Jemimah. “May kailangan po ba kayo, Director?”
Tumikhim muna ang direktor bago tiningnan ang mga kasama. “Gusto kong ipakilala sa inyo ang magiging bagong miyembro ng team na ito, si Lily Martinez. The Chairman ordered her to join this team.”
Hindi naitago ni Jemimah ang pagkagulat. Isang bagong miyembro para sa kanilang team? Bakit biglaan naman 'ata iyon? Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng babaeng tinawag na Lily.
Lily was beautiful, tall and sexy. Nakasuot ito ng white blouse na hapit sa magandang hubog ng katawan, na tinernuhan ng itim na paldang hanggang tuhod ang haba. Curly din ang mahaba nitong buhok, bumagay sa maganda at maamong mukha.
“Kayo na ang bahala sa kanya,” pagtatapos ni Director Morales bago lumabas, kasunod lamang si Chief de Chavez. Hindi napalampas ni Jemimah ang pagngisi ni Chief de Chavez sa kanila.
Ibinalik niya ang tingin sa kinatatayuan ni Lily nang lumapit doon si Mitchel.
“Hi, beautiful,” wika ni Mitchel sa tonong ginagamit tuwing nang-aakit ng babae. “Welcome to this team. Gusto mo bang ako ang maging personal guard mo dito?”
Nginitian lamang naman ito ni Lily bago tumingin sa kanya. Lumakad ito palapit. “You must be Inspector Jemimah Remington,” she said in a sweet tone. “Ang Team Leader dito.” Inilahad nito ang isang kamay. “It’s nice to finally meet you. Napakarami kong narinig tungkol sa'yo. Bago ka pa lang sa SCIU pero pinagkatiwalaan ka na kaagad ng Director. You must be very good.”
Nag-aalangang tinanggap ni Jemimah ang pakikipagkamay ng babae. “I am not. Isa kaming team dito, kaming lahat ang nagtutulong-tulong para sa kasong hinahawakan namin.”
Tumango-tango si Lily bago inabala na ang sarili sa pagtitingin-tingin sa loob ng opisina. “You have five members in this team, I’m the sixth. Narinig ko rin na hindi kayo dito madalas naguusap-usap.” Tumingin ito sa kanya. “Sa bahay ng isa pa ninyong miyembro na hindi naman nagtatrabaho dito sa SCIU, si Private Detective Ethan Maxwell.”
“Kung gusto mo siyang makilala, sumama ka na lang sa amin dahil plano naming magpunta doon ngayong araw,” wika ni Mitchel sa tinatamad na boses. “Wala naman kaming itinatago sa lugar na iyon kaya ayos lang na magpunta ka.”
Biglang nagtaka si Jemimah sa pagbabago ng pakikitungo ni Mitchel sa babae.
“Hindi ko alam kung ano'ng ibig mong sabihin,” ani Lily, nakatingin na kay Mitchel. “Sinasabi ko lang ang mga narinig ko.”
Ngumisi si Mitchel. “Stop acting like you’re really here for this team, Miss Martinez. Kilala kita. You are from Internal Affairs. Siguradong naririto ka para alamin kung may ginagawa ba kaming mali sa team na ito.”
Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Lily, iniiwas nito ang tingin kay Mitchel.
“Biglaan ang pagbuo ni Director Morales sa team na 'to,” dagdag pa ni Mitchel. “Kaya maraming mga empleyado ng SCIU ang nagtataka, nagdududa, lalo na si Chief Ricardo de Chavez. Gusto niyang pumalit bilang direktor kaya humahanap siya ng maaaring isira sa team na binuo ni Director Morales. That’s why he asked the Internal Affairs to put one of you here, right? Pero walang mangyayari dahil wala naman kaming ginagawang mali. Isa lang din kami sa mga crime investigation teams dito sa SCIU. Only that we are going to be the best team in here.”
Ibinalik ni Lily ang tingin kay Mitchel, ngumiti. “Paano mo naman nalaman ang lahat ng iyan, Mr. Ramos?”
