Chapter 19

2.9K 114 2
                                    

Jemimah Remington
MAINGAT na bumaba si Jemimah sa sasakyan ni Ethan. Gabi na nang ihatid siya nito sa kanyang apartment. Kahit na sinabi ng mga kasamahan na nagpunta sa ospital kanina na manatili pa siya doon ay hindi naman sumunod. Hindi niya gustong matulog sa ospital.
“Pasensiya ka na talaga sa abalang ginawa ko,” wika niya nang nasa tapat na sila ng pinto. “Pakisabi na rin kina Paul, Douglas at Mitchel ang paghingi  ko ng pasensiya.”
“Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya,” ani Ethan. “Wala kang kasalanan. Siguradong ang kriminal na kailangan nating mahuli ang gustong bumangga sa'yo.”
“Kailangan talaga natin ng dobleng pag-iingat. N-nakita mo ba ang plate number ng van?”
“Yes,” sagot nito. “Ipinadala ko na kay Douglas para ipahanap sa car registry. But I doubt na pag-aari ng killer ang sasakyang iyon.”
Ngumiti siya ng mapait. “Our killer is too smart to be that foolish.” Napailing pa siya.
“Pumasok ka na sa loob,” wika ni Ethan. “Lumalamig na.”
Kahit hindi pa sana gustong makipaghiwalay ni Jemimah sa lalaki ay wala namang nagawa. Tumalikod siya para buksan ang pinto ng apartment. Lumingon siya sa binata nang mabuksan ang pinto at akmang magpapasalamat dito uli nang makitang nakahawak si Ethan sa ibabang parte ng likod nito, nakangiwi.
Ibinaba ng lalaki ang kamay nang makitang nakatingin siya.
“Nasaktan ka,” hindi makapaniwalang wika ni Jemimah. Humakbang siya palapit sa binata. “Bakit hindi ka nagpatingin sa ospital kanina?”
Iniiwas ni Ethan ang tingin sa kanya. “Hindi na kailangan—”
Hindi na pinatapos ni Jemimah ang nais sabihin ng lalaki at hinila ito papasok sa loob ng kanyang apartment. “Pumayag ako na dalhin mo sa ospital kahit na sinabi kong maliit na sugat lang naman 'to. It’s your turn now.” Pinaupo niya ito sa sofa bago isinara ang pinto. “Hintayin mo ako dito. Kukunin ko lang ang first-aid kit.”
Pumasok siya sa loob ng banyo para kunin ang first-aid kit. Laking pasasalamat ni Jemimah dahil hindi naman umalis sa kinauupuan nito si Ethan. Naupo siya sa tabi ng binata at pinatalikod ito ng bahagya. “Saan bang parte ang masakit?” tanong niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Wala namang masakit. May kaunting sugat lang siguro—” Naputol ang pagsasalita ni Ethan nang bahagya niyang itaas ang laylayan ng suot nitong damit.
Napasinghap si Jemimah nang makita ang mga gasgas na naroroon. It was not just a simple scratch. May nakita rin siyang mga pasa. Dapat talaga ay nagpatingin din ito sa ospital kanina. Men ego, really. Kahit na nasasaktan ay hindi man lang aamin.
Marahan niyang hinaplos ang mga sugat na iyon. Ethan jerked a little on what she did. “Sigurado bang wala kang nabaling buto?” nag-aalalang tanong pa ni Jemimah.
Ilang sandaling hindi tumugon si Ethan bago narinig ang pagtugon. “I’m fine.”
“Alright,” wika niya. Sigurado namang hindi aamin ang lalaking ito kahit na ano'ng pilit ang gawin. “Huwag ka munang gumalaw, lilinisin ko lang ang mga sugat na ito.”
Hindi naman na nagsalita si Ethan at hinayaan siyang gawin ang nais. Ilang minuto rin ang itinagal bago muling ibinaba ni Jemimah ang damit ng binata. “Huwag ka muna masyadong gumalaw,” wika niya.
Humarap sa kanya ang lalaki. “Magpahinga ka na,” anito. “Marami pa tayong kailangang gawin bukas.”
Tumango si Jemimah. Ilang sandali siyang nag-alangan bago muling nagsalita. “D-dito ka na magpalipas ng gabi,” alok pa niya.
May dumaang pagkagulat sa asul na mga mata ni Ethan. Akmang ibubuka pa nito ang bibig para magsalita pero nagpatuloy na siya.
“Siguradong pagod ka na at may mga sugat ka pa sa likod. Hindi ko gustong pilitin mo ang sarili mo.”
Tiningnan siya ng binata sa loob ng mahabang sandali bago ito tumango. “Dito na ako sa couch matutulog.”
Tumango rin naman si Jemimah. “Dadalhan na lang kita ng unan at comforter,” pagkasabi niyon ay mabilis na siyang lumakad patungo sa sariling kuwarto, may ngiti sa mga labi.

A/N: I will be updating this story every Tuesday and Thursday.
Can't wait?
Cold Eyes Saga Books 1-5 are available in all Precious Pages Bookstores & National Book Stores.
Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted (512 pages, Php 179.00)
Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet (640 pages, Php 219.00)

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now