Chapter 43

2.7K 103 1
                                    

Ethan Maxwell
IPINASOK ni Ethan sa loob ng sariling sasakyan ang lahat ng mga nakuhang researches tungkol sa Destroyer na nanggaling sa secret room ng condominium unit ni Frank Rodriguez. Nang makarating siya doon kanina ay agad na hinanap ang lahat ng sinabi ni Frank. Hindi niya inaasahan na napakarami na rin palang nahanap ng lalaki patungkol sa Destroyer, pag-aaralan niya ang lahat ng mga iyon sa kanyang penthouse.
Pagkapasok sa loob ng driver's seat, agad na inabot ni Ethan ang cell phone na nasa compartment. Naiwan niya iyon dito kanina. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang ilang missed calls na nanggaling kay Mitchel.
Tinawagan niya ang lalaki. Ilang ring lang naman ay sumagot na si Mitchel.
"Pare," bungad ni Mitchel sa kabilang linya, may mahihimigang pag-aalala dito. "Nasaan ka ba? Kanina pa kitang tinatawagan."
"May nangyari ba?" ganting tanong ni Ethan. "Si Jemimah?"
Ilang sandaling natahimik si Mitchel. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Something bad happened, Ethan."
Bumalot ang hindi maipaliwanag na takot sa puso ni Ethan. "A-ano'ng nangyari? Nasaan kayo? Nasaan si Jemimah?" sunod-sunod na tanong niya.
Sinabi sa kanya ni Mitchel ang pangalan ng ospital na kinaroroonan ng mga ito. Ikinuwento rin ng lalaki sa mabilis na paraan ang nangyari sa headquarters ng SCIU kanina.
"Chad Remington is already dead," malungkot na pagpapatuloy ni Mitchel. "He was shot four times."
Humigpit ang pagkakahawak ni Ethan sa cell phone. Animo may pumipiga rin sa kanyang puso sa narinig. Jemimah's father died and he was not there to be with her.
"Nagkamalay na si Jemimah," dugtong pa ni Mitchel. "But she's still in shock. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari."
Tinapos na ni Ethan ang tawag at mabilis na pinaharurot ang sasakyan patungo sa ospital na kinaroroonan ng mga ito. Paulit-ulit niya lang na minumura ang sarili sa isipan.
Alam niya kung gaano kahirap, kasakit ang mawalan ng miyembro ng pamilya. And Jemimah witnessed the death of his father. She was in deep pain and he needed to be with her.
Pagkarating sa ospital, agad na hinanap ni Ethan ang hospital room ni Jemimah. Nasalubong niya si Mitchel na nagulat pagkakita sa kanya, kasama nito ang isang pulis.
"Ethan," bati sa kanya ni Mitchel. "Wala sa loob si Jemimah. Nasa morgue siya. Puntahan mo na lang doon, tatawagan ko pa ang pamilya niya."
Tumango siya bago nagmamadaling tinungo ang kinaroroonan ng morgue. Gusto niya nang makita si Jemimah, makita ng sariling mga mata ang kalagayan nito.
Napatigil si Ethan sa paghakbang nang makita sa labas ng pinto ng morgue si Jemimah. Inaalalayan ang dalaga ni Paul, patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamao, hindi matingnan ng matagal ang paghihirap na nasa mukha ng babae. He had never seen that kind of sadness in her before and it was breaking his heart into tiny pieces.
Ethan never wanted to see her in pain, to see her suffer. Nais niya itong i-comfort katulad ng ginagawa ng babae sa kanya tuwing nakakaramdam ng kalungkutan, pero hindi niya magawa ngayon. Hindi siya makalapit dito.
He should have been there with her when this happened. He should have stayed with her. Pero ano'ng ginawa niya? Mas pinili niyang magsarili, iwanan ang babae.
Iniiwas ni Ethan ang tingin nang makita ang pagyakap ni Paul kay Jemimah. He should be the one doing that. He should be the one comforting her.
Tumalikod na siya at minabuting lumakad palayo. Bawat paghakbang palayo kay Jemimah ay higit na nadaragdagan ang hapdi sa kanyang puso. Gusto niya itong lapitan pero hindi alam kung iyon ba ang nais ng dalaga.
How could he be so selfish and leave Jemimah alone? Damn him! Hindi dapat siya lumayo sa tabi nito. Hindi niya dapat hinayaang masaktan ito.
Napatigil siya sa paglalakad nang masalubong uli si Mitchel, nakakunot na ang noo nito.
"Nakita mo ba sina Jemimah?" tanong ng lalaki.
"Nasaan si Frank Rodriguez?" Sa halip na sagutin ang tanong ay ginantihan lamang ni Ethan ng isa pang tanong.
"Nakakulong siya ngayon sa police department sa Quezon City," sagot ni Mitchel. Humugot ng malalim na hininga ang lalaki, animo pagod na pagod na. "Jemimah's father was the last target. Siya ang kasamahan nina John Rodriguez, siya ang kumukuha ng mga larawan noon."
Nag-igting ang mga bagang ni Ethan. Frank Rodriguez had been playing with them all along. Imposibleng hindi nito alam na ama ni Jemimah ang huling target nitong si Chad Remington.
"Bakit nagpunta pa si Chad Remington sa SCIU kung alam niyang target siya ni Frank?" tanong niya. "Sigurado akong may hinala na siya kung sino si Frank Rodriguez at kung ano'ng nangyari sa mga dati niyang kaibigan."
"Frank Rodriguez is a kind of person who will plan everything ahead," ani Mitchel. "Sigurado ring hindi lang isang plano ang ginawa niya. He's a very smart man and he knows how to play with the circumstances. He must have planned all of this before. Dahil kung hindi ay hindi agad siya susuko ng ganoon kabilis sa atin."
"The only possibility is that Frank threatened Chad Remington," seryosong wika ni Ethan. "Ang tanging pagkakataon lang na mapapapunta niya sa headquarters si Chad Remington ay noong hilingin ni Rodriguez na makikipagusap siya sa kanyang lawyer."
Tumango-tango si Mitchel. "Kanina ay nagpunta si Chad Remington sa Headquarters bilang lawyer na tatayo kay Rodriguez."
"Sa headquarters siya tumawag nang araw na 'yon," ani pa ni Ethan. "Siguradong may recording 'yon. Pupunta ako sa HQ, kailangan ko rin ang mga gamit na nakuha kay Chad Remington, especially his phone. Posibleng matagal na siyang pinagbabantaan ni Rodriguez."
"Sige, pare," sagot ni Mitchel. "Isama mo na rin si Douglas para may makatulong ka. Kami na muna ang bahala dito ni Paul."
Hahakbang na sana palayo si Mitchel nang muli siyang magsalita. "Look out for Jemimah for me... please," bulong ni Ethan.
Muling tumingin sa kanya si Mitchel. "Hindi mo ba siya nilapitan kanina?" nagtatakang tanong nito.
"Kasama niya naman si Paul." Hindi napigilan ni Ethan ang bahagyang pait sa tinig.
Tinapik-tapik ni Mitchel ang kanyang balikat. "She needs you, I'm sure of that," mahinang wika ng lalaki.
Hindi naman na tumugon si Ethan. And I need her. Hindi ko hahayaang hindi makakapanagot ang mga taong mananakit sa kanya. Sa unang pagkakataon sa buhay, nagkaroon muli siya ng dahilan para lumaban, dahilan para ngumiti. At hindi niya mapapayagang may makapag-alis muli niyon sa kanya.
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now