CHAPTER 44

5.2K 98 5
                                    

Kinalma ko lang muna ang sarili ko bago sila inayang maupo muna sa gilid. Doon sa mga upuang para sa mga nag-aantay ng flight nila. Tutal wala naman atang magpapalayas sa'min dito dahil kasama ko si Kuya. Nakapasok rin naman kami kanina ng walang tanong tanong kaya okay lang siguro kung magtagal kami kahit saglit.

"Wala bang masaket sa'yo, Apo? Ang sugat mo?" Tanong ni Lola nang abutan niya ako ng bote ng tubig.

Umiling ako at tinanggap 'yon. Uminom muna ako bago siya sinagot. "Wala naman po, Lola. I'm fine..." Sabi ko.

Hinahagod naman ni Mommy ang likod ko kahit kalmado na naman 'ko. "Magpahinga muna tayo dito para hindi mabigla ang katawan mo." Sabi ni Mommy. "Zoel, samahan mo na muna ang Lola mo sa sasakyan namin. Susunod nalang kami ng kapatid mo." Utos ni Mommy kay Kuya.

Mabilis namang tumalima si Kuya at inaya na si Lola. "Mauna na kami, Apo." Paalam ni Lola. Tumango lang ako at hinatid sila ng tingin. May mga pinaiwang bodyguard si Kuya para bantayan kami.

"Uh 'nak? Pasensiya na pala at hindi na ako nakabalik ng ospital pagkatapos ng pag-uusap natin. Nahihiya na kasi ako sa'yo at kela Liezel. Atsaka baka ma-stress ka lang kapag nakikita mo akong umaaligid sa'yo." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko naman po kayo tinaboy, 'My." Sabi ko.

Tumango siya. "Alam ko, Anak. Natatakot lang ako na baka lalo kang magalit sa'kin."

"Galit? Kailan po ba ako nagalit sa'yo? Kahit kailan hindi ako nagalit o nagtatanim ng sama ng loob sa'yo kahit anong gawin mo..." Muling nangilid ang mga luha ko. "Kahit po paulit ulit mo akong saktan, Mommy pa rin kita. Magtatampo po ako o magdadamdam pero hindi po ako magtatanim ng galit."

"Kaya nga mas lalo akong nahihiya sa sarili ko, Anak. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, parati mo akong tinatanggap. Kahit kailan hindi mo pinaramdam na wala akong kwenta. Hindi mo ako iniiwan kahit ka-iwan iwan ako. I-I don't deserve this. Hindi ako nararapat na tawaging Ina mo. Wala naman kasi akong ibang ginawa kundi ang saktan ka at pahirapan.....lahat nalang ng nararanasan mong hirap ngayon dahil sa'kin. Kasi...selfish ang Mommy mo. Kaya pasensiya kana, huh? Ako kasi ang naging Ina mo...."

Umiling ako. "Bumabawi na po kayo sa'kin. 'Yon lang ang mahalaga. I don't care about the past. Wala akong pakialam sa mga ginawa mo noon dahil mas mahalaga po ang ngayon. Mommy, mas mahalaga po sa'king maranasan ang pagmamahal mo. 'Yon lang po..."

"Napakabuti mo talagang bata. Mabuti nalang hindi ka nagmana sa'kin, no?" Gumaralgal na ang boses niya. "Matigas kasi ang puso ko, Anak. I'm selfish and not a good person. Unlike you...napakabuti mo pa rin kahit sobrang hirap ng buhay para sa'yo. Nakaka-proud na may anak akong malayo sa cruel side ko." Ngumiti siya. "I love you so much, Aria. You are always my light. My forever baby girl."

Tumulo na ang luha ko at yumakap sa kaniya. "Mahal na Mahal rin po kita, Mommy. Kahit ano pong mangyari...mananatili po akong si Aria, na anak mo."

Mga hikbi lamang ang tugon niya at isang mahigpit na yakap. Ngumiti ako kahit tuloy tuloy na rin ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Masakit na masaya ang nararamdaman ko ngayon. Halo halong emosyon pero mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ng anak sa kaniyang Ina. Iyong tipong kahit akong unos na dumating, mananatili pa rin silang nakayakap sa isa't isa.

"Alam ba ito nila, Tito? Baka hanapin ka nila sa'kin." Kunot noong tanong ni Kuya nang sabihin ko na hindi ako magpapahatid pabalik sa Mansiyon. Ibang Mansiyon ang balak kong uwian ngayon. Sa mansiyon ng taong mahal na mahal ko.

Nauna na sila Mommy at Lola sa 'min ni Kuya. Iba rin naman kasi ang sasakyan nila sa'min at may check up pa daw si Lola ngayon kaya nauna na sila.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now