“I’ve profiled all of you and I did some research as well before entering this agency,” puno ng pagmamalaking sagot ni Mitchel. “Hindi naman mahirap alamin ang karakter ni Chief de Chavez. Isa siya sa mga greedy employees na nagtatrabaho sa ahensyang ito. And you? I’ve seen you a few times, sweetie. I am one of the most in demand profiler in town, not to mention the most handsome one. Ilang beses nang kinailangan ang tulong ko sa Internal Affairs.”
Napabuntong-hininga si Lily. “Well then, hindi ko na pala kailangan pang mag-aksayang ipakilala ang sarili ko.” Ibinalik nito ang tingin kay Jemimah. “Wala namang magiging problema na maging miyembro ako ng team na 'to kung wala kayong itinatago, 'di ba? Hindi ko rin naman kilala si Chief de Chavez para tulungan siyang sirain ang team na ito. I’m here to work and that’s just it.”
Tumango-tango naman si Jemimah. “Wala namang masama na maging parte ka ng team,” aniya. “Welcome, Miss Martinez.” A new team member wouldn’t hurt. Pero kung nagtatrabaho ito sa Internal Affairs, dapat pa rin nilang mag-ingat. Lalo na kapag patungkol kay Ethan o hindi kaya ay ang paghingi nila ng tulong kay Theia.
KITANG-KITA ni Jemimah ang pagkunot ng noo ni Ethan nang makita si Lily na kasama nilang pumasok sa loob ng penthouse nito nang hapong iyon. Si Mitchel na ang nagpakilala sa dalawa at nagpaliwanag ng mga naganap kanina sa headquarters.
“I’m Lily Martinez,” pagpapakilala ng babae sa medyo malambing na tinig, hindi maialis ang tingin kay Ethan. “I’ve been wanting to meet you, Detective. I hope we can work well, too.” Inilahad nito ang isang kamay.
Tiningnan lamang ni Ethan ang kamay ng babae pero hindi tinanggap. “I don’t work well with people from Internal Affairs,” sabi nito.
“It doesn’t matter,” nakangiting wika ni Lily. “Lahat naman ay nagbabago, maging ang mga first impressions.”
Hindi naman tumugon si Ethan at minabuting maupo na sa couch na naroroon. Sumunod naman sila.
Nakaramdam pa ng pagkainis si Jemimah nang tumabi si Lily kay Ethan. Habang idini-discuss ni Douglas ang panibagong kasong hawak nila, ang kanyang atensyon ay nakatuon lamang sa babae na nagtatanong ng kung anu-ano kay Ethan.
That woman was obviously flirting with Ethan. Hindi napalampas ni Jemimah ang pasimpleng paghawak-hawak nito sa braso ng nobyo, maging ang kakaibang ningning sa mga mata.
Kahit na hindi naman pinag-uukulan ng pansin ni Ethan ang babae, hindi pa rin niya mapigilan ang makaramdam ng pagseselos. Why was she being possessive now? Hindi na ito tama.
Hanggang sa matapos si Douglas, walang naintindihan si Jemimah. Re-review’hin niya na lamang sa apartment ang mga reports na iyon. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo para magtungo sa kusina at humanap ng maiinom. Gusto niyang alisin ang inis sa puso.
Habang naghahanap ng maaaring inumin sa fridge, nagulat si Jemimah nang biglang may humanggit sa braso. Nakita niya si Ethan, seryoso ang mukha.
Hinila siya ng binata patungo sa kuwarto nito bago isinara ang pinto. “Bakit hindi ka man lang lumapit sa akin?” tanong ni Ethan.
Tiningnan niya ito ng masama. “Paano ako lalapit kung may ibang babaeng nakatabi sa'yo?” Hindi na napigilan ni Jemimah ang inis sa tono.
Nagsalubong ang mga kilay ni Ethan. “Sino? Ang babaeng iyon na hindi ko maalala ang pangalan?”
Kinagat ni Jemimah ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapatawa. Naiinis pa rin siya sa lalaki. “Hinahayaan mo lang naman siya na hawak-hawakan ka, 'di ba?”
Naningkit ang mga mata ng nobyo, may naglalaro ng ngiti sa mga labi. “Nagseselos ka ba sa kanya?”
Nanlaki ang mga mata niya. “H-hindi ah,” pagsisinungaling pa ni Jemimah. “B-bakit naman... bakit naman ako magseselos sa babaeng 'yon?”
