CHAPTER 2

13.3K 216 9
                                    

TAHIMIK NA sa bahay nang makauwi ako. I heard yesterday, na may business meeting si mommy ngayon at gabi na siya makakauwi kaya alam kong safe akong umuwi ng ganitong oras ngayon.

Tuloy tuloy akong pumasok ng bahay at hindi na nagsindi ng mga ilaw. Tutal ay kumain na rin naman ako kaya balak ko na sanang dumiretso sa kwarto ko nang magulat ako. Biglang bumukas ang ilaw at bahagya akong napaatras ng mabungaran ko ang malamig na titig ni lola, mommy's mother.

Napakurap ako at hindi alam ang gagawin o ikikilos. I was shocked and...scared at the same time. She is cruel, mas nakakatakot siya kesa kay mommy. And she hate me to death.

"Hindi ka ba lalapit sa'kin para mag-mano? Where is your manners?!" She hissed.

Natataranta naman akong tumalima at lumapit sa kaniya para magmano. Akmang hahawakan ko na ang kamay niya ng iiwas niya ito sa'kin. "Nevermind." Matigas nitong sabi atsaka umirap. "I should know na may pinagmanahan ka nga pala." Napailing ito. "By the way, siguro nagtataka ka kung bakit nandito ako ngayon. Well aria, i am here to warn you." Matalim niya akong tiningnan. Kinabahan naman ako. "Stop.meeting.that.sh*t.criminal.father.of.yours." Madiin niyang wika.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. She knows. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko. "I-I can't..." Mahina kong naibulalas.

Napaigtad naman ako sa gulat ng dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. "Talagang susuwayin mo ako! How dare you! Ang kapal naman ng mukha mong babae ka! Pagkatapos ka naming tanggapin dito, pakainin at buhayin kahit labag sa loob ng buong pamilya ay ganito ang igaganti mo sa'min?! Ha? Wala kang utang na loob! You ruined my daughters life!" Singhal niya. She mad. Really mad.

Pero, ayokong sundin ang gusto niya.

I can't turn my back to dad.

I can't.

"I'm s-sorry..." nanginginig kong wika habang pilit pinupunasan ang mga luha sa pisngi.

"Your sorry won't bring back the life you've ruined!" Singhal niya pa atsaka ako marahas ng tinulak dahilan para matumba ako.

Napahagulgol na lamang. Ano ba talagang kasalanan ko para maging ganito ang buhay ko? Is it my fault to born? Hindi ko naman alam na magiging kasalanan ko pala kapag nabuhay ako.

"You're a disgrace to my family and a trash to our lives. Sana talaga hindi ka nalang nabuhay!" Galit na wika nito atsaka ako pinagsisipa ng ilang beses, na hindi ko na nabilang sa sobrang dami.

Hindi lang puso ko ang masakit kundi pati buong katawan ko. This is....this life that i have is what i unwanted.

Napatigil ako sa pag-iyak at huminga ng malalim. Sinapo ko ang naninikip kong dibdib atsaka pilit pinapakalma ang aking sarili. Nangyayari na naman.

I can't breath. I can't.....

"Madam! Diyos ko! Tama na po!" Rinig kong sigaw ni tatay seth, ang tatlong taon na naming hardinero. Alam kong siya yon kasi pamilyar na ako sa boses niya.

"Bitawan mo nga ako!"

"Maawa naman po kayo sa bata...."

Naging sunod sunod ang buntong hininga ako. Sinubukan kong tumayo sa kabila ng pananakit ng buong katawan ko at paninikip ng dibdib ko.

I need to go to my room....

"Bitawan mo 'ko sabi! Hoy aria! Hindi pa tayo tapos!!" Rinig kong sigaw ni lola pero hindi ko na siya pinansin dahil tuloy tuloy na ako sa pag-akyat sa hagdan.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now