CHAPTER 3

12.4K 220 4
                                    

MAY MGA bagay na hindi na natin mababago. Tulad nang mga paniniwala at tingin sa'tin ng mga tao.

Gumawa ka man ng mabuti, balewala pa rin 'yon dahil na-judge ka na nila base sa mga naririnig o nakikita nila.

Kung patuloy mo lang igigiit sa mga tao na mabuti kang tao, sinasabi ko sa'yo ikaw lang rin ang mahihirapan, mapapagod at masasaktan.

Just let them be.

Paniwalaan na nila ang lahat ng gusto nilang paniwalaan. Basta alam mo sa sarili mo na mabuti kang tao, okay na 'yon.

Sa buong buhay ko marami na akong natutunan. I learned by my own experience in life. Though, it was all painful..the important is, i learned.

Naputol ang pag-iisip ko nang makita ang mga nagtatakbuhang mga studyante. Papunta sila sa gym. Anong meron?

Napasilip ako sa relong pambisig. Limang minuto nalang may klase na, ah. Bakit parang wala silang balak na pumasok sa mga klase nila?

Nagtataka man ay hindi ko na lamang iyon pinagtuunan nang pansin. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad papunta sa classroom ko nang marinig ko ang usapan ng ilang studyante.

"Grabe! Ano kayang nangyari kay sky? Nakakatakot siya."

"Oo nga. eh, parang mangangain ng tao."

"Nakita mo ba 'yong binugbog niya? Nakakaawa."

"Nakakatakot talaga siyang magalit."

Napatigil ako. Si sky?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Isa lang naman ang tinatawag nilang sky dito, si skyrile villafontia.

Hindi ko alam na makikita ko rin pala ang sarili kong tumatakbo papunta sa gym. Wala naman akong balak makipagsiksikan dahil alam kong hindi ako papatawarin ng mga studyante. Baka pisain pa nila ako kaya inantay ko nalang na mawala silang lahat.

Yung klase ko? Bahala na.

"Can't you just f*cking leave me alone!" Napaigtad ako sigaw niya.

Galit siya? Pero bakit?

Napasinghap na lamang ako nang makarinig ako ng malulutong na mura mula sa kaniya. Mukha namang natakot 'yong mga nakikiusyoso sa kaniya kaya nagsialisan din ang mga ito.

Nang silipin ko siya ay nakaupo siya sa gitna nang court at nakayuko. Nakakuyom ang mga kamao niya at kita ko ang panggigil doon dahil sa jersey'ng suot.

Napakagat ako ng labi. Na saan ang mga kaibigan niya? Dapat nandito sila para damayan niya? O baka pati ang mga ito ay pinagtabuyan niya.

Ano kayang problema niya? He looks so down.....

Mahigpit ang kapit ko sa aking bag habang tahimik na nagtatago sa gilid para hindi niya makita. 'Yong iba nga at mga barkada niya hindi siya nilapitan ako pa kaya? Baka sa'kin niya pa ibuntong ang galit niya.

Hindi lang ako makaalis dahil ayoko siyang iwan. Gusto ko siyang damayan kahit hindi niya ako nakikita.

"Alam kong nagtatago ka..." Napasinghap ako sa sinabi niya.

What the heck!

He knows? Baka iba ang sinasabi niya....may iba pa bang nagtatago bukod sa'kin. Damnit. Eh, kung umalis nalang kaya ako?

"Lumabas kana at magpakita sa'kin." Malamig niyang wika.

Nangilabot ako at nagtaasan ang mga balahibo sa katawan. What the hell?!

Napapikit ako at tahimik nanalangin. Sana hindi ako.....

"Aria de guzman." Malamig niya pang wika.

Muntik na akong bumagsak sa lakas ng kabog ng puso ko. Sh*t! he knows!

Muli akong napapikit at dahan dahang lumabas mula sa aking pinagtataguan. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

His eyes are cold yet he can still look hot in my eyes. Damn! What am i saying? The heck aria....

"What are you still here?" Tanong niya.

Napayuko at umiling.

"I-I don't know.."

"Tss...hindi mo ba tatanungin kung bakit alam ko ang pangalan mo?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Everyone knows me in a bad way. I'm sure you're one of them." Kibit balikat kong sinabi.

Bumuntong hininga ako atsaka naglakad palapit sa kaniya. Kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob kong lapitan siya? Hindi ko rin alam. Basta naramdaman ko nalang na kahit ngayon lang ay maramdaman kong malapit sa kaniya.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang huminto ako sa harapan niya. Mukhang wala pa rin siyang balak tumayo, which is good dahil mas gusto kong ganito lang kami.

"I know you are not they think you are..." Napasinghap ako sa sinabi. Nagulat ako pero hindi ko iyon pinakita.

Napabuntong hininga ako. Easy ka lang heart...kalma lang.

Isang beses lang 'tong mangyayari kaya magpigil ka muna.

"Hindi ako lumapit sa'yo para pag-usapan ang tingin ng ibang tao sa'kin." Bahagya akong ngumiti. Dinukot ko mula sa shoulder bag ko ang tumbler na binigay ni daddy sa'kin atsaka ko ito inabot sa kaniya. "Drink this. That is a vegetable shake, maganda ito sa katawan mo." Sabi ko.

Tinitigan niya lang ako at ang tumbler na binibigay ko sa kaniya. May sticker ito sa loob, kung saan nakasulat ang pangalan ko. Okay lang kahit hindi niya ito ibalik sa'kin, i know dad will understand.

Umupo na rin ako nang hindi niya kinuha ang tumbler ko. Kinuha ko ang kamay niya atsaka nilagay doon ang tumbler. "Keep on smiling please...." because your helping me.

Umawang lamang ang labi niya at hindi na talaga nakapag-salita. Napangisi ako. Hindi ko alam na natatameme pala siya.

Tumayo na ako at humakbang na palayo. I hope, this memory of us will be erase tomorrow on my mind. This is worth remembering, pero hindi na dapat.

Alam kong worthless pa rin ako sa paningin niya.

I'm still unwanted for everyone. Even him.

"Aria..."

Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin niya ako. Hinintay ko ang sasabihin niya pero hindi ko na ulit siya hinarap. This is too much. I already reach my limit. Wala na dapat ako ngayon dito.

"Why are you so distance...." Napatigil siya sa pagsasalita. Mapait akong napangiti.

"Don't you heard about the always unwanted girl? Thats me, skyrile. Thats me..."

And i don't do distance. I just know that everyone hate me.

They all think that i am the villain in this sh*t story.

I know what they think of me. Makita ko palang kung paano sila tumingin sa'kin,  nakaka-insulto at pinandidirihan nila ako.

And since from the start....I knew that i will never be good to anyone.

Never.

Always unwanted 💯Donde viven las historias. Descúbrelo ahora