Marahan siyang itinulak ni Ethan pasandal sa nakasarang pinto. “Wala ka namang dapat ipagselos, Jemimah,” seryosong bulong nito. “Ikaw na lang ang babaeng titingnan ko. Kahit linta pa ang lumapit, wala siyang masisipsip sa akin.”
Hindi na napigilan ni Jemimah ang mapatawa ng malakas. “Ano ba namang klaseng comparison 'yan?” naiiling na wika niya. This man was funny at times. Sa loob ng ilang buwan na kasama ang nobyo, napatunayan niyang hindi ito boring companion. And he was also a man of his words, a man of honor.
Itinaas ni Ethan ang isang kamay para haplusin ang kanyang pisngi, lumamlam na ang mga matang nakatitig sa kanya. “I like it every time you laugh,” anas nito.
Jemimah’s heart thundered in her chest. Bumagal ang kanyang paghinga nang unti-unting bumaba ang mukha ng nobyo palapit sa kanya.
She closed her eyes automatically when his warm lips touched hers. It was supposed to be a gentle, quick kiss but when she kissed him back, Ethan lost his control.
Hinapit ng isa nitong kamay ang kanyang baywang para pagdikitin ang kanilang mga katawan, kasabay ng pagpapalalim sa halik na pinagsasaluhan.
Napaungol si Jemimah, ang mga kamay ay nangunyapit sa leeg ng binata. Her breasts were pinned so hard in his chest, they could feel each other’s heartbeat. Mahabang sandaling naghinang ang kanilang mga labi sa mainit na halik, tila ba walang ibang tao sa penthouse na iyon.
Bahagya lamang iyong naglayo para lumanghap ng hangin bago muling nagtagpo. Their tongues met, Jemimah shivered in delight. Oh, how she wanted to stay like this with him at all time. Kung maaari lang na gumawa sila ng sariling mundo at magkulong doon.
“I’ve missed you,” narinig niyang anas ni Ethan sa loob ng bibig. Ibinaba nito ang mga labi patungo sa kanyang leeg.
The stubbles from his jaw was tickling her. She could feel something warm building in her womb and she liked it. Pero kailangang paganahin ni Jemimah ang isipan. Kailangan nilang kontrolin ang sarili.
Humugot siya ng malalim na hininga bago bahagyang inilayo ang mukha sa mukha ng nobyo. Ilang sandaling nagtitigan lamang sila.
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Ethan na nakapagpatalon na naman sa puso ni Jemimah. Oh, how she loved those sudden smiles from him.
Itinaas niya ang dalawang kamay para ikulong ang mukha ng lalaki doon. Tinitigan ni Jemimah ang asul na mga mata ni Ethan at hindi na napigilan ang pangingilid ng mga luha. She didn’t just like this man. She didn’t just want him.
There was something more – a deeper feeling that she didn’t want to recognize but it kept on filling her whole heart, her whole being. She loved this man in front of her. She loved Ethan Maxwell. At lihim na humihiling si Jemimah sa Diyos na huwag hahayaang mawala ang lalaki sa buhay... na hayaan lamang itong manatili sa tabi niya hanggang sa huling hininga.
WAKAS
A/N: Thanks so much for reading CES1 until here. Kung gusto niyo pong malaman ang sunod na mangyayari sa Cold Eyes Team, available pa po ang buong Cold Eyes Saga sa lahat ng Precious Pages Bookstores and National Book Stores nationwide. Thanks so much for the support. Please keep on supporting Precious Pages. God bless everyone.
COLD EYES SAGA (Available in all Precious Pages Bookstores and National Bookstores)
COLD EYES SAGA 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages) – Php 179.00
COLD EYES SAGA 2: One Heart, Two Hearts (512 pages) – Php 179.00
COLD EYES SAGA 3: There Will Be More Blood (512 pages) – Php 179.00
COLD EYES SAGA 4: The Hunter And The Hunted (512 pages) – Php 179.00
COLD EYES SAGA 5: Bury The Hatchet (640 pages) – Php 219.00
You can also buy the books/ebooks online, you can find the link on my profile here on wattpad. :D Add me on Facebook: Venice Jacobs. Thank you. ^^

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora