Chapter 38

2.8K 104 4
                                    

Chapter 38
Jemimah Remington
NILAPITAN ni Jemimah si Ethan nang makababa sila ng sasakyan, nasa tapat na sila ngayon ng bahay ng mga Rodriguez sa Bulacan. Si Mitchel naman ay nilapitan ang ilan sa mga pulis na kasama nila bilang escort. Sina Paul at Douglas ay may inaasikasong ibang mga bagay sa headquarters.
“Ayos ka lang ba?” mahinang tanong ni Jemimah, nag-aalala. “Kanina ka pang walang imik sa sasakyan.”
Tumingin sa kanya si Ethan at tumango. “I’m fine,” maikling sagot nito.
“G-gusto kitang lapitan kagabi pero... pero naisip ko na baka mas gusto mong mapag-isa,” aniya.
Tumaas ang isang gilid ng mga labi ng binata para sa isang ngiti. “Ayos lang ako, Jemimah. Nagulat lang din ako kagabi katulad n'yo.”
Tumango naman na siya. “Sa tingin mo ba ay tama ang hulihin natin siya? Everything will be exposed by then. Maging ang kasamaan ng mga biktima ni Frank.”
Inabot ni Ethan ang isa niyang kamay at marahang pinisil iyon. “Ito pa rin ang tama. Kailangan niyang magbayad sa krimeng ginawa. At sa pamamagitan nito, mabibigyan na rin siya ng tamang katarungan.”
Malungkot na napabuntong-hininga si Jemimah. “This will surely hurt Alexa. Hindi ko siya gustong masaktan ng ganito.” Siguradong magiging malaking dagok para sa kaibigang si Alexa kapag nalaman kung ano'ng klase ng tao ang lalaking mahal nito. Na si Frank ang pumatay sa ama nito. Subalit mas higit na masakit ang katotohanang isa ring masamang tao ang sarili nitong ama.
“Everything will be fine,” bulong ni Ethan. “Kailangan nating gawin 'to para maligtas ang huling target niya, 'di ba?”
Jemimah nodded and sighed. Yes, they needed to save at least one.
“Pero napansin n'yo ba na wala sa mga larawang na-retrieve ninyo ang kung sinomang isa pa niyang target?” narinig nilang singit ni Mitchel. “Sa halos lahat ng larawan na iyon, tanging ang mga naunang biktima lamang ang naroon. So that makes me think kung mayro'n pa nga bang isa pang target?”
Tiningnan ni Jemimah si Mitchel. Iyon nga rin ang ipinagtataka niya. There was one more target, kung ang pagbabasehan nila ay ang bilang ng mga upos ng sigarilyo na nakita sa crime scene.
“There’s one more,” sagot ni Ethan. “Naniniwala akong may isa pa. Wala sa larawan ang isang iyon dahil siya ang kumukuha ng larawan. That one target was the person behind the camera. At kailangan nating alamin kung sino iyon.”
Bumuntong-hininga si Mitchel. “Huwag lang talagang maunahan na naman tayo ng Rodriguez na 'yan.” Iyon lang at nauna na itong tumungo sa front door para mag-doorbell.
Sinabihan naman ni Jemimah ang mga pulis na kasama na hintayin lamang sila sa labas. Hinihiling niya na walang mangyaring masama sa pag-aresto nila ngayon kay Frank Rodriguez.
Si Alexa ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Kitang-kita ang pagtataka sa mukha ng kaibigan, lalo na nang hanapin nila si Frank.
“Have a seat, tatawagin ko lang siya,” ani kaibigan.
“Hindi na,” tugon ni Jemimah. “Mabilis lang naman kami rito.”
Mas higit na nadagdagan ang pagtataka ni Alexa pero lumakad na ito patungo sa second floor ng bahay para tawagin si Frank. Ilang sandali lang naman ay nasa harap na nila ang dalawa.
“Tungkol na naman ba ito sa imbestigasyon n'yo, Jem?” tanong ni Alexa. “Hanggang ngayon ba ay... ay pinaghihinalaan n'yo pa rin ako?” may mahihimigan ng kalungkutan sa tinig ng kaibigan.
Tiningnan niya si Alexa. “I’m sorry, Alexa,” wika niya na lamang. Inilipat ni Jemimah ang tingin kay Frank bago itinaas ang isang papel – ang warrant of arrest para dito. “We have issued a warrant of arrest for you, Frank Rodriguez. Kailangan mong sumama sa amin ngayon sa SCIU Headquarters.”
Nag-igting ang mga bagang ni Frank pero hindi ito nagsalita. Si Alexa naman ay gulat na gulat na nakatingin sa kanila.
“W-why are you arresting him?” tanong ng kaibigan. “A-ano'ng ginawa niya?”
“Gusto mo pa bang sabihin namin dito ang dahilan, Mr. Rodriguez?” wika ni Ethan sa seryosong tinig. “At malaman ng babaeng ito kung bakit ka namin inaaresto?”
Ikinuyom ni Frank ang mga kamay, nasa mga mata na nito ang galit. Pero ilang sandali lang naman ay ngumiti na ang lalaki bago humarap kay Alexa. “Kailangan kong sumama sa kanila, Alexa,” mahinahong wika nito.
Jemimah stared at Frank. He was indeed a nice man. It was just that the past had made him into a monster. At kahit ganoon ay pinipilit pa rin nitong mabuhay ng maayos para lamang kay Alexa.
Ikinulong ni Frank ang mukha ni Alexa sa dalawang kamay, umiiyak na ang babae. “I love you,” bulong ni Frank bago hinalikan sa mga labi ang nobya.
“N-no...” garalgal na wika ni Alexa nang lumakad na palapit sa kanila si Frank. “Jemimah, please...”
Hindi magawang tingnan ni Jemimah ang kaibigan habang pinoposasan si Frank.
“Take good care of her,” narinig pa niyang bulong ni Frank.
Gulat na napatingin si Jemimah sa lalaki, nakikita ang kalungkutan sa mga mata nito. Nais niya nang maiyak ng mga sandaling iyon. This shouldn’t have happened. Kung hindi lang ninais ng lalaking ito na maghiganti.
“B-babalik ka pa, hindi ba?” tanong ni Alexa habang humahabol sa kanila palabas. “I’ll call my lawyer, Frank. Frank! Frank!”
Sa kabila ng pagsigaw na iyon ni Alexa ay hindi man lang lumingon si Frank. Hindi maintindihan ni Jemimah kung bakit. At hindi niya rin inaasahan na magiging ganito kadali lamang ang pagsuko ng lalaki. Bakit? Bakit ganoon na lamang kabilis na isinuko nito ang lahat?!
“I KILLED THEM,” pag-amin ni Frank Rodriguez na tila ba balewala lamang ang mga krimeng ginawa.
Nasa loob sina Jemimah ng isa sa mga interrogation room sa loob ng SCIU Headquarters. Kompleto ang buong team habang nakikinig sa ipinagtatapat ni Frank. Sigurado rin na nasa likod ng salamin na naroroon si Director Antonio Morales para pagmasdan ang interrogation na nagaganap.
“Una kong pinatay si John Rodriguez,” pagpapatuloy ni Frank. “Alam niyong adoptive father ko siya, ama ni Alexa. Bumalik ako dito sa bansa para patayin siya. Isang warning para sa mga kaibigan niya. Pagkatapos ay isinunod ko na sina Lumanglas, Escartin, Levin at Maranan. Ako ang pumatay sa kanila, oo.”
“Ano'ng dahilan at umaamin ka na ngayon?” tanong ni Jemimah.
Puno ng kalamigan na tumingin sa kanya si Frank. “Imposibleng makapaglabas kayo ng warrant of arrest para sa akin kung wala kayong nakitang matibay na ebidensya,” anito. “At wala na rin naman akong magagawa doon.”
“Ebidensya?” tanong naman ni Ethan. “Tinutukoy mo ba ang negatives na nakuha namin kay Maranan?”
Anger sparked in Frank’s eyes. Nag-igtingan ang mga bagang nito. “Nakita n'yo na pala,” wika nito sa tinig na pilit pinapahinahon. “Hanggang sa mamatay siya ay hindi man lang niya sinabi sa akin kung nasaan ang mga iyon.”
“Nakita namin ang laman ng mga negatives na iyon,” ani Jemimah. “Alam namin na napakalaki ng motibo mo para patayin sila. Naiintindihan ko na—”
“Naiintindihan?” Frank snapped, cutting her. “Wala kang naiintindihan! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko kaya wala kang karapatang sabihin na naiintindihan mo ako. You will never understand the hate in my heart until you experienced it.” Ngumisi ang lalaki. “Madali lang naman sa inyo ang sabihin na naiintindihan n'yo kami, na naririto kayo para magbigay ng comfort. Madali lang dahil wala naman kayong mapait na nakaraan.”
Pakiramdam ni Jemimah ay may tumarak sa puso niya dahil sa mga sinabi ni Frank. Ngayon niya napag-isip-isip kung naiintindihan niya nga ba ang sakit at galit na pinagdaraanan ng mga ito? Sumulyap siya kay Ethan. Naiintindihan niya ba ang binata? Will she be able to comfort him, to lessen his pain even though she never experienced the pain of losing everything?
Bumalik lamang sa reyalidad si Jemimah nang maramdaman ang paghawak ni Ethan sa isa niyang kamay na nakapatong sa kandungan. Bahagya nito iyong pinisil na tila ba nagpapaabot na huwag mag-isip ng kung anu-ano. But still the doubt in her heart remained – doubt in herself.
“Napakasama ng ginawa sa'yo ng mga taong ito, Frank,” pagbasag ni Mitchel sa ilang sandaling katahimikan. “I know you want justice but this isn’t right. Masaya ka ba na namatay na sila? Masaya ka ba na naging isa ka ng halimaw? Isang mamamatay-tao?”
Inilipat naman ni Frank ang tingin kay Mitchel. He grinned, his eyes were like the eyes of a monster now, full of hate, full of cruelty. “It’s my mission to avenge my sufferings,” sagot nito. “It’s my mission to kill them. At gusto kong malaman n'yo kung paano nila sinira ang buhay ko...”
A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now