Chapter 49

3.1K 94 0
                                    

Chapter 49
Jemimah Remington
MABILIS na lumapit si Jemimah sa kinaroroonan ng sariling sasakyan sa parking lot ng SCIU at kinatok ang salamin ng passenger’s side niyon. Ilang sandali lang naman ay bumukas na ang pinto.
“Nainip ka ba?” tanong niya kay Ethan na kanina pang dito lamang naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan. “Napatagal din ang pag-uusap namin ni Director Morales.”
“Hindi naman,” sagot ng binata. Itinaas nito ang isang kamay para marahang ayusin ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha. “Ayos ka lang ba?”
Napalabi si Jemimah. “Ilang beses mo nang itinatanong sa akin 'yan,” aniya. “Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala.”
Tumango-tango naman si Ethan. “Ihahatid na ba kita sa apartment mo?”
Tumango rin siya. “Gusto ko na ring magpahinga.”
“Hindi ka pa kumakain ng hapunan,” sabi pa ng binata.
“Magluluto na lang ako ng kahit ano sa bahay,” sagot ni Jemimah.
Hindi na naman nagsalita pa si Ethan at pinaandar na ang sasakyan. Nakatitig lamang si Jemimah habang nagmamaneho ito. Muli niyang naalala ang pinag-usapan nila ni Director Morales kanina. Ano nga ba ang tunay na sinabi ni Frank Rodriguez noon kay Ethan para umalis ito ng ganoon na lamang?
Hindi niya alam kung paano magsisimulang magtanong sa binata. Napatingin siya sa harapan at kumunot pa ang noo nang mapansing hindi iyon ang daan patungo sa apartment niya.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya.
Sandali lamang na sumulyap sa kanya si Ethan. “Stay in my penthouse for tonight,” anito. “Magpapadeliver ako ng dinner doon para may makain ka. I don’t want you to be alone in your apartment.”
Tiningnan niya ng masama ang lalaki. “Paano kung ayokong mag-stay sa penthouse mo ngayon?”
“Hindi mo ba ako gustong makasama?”
Iniiwas ni Jemimah ang tingin sa mukha ng binata, bumilis ang tibok ng puso. “G-gusto,” mahinang pag-amin niya. It would be nice to sleep beside him once more, to feel his incredible warmth.
Napapitlag pa siya nang maramdaman ang pag-abot ni Ethan sa kanyang kamay. “Sabihin mo lang sa akin kung hindi mo gusto,” bulong nito.
Napatingin siya sa binata. “I want to stay with you, Ethan,” puno ng kaseryusohang bulong niya. She entwined her fingers to his. “Always.”
Gumuhit naman ang isang ngiti sa mga labi ni Ethan. Tumango ito bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
The whole car was filled with silence but it was not awkward anymore. Lihim lang na humihiling si Jemimah na hindi marinig ng binata ang mabilis na pintig ng puso na hindi pa rin tumitigil.
Pagkarating sa penthouse ni Ethan, agad nang lumapit ang binata sa telepono para magpadeliver ng dinner nila. Pagkatapos niyon ay hinila siya nito patungo sa kuwarto.
Nakaupo lamang si Jemimah sa kama habang abala ang lalaki sa paghahanap ng kung ano sa built-in closet na naroroon. She felt suddenly uneasy on her seat at the thought of being inside his room. At silang dalawa lang ang naroroon!
Lihim na pinagalitan ni Jemimah ang sarili. Ano bang mga pinag-iisip niya? Napatingala siya kay Ethan nang lumapit ito sa kanya, iniabot ang isang trousers at T-shirt ng lalaki.
“Here, ito na muna ang isuot mong pantulog,” ani Ethan sa magaspang na tinig. “Dito ka na mag-shower sa bathroom ng kuwarto ko. Mamaya darating na ang pinadeliver kong pagkain.”
Tumikhim si Jemimah para alisin ang tila bara sa lalamunan. “O-okay,” maikling tugon niya.
Tumayo na siya para lumakad patungo sa banyo nang hindi sinasadyang masagi ng braso ang braso ni Ethan. Animo may libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan dahil sa simpleng koneksyon na iyon.
Bago pa mawala sa matinong kaisipan, dali-dali nang nagtungo si Jemimah sa kinaroroonan ng banyo. Pagkapasok sa loob, sumandal siya sa pinto at mariing ipinikit ang mga mata.
Calm down, Jemimah. Bakit ba umaakto ka ng ganito? Control yourself. Baka kung ano ang isipin ni Ethan sa'yo.
Makalipas ang ilan pang saglit, nagsimula na si Jemimah na mag-shower. Subalit hindi pa rin kumakalma ang sarili. Patuloy lamang na nagsusumiksik sa kanyang isipan na nasa labas lamang si Ethan, naghihintay sa kanya, naririnig ang tunog ng tubig habang siya ay naliligo.
Marahas niyang ini-iling ang ulo. Stop thinking, Jemimah. Relax. Paulit-ulit na paalala sa sarili.
Hindi na alam ni Jemimah kung gaano katagal siyang nanatili lamang sa ilalim ng shower, kinakalma ang sarili. Nang matapos at makabihis ay nag-aalangan pang lumabas ng banyo.
Nakasuot siya ng damit ni Ethan na maluwag sa kanya, mabuti na lamang at may tali ang trousers ng binata. But it felt so good to be in his clothes. She could still smell his scent from this.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jemimah nang makitang nakaupo sa kamang naroroon si Ethan, nakatingin na rin sa kanya. Hindi niya napalampas ang pagsuyod nito ng tingin sa kanyang kabuuan. Iniiwas niya ang tingin dito dahil sa hindi maipaliwanag na pag-iinit ng katawan.
Narinig niya ang pagtikhim ng binata. “D-dumating na ang... ang dinner natin. Gusto mo na bang kumain?” tanong nito.
Ini-angat ni Jemimah ang tingin, nakitang nakatayo na si Ethan.
“Ihahanda ko na ang mesa,” dugtong pa ng binata.
Nang tumalikod ang binata ay mabilis itong tinawag ni Jemimah. “Ethan...”
Lumingon ito sa kanya. “May kailangan ka pa ba?”
Ilang sandaling nag-alinlangan si Jemimah bago humakbang palapit sa lalaki. She saw Ethan slightly stiffened. “M-may... may gusto sana akong itanong,” wika niya.
Kumunot ang noo ng binata, hinintay siyang magpatuloy.
“P-puwede ko na bang malaman kung... kung ano ang pinag-usapan n'yo noon ni... ni Frank?” nag-aalangang tanong ni Jemimah. “Ang dahilan kung bakit bigla kang umalis? Nabanggit kasi kanina ni Director Morales ang tungkol doon at... at nag-aalala siya sa'yo, nag-aalala rin ako.”
Humakbang palapit sa kanya si Ethan. “Hindi mo kailangang mag-alala, Jemimah.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “It’s not that important. Tungkol lang sa isa pang kasong... pinag-aaralan ko.”
Natigilan si Jemimah. Alam niya na ang tinutukoy ng lalaki ay ang kaso ng Destroyer. Ano'ng alam ni Frank Rodriguez doon? Gusto niyang itanong kay Ethan pero siguradong hindi sasabihin ng lalaki.
At hindi naman siya mamimilit. She would give him time to let her be involve in his private affairs. Hindi naman agad-agad ay makukuha ang isang bagay. Hinihiling lang ni Jemimah na balang-araw, pagkatiwalaan na siya ng lubos ni Ethan tungkol sa nakaraan nito.

[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO]Where stories live. Discover now