CHAPTER 22

9K 194 3
                                    

Napangiti ako nang salubungin kami ni kuya sa labas ng restaurant. Inalalayan niya si lola pababa ng sasakyan hanggang sa makasakay ito sa wheelchair. Kinuha ko na lamang ang shoulder bag ko at ang gamit ni lola. Hindi naman madami ang dala namin kaya hindi iyon masyadong mabigat.

"Nag-aantay na sila sa loob. Sunod ka nalang victoria." Sabi ni kuya.

Tumango lang ako atsaka binalikan iyong gamot ko sa loob ng kotse. Naalala ko na binaba ko nga pala iyon sa dashboard kanina nong uminom ako.

"Kailangan niyo po ng tulong?" Tanong ng driver.

Ngumiti ako at umiling. "Kaya ko na po." Sabi ko.

Nang makuha ko na ang gamot ko ay mabilis ko naman itong nilagay sa loob ng bag ko. Dapat ay dala dala ko ito, in case of emergency.

Nang akmang isasarado ko na ang pinto sa passenger seat nang biglang sumikip ang dibdib ko. Pasimple ko itong sinapo. Calm down heart. Calm down.

Napapikit ako at piping nagdasal na sana ay bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko. Magaling na ako. Hindi ko na dapat nararamdaman ito. Hindi pwedeng bumalik ako sa dati.

"Ma'am? Ayos lang po kayo?" Tarantang tanong ng driver.

Tiningnan ko ito at pilit na tumango. "I-I'm fine." Huminga ako ng malalim at nagpasalamat na medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Sinumpong lang siguro ang puso ko. Tama. I'm okay. I'm okay.

"Sigurado po kayo?" Tanong nitong muli.

"Oo." Nagpaalam na ako rito atsaka nagmamadaling pumasok sa restaurant. Mabilis ko lang nakita ang table namin dahil malalaking tao ang mga pinsan ko at talagang agaw pansin.

Kumunot ang noo nilang lahat ng umupo ako sa tabi ni lola. "What took you so long?" Tanong ni kuya.

Ngumiti ako. "May nakalimutan lang akong kunin sa car."

Mukhang kinagat naman nila ang palusot ko, na siyang pinagpa-salamat ko. Nasa table na namin ang mga pagkain kaya doon na ang focus naming lahat.

"Thanks krade!" Sabi ko nang ipagbalat niya ako ng shrimps.

Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Sila mike, anton, Aj at gab naman ay nag-simula nang magkulitan. Kapwa mga busog na kasi. Si kuya vlane naman at kleo ay kapwa tahimik, as usual. Silang dalawa lang naman kasi ang sobrang seryoso e.

"Wala akong legs na nakikita." Dismayadong reklamo ni Aj.

"Sa kulungan talaga ang bagsak mo diyan sa kamanyakan mo!" Iiling iling na saad ni mike.

"Isasama kita rapist!" Balik na panunukso naman ni Aj kay Mike.

"Gago." Malutong na mura ni mike sa pinsan.

"Tumigil na nga kayo!" Natatawang wika ni anton.

Nagkatinginan naman kami ni mike at nagtawanan. Parang hindi mga businessman ang mga ito kung magkulitan sa maraming tao.

"Nga pala victoria," Napatingin ako kay Gab. "Sama ka sa amin sa bar mamaya---" Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita nang tingnan siya ng masama ni kuya at kleo. "Hindi pwede." Mariing tutol ng dalawa.

"What? Matanda na si Victoria. Let her enjoy!" Ngisi ni Gab.

"Bar is not a safe place for her." Sabi ni kuya. Sumang-ayon naman ang seryoso ring si kleo. "Victoria's heart can't handle that kind of place." Ani ni kleo.

Natahimik naman na si Gab. Tipid akong ngumiti sa kaniya. I appreciate his invitation but kuya and kleo is right. I can't take a risk lalo na't madalas kong nararamdaman ang paninikip ng dibdib ko.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon