CHAPTER 27

7.7K 155 7
                                    

"Have a good night, 'my."

Matamlay akong ngumiti sa kaniya. Paalis na sila para sa party at tulad ng naunang desisyon ni mommy, mananatili lamang ako sa kwarto namin. May mga guards sa labas na magbabantay sa akin. Ayaw mapanatag ni mommy na hindi na ulit ako sasaktan ni sam kaya nag-request si dad ng mga guards sa labas ng bahay na inoukupa  namin.

"Naiintindihan mo naman ako 'di ba?" Sadness and worry was visible in mommy's eyes. Tumango ako. Alam ko naman na ako lamang ang inaalala niya. And i really understand her.

Huminga siya ng malalim atsaka ako hinalikan sa noo na ikinapikit ko. "Huwag ka nang malungkot, okay? Sasamahan ka naman dito ni cain. Hindi na namin siya isasama para makapag-pahinga na rin kayong dalawa." Sabi ni mommy

Tumango ako at yumakap sa baywang niya. Hinihintay na siya nila daddy sa labas kanina pa. Hindi siya makaalis kasi nakikita niyang malungkot ako. I'm guilty. Ayoko namang mas lalo pa siyang pahirapan kaya kahit anong hirap ng sitwasyon ay pilit ko nalang pinapakita sa kaniya na okay lang.

"Take care, 'my." Lambing ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Thank you. I'll see you later, okay?"

Tumango ako at matipid na ngumiti. Humiwalay na ako sa kaniya. I let her go. Nanatili na lamang akong nakatanaw sa kaniya hanggang sa ang nakasarang pintuan na lamang ang tanging nakikita ko. Sana napagaan ko ang loob niya, kahit 'yon lang magawa ko para sa kaniya.

Napatingin ako kay cain nang gumalaw ito. He's sleeping peacefully. Hindi na niya naantay na magpaalam sa kaniya ang lahat dahil kaagad na rin itong nakatulog sa sobrang pagod. Ngumiti ako habang pinagmamasdan siya. He's growing up fast. Hindi ko na namalayang ang bilis ng oras sa paglaki niya. Parang kahapon lang ay sanggol lamang siya ngayon ang laki laki na niya.

Lumabas muna ako ng kwarto at dumiretso sa mini kitchen. Bahay na ang kinuha nila mommy para sama sama na kaming lahat. Ito ang isa sa mga pinaka-malaking bahay sa buong isla at kumpleto na rin sa gamit. Isang palapag lamang siya na may tatlong kwarto. Sa isang kwarto si lola tapos siksikan na ang mga lalaki sa pangalawang kwarto. Kami nila mommy ang umukopa sa pangatlong kwarto.

Sinilip ko ang laman ng microwave. Sigurado kasing may tinago si mommy na pagkain ko doon.

Hindi nga ako nagkamali.

May limang maliliit na baunan doon na may nakadikit na mga sticky notes sa gilid. Bawat baunan ay may pangalan ko o ni cain. Napangiti ako at kumuha ng isa na para sa akin. Hindi ko alam kung paano nagawa pa ito ni mommy sa kabila ng mga tambak tambak niyang mga gawain. Superwoman talaga ang mommy.

"Excuse me po..." Napatingin ako sa entrada ng kusina nang isa sa mga guard ang pumasok. "Nasa labas po si sir jethro." Sabi nito.

Kumunot ang noo ko. Wala siya sa party? "Papasukin niyo po, kuya." Sabi ko nalang.

Tumakas na naman siguro ang lalaking 'yon. Ang alam ko ay kakanta siya ngayong gabi, ah?

"May kasama po ata siyang lalaki..." Alanganing sabi nito. "Mukhang lasing po..."

Ngumuso ako. "Its okay, kuya." Tango ko.

Umalis naman ito kaagad. Binalik ko na lamang muna ang kinuha ko sa microwave bago ako lumabas ng kusina. Sino kaya ang kasama ni jethro?

Kumunot ang noo ko nang pumasok muli ang guard at niluwagan ang pagbukas sa pinto. Mula doon ay pumasok naman si jethro na may inaalalayang matangkad na lalaki. Pinakatitigan ko naman itong mabuti....biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ang kasama niya.

Umawang ang bibig ko, gulat at nagtatanong ang mga matang bumaling akong muli kay jethro. Kimi lamang itong ngumiti at walang hirap na binaba ang kasama sa sofa. Sa laki nito ay hindi siya nagkasya sa hindi kalakihang sofa ng bahay.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon