CHAPTER 1

18.1K 260 3
                                    

ABALA ANG professor namin sa pagsusulat ng lecture sa white board ng aksidenteng malihis ang mga mata ko sa labas ng bintana. Napaupo nalang ako ng tuwid ng makita ko siyang naglalakad kasama ang mga barkada niya.

Skyrile Villafontia.

I like it whenever i saw his smile. Hindi man niya alam, pero ang simpleng pag-ngiti niya minsan ay binabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Siguro nga mahahanay ako sa grupo ng mga admirers niya pero iba ako sa kanila. Sila kasi ay kaya nilang lumapit sa kaniya at magpahayag ng kanilang nararamdaman, ako kasi hindi. He might feel disgusted kapag nilapitan ko siya. Baka nga isa siya sa mga pangit ang tingin sa'kin, that's in case he knows me.

Napabuntong hininga na lamang ako nang hindi na siya maabot ng mga mata ko. Dapat hindi ko na talaga siya sinusubukang abutin dahil alam kong sa bandang huli ako lang rin ang masasaktan. Ang mga kagaya ni skyrile ay hindi ko nararapat pagtuunan pa nang pansin, dahil bukod sa sikat na sikat ito at ang grupo niya ay natatakot akong baka husgahan niya rin ako tulad ng iba.

"Okay class, pagkatapos niyong kopyahin lahat ng isinulat ko ay makakalabas na kayo." Sabi ni prof.

Napa-yes naman ang mga kaklase ko at ganadong tinuloy ang ginagawa. Early dismissal na naman kasi niyan. Mabuti pa sila masayang maagang makaka-uwi samantalang ako, hindi alam kung uuwi ba ako ng maaga o hindi. Paniguradong lasing na naman kasi niyan si mommy.

"Nag-bake ang mommy ko ng cookies, want to come to my house?" Rinig kong bulong ni leila sa mga kaibigan. Nasa likod ko lang sila kaya rinig ko ang mga pinag-uusapan nila.

"Sure." Sang-ayon ng mga kaibigan niya.

She's lucky. They are lucky. Mahal kasi sila ng magulang nila. At ma-swerte sila kasi hindi sila pinanganak sa maling panahon. They are lucky because they are not ME. Dapat nila iyong ipag-pasalamat.

"Maswerte ka talaga leila, hindi tulad ng iba dy---"

Hindi ko na sila pinatapos pa. Agad na akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko atsaka dali daling lumabas ng classroom ng walang nililingon. Alam kong ayaw nilang lahat sa'kin pero hindi na naman nila dapat ipagdiinan pa 'yon.

Huminto ako malapit sa baseball field atsaka umupo sa damuhan. Wala pang masyadong tao at wala pang naglalaro kaya makakapag-relax pa ako dito.

Inilabas ko ang sketch pad at lapis ko sa bag atsaka tiningnan kung may kulang pa ba sa mga naguguhit ko. Mahilig akong mag-sketch, namana ko ata ito kay mommy na dating painter. May mga na-paint na rin ako, nakatago nga lang sa kwarto ko dahil baka magalit na naman si mommy. Isa kasi ang pagpi-paint niya ang nawala ng dahil sa'kin.

Tumigil ako sa pahina na pinaka-paborito ko sa lahat. Napangiti ako at tinitigan ito na para bang totoong mga mata niya ang tinititigan ko. Napaka-seryoso niya rito, ginuhit ko kasi ito noong mga panahong makita ko siyang seryosong nagbabasa ng libro sa library.

He's handsome and freakin' hot. Hindi ko na mabilang kung ilang babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Iba kasi ang dating niya. Iba ang hatak ng mga blue eyes niya kapag nasalubong mo ito.

Skyrile villafontia, is really has something. Bukod sa maganda niyang physical appearance ay marami pa akong hinahangaan sa kaniya na hindi ko na mabilang sa sobrang dami.

Kung sana, may lakas lang ako ng loob na lapitan siya baka wasak na ang puso ko ngayon. Mas masasaktan ako kapag nakarinig ako ng pangi-insulto mula sa kaniya. Iba kasi siya sa iba, iba ang lugar niya sa buhay ko.

Napaangat ako ng tingin sa mga grupo ng magkakaibigang dumating. Ang lakas pa ng mga tawanan nila. I pity myself dahil hindi ko man lang naranasana ang mga bagay na 'yan, ang ngumiti at magkaroon ng madaming kaibigan. Everyone hated me. Makita pa lang nila ang kuko ko ay iju-judge na nila ako.

Mapait akong ngumiti atsaka muling nagbaba ng tingin sa sketch pad ko. This is all i have. Kapag gumuguhit ako sa pad na 'to ay nararamdaman kong malaya ako. Nararamdaman kong may humahanga sa bawat imaheng ginuguhit ko. Nararamdaman kong i am worth it.

"KAMUSTA kana?" Nakangiting tanong niya.

"Okay lang po. Kayo po?" Sabi ko.

Limang taon na rin buhat ng makilala ko siya. Aksidente ko kasing narinig ang pangalan niya na lumabas sa mismong bibig ni mommy kaya hinanap ko talaga siya. At dito ko nga siya natagpuan, sa kulungan. I am expected that he'll also hate me, pero hindi. I saw love longing, and guilt in his eyes noong unang dinalaw ko siya at nagpakilala sa kaniya.

"Wag mo na akong alalahanin." Umiling siya atsaka masuyong hinawakan ang kamay ko. "That is my work..." Napabuntong hininga siya. "Y-Your pale. Are you okay? Nahihirapan ka pa rin ba?" Alalang tanong niya.

Napayuko ako. "I'm always look pale but i'm okay....." halos pabulong kong sabi. Sa limang taong nakilala ko siya ay kahit papano nabawasan ang burden sa puso ko. Kahit nandito siya sa kulungan ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya.

"Aria...."

Nangilid ang mga luha ko. No! I'm not okay dad....gusto kong isatinig 'yon sa kaniya pero hindi ko magawa. Ayoko nang madagdagan pa ang paghihirap niya dito. I just need his presence and love, sapat na 'yon to heal my brokenheart.

"I'm okay dad." Giit ko pa rin ng nakayuko.

"Aria, stop lying please." Nahihirapan niyang usal. Tumayo siya atsaka lumapit sa'kin. "Kung nahihirapan kana, you can go to my house. Nandoon ang lolo't lola mo minsan dahil nagbabakasakali sila na makikita ka nila doon. They badly want to see you again."

Napangiti ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. "I-I can't..." iling ko habang tumutulo ang mga luha sa 'king mga mata. I can't hurt my mommy. "I-I'm sorry..." hikbi ko. All i can do right now is kept on going here just to see him even its forbidden. Siguradong isusumpa na talaga ako ni mommy kapag nalaman niyang kilala ko at nakikipagkita ako sa lalaking sumira sa buhay niya.

"Shhhh..." Lumambot lalo ang expression ng mga mata niya atsaka ako niyakap. "Stop crying. I am here. I will always be here." Bulong niya.

Napatango ako. I know. He's always been here. Parati siya nasa puso ko. Alam ko namang hindi niya ginusto ang mga nangyari. He is just inlove. Nagawa niya lang lahat dahil sa pagmamahal niya kay mommy.

I can't blame him for everything, he's all i have. I don't have my mom but i know i will always have him. My father.

****
Father.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon