Chapter 32

2.8K 91 0
                                    

Chapter 32
Jemimah Remington
SABAY na napatingin sina Jemimah at Ethan sa pinto ng opisina ni Frank Rodriguez nang magbukas iyon. Agad silang tumayo pagkapasok ni Frank. Kagagaling lang nito sa isang meeting.
“No, maupo lang kayo,” nakangiting bati ni Frank, may sinabi pa ito sa secretary na kasunod bago naupo sa couch na kaharap nila. “Inspector Remington, Detective Maxwell, hindi ko inaasahan ang pagbisita n'yo.”
“Pasensiya ka na kung naabala ka namin, Mr. Rodriguez,” pagsisimula ni Jemimah. “May ilan lang kaming katanungan sa'yo.”
Tumango-tango naman si Frank. Tumingin ito sa pinto nang pumasok uli doon ang secretary dala ang isang tray na may tatlong tasa ng kape. “Have some coffee, first,” alok pa ng lalaki.
Nagpasalamat si Jemimah dito. Nang makalabas na muli ang sekretarya ay nagsimula na siya sa pagtatanong. “We’re here to ask about your relationship with Alexa. Adopted brother ka niya at ngayon nga ay magka-relasyon na kayo. Ilang taon kang nanirahan sa bahay ng mga Rodriguez noon?”
Ilang sandaling napaisip si Frank. “Around five years?” sagot nito. “Hindi ko na masyadong maalala dahil sampung taong gulang pa lang ako nang ampunin ni... ng mga Rodriguez.”
“Kilalang-kilala mo ba talaga si Alexa? May nangyari ba sa bahay ng mga Rodriguez noong doon ka pa nakatira?” patuloy na pagtatanong ni Jemimah.
“Alexa is very precious to me simula pa noon,” puno ng kaseryusohang tugon ni Frank. “Wala naman akong napansin na kakaiba sa kanya ngayong muli kaming nagkita. She’s a very good person. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit napadawit siya sa kung anumang kasong iniimbestigahan n'yo.”
“Hindi ko rin naman siya gustong idawit.” Muli na namang lumukob ang kalungkutan sa puso ni Jemimah. “But it’s our job to question anyone who’s being suspicious.”
“Suspicious,” ulit ni Frank bago ngumisi. “Sinisigurado kong hindi si Alexa ang hinahanap n'yo. Hindi isang kriminal ang babaeng mahal ko.”
Pinakatitigan ni Jemimah ang lalaking kaharap. Hindi maitatanggi ang pagmamahal sa mga mata nito para sa kanyang kaibigan. But love could also make someone blind to faults.
Inilabas niya ang isang larawan – ang larawan ni Ramon Maranan. “Siya si Ramon Maranan, namatay siya sa isang hotel sa Quezon City. Nandoon ka nang inamin sa amin ni Alexa na kilala niya ang lalaking ito. Was it just a coincidence na sa hotel kung saan nakita ang bangkay ni Maranan ay doon din kayo nag-stay ni Alexa?”
Sandali lamang na sinulyapan ni Frank ang larawan bago seryosong tumingin sa kanya. “Is this an interrogation now, Inspector?” tanong nito. “Hindi ba dapat may standard procedure kayo sa mga ganyan?”
Seryosong tinitigan ni Jemimah ang lalaki. “Gusto ko lang malaman, Mr. Rodriguez,” ma-awtoridad na wika niya. “Hindi mo ba gustong mawala ang suspetsa namin kay Alexa?”
Ilang saglit na hindi nagsalita si Frank. Humugot ito ng malalim na hininga bago inabot ang tasa ng kape na nasa mesita para uminom. “Doon na talaga namin planong mag-celebrate ng Christmas holiday,” sagot nito. “Isang buwan na mula nang magpa-reserve kami doon. We never met that Maranan there. Madalas nasa kuwarto lang kaming dalawa ni Alexa.” Ngumisi pa ito.
Bahagyang natigilan si Jemimah. Sinundan niya ng tingin hanggang sa maipatong muli ni Frank ang tasa sa mesita. Inilipat niya ang tingin kay Ethan na nasa tabi at nakitang nakatitig lamang ito sa lalaking kaharap nila.
“Bakit ka umalis sa poder ng mga Rodriguez?” mayamaya ay tanong ni Ethan.
Tumingin si Frank sa lalaki. “Dahil gusto akong pag-aralin sa States ng isang kamag-anak. I want to succeed and be independent.”
Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Napatingin si Jemimah kay Ethan nang tumayo na ito. Sumunod na rin siya.
“Thank you for your cooperation, Mr. Rodriguez,” seryosong wika ni Ethan.
Tumayo naman si Frank at kinamayan silang dalawa. “Walang anuman,” anito. “I’m glad to be able to help.”
Nasa pinto na sila nang tumigil si Ethan para muling lumingon kay Frank. “Sinabi naman siguro sa'yo ni Miss Alexa na bubuksan uli namin ang kaso ng kanyang ama, 'di ba?” tanong nito.
Ngumiti si Frank bago tumango. “Sinabi ko sa kanya na magandang bagay iyon. Sana mahanap n'yo na ang kung sinomang pumatay sa kanya.”
“We’ll surely will,” ani Ethan. “Ngayon pa na may nahanap na kaming link na magdudugtong sa kanilang mga kaso.”
Lumawak ang pagkakangiti ni Frank bago sumulyap sa kanya. “See you again, Inspector,” sabi na lamang nito bilang pamamaalam.
Nang makalabas na sila ng building na iyon ay agad na dumeretso sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Si Ethan na ang umakong magmaneho, dadaan daw sila kina Theia para sa mga results ng ilang ebidensyang dinala dito.
“He’s left-handed,” mayamaya ay wika ni Jemimah, nakatingin sa unahan ng sasakyan. Ang tinutukoy ay si Frank Rodriguez. Kaya siya natigilan kanina habang umiinom ng kape si Frank ay dahil sa napansing left-handed ito.
“Napansin mo rin pala,” wika naman ni Ethan.
“Do you suspect him?” tanong niya, ibinaling na ang tingin sa binata. “Ngayon ko lang naalala na right-handed si Alexa. Hindi puwedeng siya ang serial killer na hinahanap natin kung pagbabasehan iyon.”
“I’m really doubting that your friend did this.” Sumulyap sa kanya si Ethan. “She’s involved in this investigation a few times, yes. Pero hindi natin dapat inaalis ang posibilidad na maaaring ginagamit lang din siya ng tunay na serial killer, katulad ng ginawa nito kay Ramon Maranan noon.”
“Sa tingin mo ba ginagamit siya ni Frank kung... kung siya nga ang hinahanap natin?” tanong pa ni Jemimah. Hindi niya gustong isipin na ganoon nga ang nangyayari. The love in Frank’s eyes when he looked at Alexa seemed real. At sinabi nitong napakahalaga ni Alexa dito.
“Hindi pa natin puwedeng sabihin na suspect natin si Frank Rodriguez,” wika ng binata. “Posibleng ginagamit niya nga si Alexa, posible rin naman na hindi iyon ang intensiyon niya. He seems to be a nice man. Or is it just a mask?”
Ibinaba ni Jemimah ang tingin sa mga kamay. Masyado silang natutok kay Alexa kaya hindi napagtuunan ng pansin ang mga taong nakapalibot dito na maaaring gumagamit lamang sa kaibigan. Nakakaramdam siya ng kaluwagan sa puso sa kaisipang posibleng hindi si Alexa ang kriminal na hinahanap nila, pero may parte naman ng puso niya ang nalulungkot. Hindi niya gustong masaktan ang kaibigan kung sakaling may kinalaman nga si Frank Rodriguez sa lahat ng ito.
“Frank Rodriguez is also a programming expert,” pagbasag ni Ethan sa ilang sandaling katahimikan. “Iyon ang trabaho niya, hindi ba? Mga computer expert lang ang makakapang-hack ng system ng isang kilalang hotel. Posible din na ginamit niya ang computer skills para malaman ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa kanyang mga biktima. At ang pag-alis niya papuntang States para mag-aral noon, there must be a serious reason for him to do that. Sinabi niyang napakahalaga sa kanya ni Alexa, kung gano'n, bakit siya umalis?”
“Sa tingin mo ba may nangyari noon sa bahay ng mga Rodriguez?” tanong ni Jemimah. Pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Mitchel na lahat ng monsters sa mundong ito ay may kinikimkim na sakit ng nakaraan.
“Hindi tayo makakasigurado hangga’t hindi natin inaalam. Ipapahanap ko kay Theia ang lahat ng mga records ni Frank Rodriguez, past and present.”
Tumango-tango na lamang siya. Frank Rodriguez was a nice man. Pero tama ba si Ethan na maskara lamang iyon ng lalaki? Was it possible that a monster was hiding inside that innocent face?
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now