CHAPTER 41

5.1K 90 5
                                    

Happy mothers month🌹♥️

Bakit nagpakamatay si Samantha? Bakit binigay niya ang puso sa'kin? Iyan ang dalawang tanong na nabuo sa utak ko pagkatapos sabihin ni Skyrile sa'kin ang lahat. Sinabi niya ring nagpakamatay si Samantha pero bago 'yon ay may pinirmahan muna itong papel na nagsasabing ibibigay niya ang puso sa'kin kung sakali mang may mangyari sa kaniya. Sa simula pa lamang ay naka-plano na ang pagpapakamatay niya. Pero bakit Samantha? Bakit mo kailangang tapusin ang sarili mong buhay? Hindi mo ba alam na andaming tao ang gusto pang mabuhay tulad ko? Bakit mo sinayang ang iyo.....bakit?

"Baby...please, stop crying..."Pag-aalo niya sa'kin. "Hindi makakabuti sa'yo...ang ganito. You have to rest...."

Umiling ako. "P-Pakiramdam ko....kasalanan k-ko ang lahat..." Hikbi ko. I feel so bad! Kung hindi ba ako nabuhay...baka hindi niya kailangang magpakamatay? Ni hindi man lang ako nakahingi ng tawad dahil nasaktan ko siya nang hindi sinasadya. Siguro sobrang lungkot na niya kaya siya sumuko...nahirapan siguro siya. Dahil ba sa'kin, Samantha? Ginawa mo ba 'yon dahil sa'kin?

"No, baby. Ikaw ang pinaka-inosente rito. Ikaw lang ang nasasaktan. Ikaw lang ang mahalaga...para sa'kin.." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

Bumagsak ang mga mata ko sa kamay niya. Napalunok ako at mariin 'yong nilayo sa kamay ko. "Guilty ako....sa mga ginawa mo s-sa kaniya dahil sa'kin..." Muling tumulo ang mga luha ko. "T-Tingin mo ba m-masaya ako sa ginawa mo? You hurt her, S-Skyrile....and you d-don't hurt a g-girl!"

Dumaan ang sakit sa mga mata niya. It pained me too. Masaya akong malaman na mahal na mahal niya ako pero hindi ko gusto ang mga paraan niya. Kahit kailan ayokong may nasasaktan ng dahil sa'kin dahil mula pagkabata....marami na akong nasira at nasaktan. Hindi ba pwedeng magmahal ng walang nasasaktan?

"I'm sorry, baby. Ginawa ko lang lahat ng 'yon para sa'yo. Wala na akong pakialam sa iba. Wala na akong pakialam kung may masaktan man sa mga ginagawa ko. Ikaw lang kasi ang mahalaga sa'kin." Yumuko siya. "I'm sorry, baby. But, It's only you that matters to me."

Nanghihina akong pumikit. "Maling mali...Skyrile..." Nanginig ang boses ko. "H-Hindi mo dapat siya g-ginamit....nang d-dahil sa'kin..."

Sa ginawa niya...mas lalo niya lang tinulak si Samantha na tapusin ang sarili niyang buhay. Mas lalo niya lang pinalala ang lahat.

"I'm sorry..."

"Nag-sorry ka na ba sa k-kaniya?" Nagpunas ako ng luha. At inayos ang paghinga ko. Kailangan kong tibayan ang loob ko para makalabas na ako rito.

Hindi siya kumibo. Nang tingnan ko siya ulit ay nanatili na lamang siyang nakayuko. Huminga na lamang ako ng malalim. Tila pinipiga na naman ang puso ko....o puso nga pala ito ni Samantha. Hindi ko na alam kung kanino ang mga pakiramdam na ito, sa puso ba ni Samantha o Sa'kin. Ito ang bagay na hindi ko naramdaman noon sa puso ni bea, siguro kasi alam ko na may galit sa'kin si Samantha. At siguro kasi alam ko na nadugtungan ang buhay ko dahil sa pagpapakamatay niya. Hindi ko matanggap...

"Iwan mo muna ako, Skyrile." Mariing sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. "Ayaw na muna kitang makita....." Kailangan ko ng oras para mag-isip. Hindi ko pa kayang tanggapin ngayon lahat ng ginawa niya. Baka hindi ko kayanin.

"Baby naman..." Nanginig ang boses niya. "Huwag namang ganito. Tatanggapin ko kung galit ka, pero huwag mo naman akong itaboy. Hindi ko kayang malayo ulit sa'yo..." Puno ng pagsusumamo niyang pakiusap.

Nakagat ko ang ibabang labi at muling namasa ang mga mata ko. Nahihirapan din naman ako....at mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito siya sa tabi ko.

"Umalis ka na muna, please..." Huminga ako ng malalim. "Ayoko munang makita ka.."

"A-Antagal kong kumapit sa'yo....huwag mo naman akong bitawan."

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now